Kabanata 22

150 5 0
                                    

When He Fell

Kabanata 22


"Ma'am, aalis na po kami ni Nena... babalik nalang po muna kami ng probinsya..."Mahinahong sabi ni Nimfa. Kasambahay namin sila na pinapaalis na ni Mommy sa kanilang trabaho dito sa bahay.

Tinignan ko ang dalawang magkapatid na matagal nang nanilbihan sa amin. Umabot sila ng dalawang taon dito at alam kong hindi ako masasanay na hindi ko sila nakikita araw araw.

"Joseph, ikaw na ang kumausap kayla Baldo... pwede na silang umalis..."Ani Mom.

Tumayo si Felicite sa sofa at hinarap si Mommy na ngayon ay binibigyan ng pera ang magkapatid na kasambahay.

"Mommy! No! Why would you fire kuya Baldo? Who's going to drive me to school, Mom?!"Sigaw ni Fel.

"Felicite, stop.."Ani Kier.

"No way! You will not fire kuya Baldo!"Pagpipilit pa nito.

"Ano ang magiging trabaho niya sa atin kung wala ng kotseng imamaneho, Felicite? Grow up! You need to see things! Wala na tayong pera-"

"Sophia, don't..."Pagpipigil naman ni Daddy.

Tumawa si Mommy na para bang nainis siya dahil nakisabat si Daddy sa usapan. "They need to know, Joseph. They're our children.."

Tumayo rin ako sa aking upuan. "Mom, please rest..."

"We're bankcrupt... Bakit? We ran out of investors..."Panimula niya. Okay, ako ang panganay sa amin. I don't know about our damn business but I need to know what's going on.

"Lintik iyang daddy mo! Nagpaloko nanaman sa mga walang hiyang Azevado na iyan! I told you they're traitors, Joseph!"Sigaw ni Mommy na nagpagulantang sa akin.

Nagkatinginan kami ni Kier. Parehas kaming gulat. Napailing siya sa akin. There's no way...

Halos matumba ako dahil sa pagkahawak sa akin ni Mommy sa braso. Her eyes were bloodshot. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya ito.

"You... are you still going out with that boy?"Mahinanong sabi ng aking ina.

I swear I can almost hear my heart pumping. Halos lahat ng pwedeng tumaas sa akin ay tumaas na. Ano ang gagawin ko?

"Madeline Leticia.."Tawag sa akin ni Mommy.

"He's.. he's my friend my'... Hindi maiiwasan na hindi magkita..."I told her. Atleast, I did not lie. Totoong hindi maiiwasang hindi kami magkitang dalawa.

Kumunot ang kanyang noo.

"Stop seeing that boy!"Sigaw niya sa akin.

Bumitiw ako sa pagkahawag niya. "No!"

Tinignan ko ngayon si Kier na ngayon ay tila nanglulumo sa nakikita. Alam niyang hindi ko kayang gawin ang utos ni Mommy. I just can't... There should be another way to solve this.. I wont risk him..

"Who's the boy you are going out with, Em? May boyfriend ka na?"Kalmado pero galit ang boses ni Daddy...

"Joseph... It's Luisa and Leonardo Azevado's son!"Frustrated na sigaw ni Mommy.

"What?!"Sigaw naman ni Dad.

Halos mabingi ako sa sigawan sa loob ng aming bahay. Before it was deafening quiet.. not until now..

Hindi ko mapigilang maiyak sa nangyayari ngayon. Nilapitan ako ni Kier at nilaagay sakanyang likuran.

"Dad.. don't be mad at ate!"Anito.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon