Kabanata 12

163 6 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 12


Para akong baliw na pagulong gulong sa kama habang nakangiti. I can't help but to feel happy. Ang ilang taon kong pinaghirapan ay ngayon ay nagbunga na.

Never in my wildest dreams that Sandro will look at me the same way I look at him. Everything felt like a fantasy, and I never want to wake up.

Hinablot ko ang aking cellphone na nakapatong sa aking night stand. It's already ten thirty. Dapat tulog na ako ngayon ngunit hindi ako makatulog.

Binuksan ko ang aking messenger at nakitang active si Sierra doon. I clicked her name, so I can call her.

Nag-indian sit ako sa aking kama at hinintay ang kanyang pagsagot.

"Hello?"Ani Sierra sa pangatlong ring.

"Sierra!"Hiyaw ko at muling gumulong sa aking kama, mukhang nababaliw na nga ako.

"Why did you call? Patulog na ako.."Rinig ko ang antok sakanyang boses.

Wala akong pakielam kung inaantok na siya. I need to tell her what I feel para kahit papano ay makatulog naman ako. Ayaw ko ng maraming iniisip.

I stood up from my bed at binuksan ang aking terrace. Sumandal ako sa railings. Malamig na dito sa labas pero kaya ko pa naman.

"Sierra... naghalikan kami.."Mahina kong sambit. I touched my lips as if I can still feel the heat.

"Huh? Kayo ni Julian?"

I rolled my eyes.

"Kami ni Sandro..."I told her. Wala siyang sinabi. Kala ko ay matutuwa siya para sa akin, pero siguro ay nagulat lang?

"He kissed me, Sierra. Sabi niya sa akin ay ngayon lang rin daw siya nag seryoso ng ganon. I don't know what to feel, gustong gustong ko talaga siya. Mahal ko na yata siya!"Hinilot ko ang aking sentido.

"You're just sixteen.."

"I know.. Natatakot rin ako.."Pag-aamin ko.

We're too young for this. We're too young for love. Kahit anong gawin ko ay ito ang reyalidad. Ang nararamdaman namin para sa isat' isa ay hindi pa nararapat sa ngayon. But maturity is a choice, isn't it?

"Don't play games and then be surprised when you lose.."Aniya.

"Hindi ka ba masaya para sa akin?"Kinagat ko ang aking mga labi, bakit hindi siya amsaya para sa akin?

"I'm happy for you, ofcourse.. Pero.. pero bata pa tayo at alam ko ang pagmamahal mo para sakanya noon pa man. Aren't you scared, Em? That love can destroy you. Dadating ang panahon na maari ka niyang iwan... Moving on won't be easy on your part.. I hope you understand..."

Nakaramdaman ako ng kirot sa aking puso. Truth hurts, pero ngayon lang ako naging masaya ng ganito.

"Ang tagal kong hinintay to..."

"Kasama mo ako habang naghihintay ka, Em. Alam ko ang paghihirap mo makuha lang ang atensyon ni Sandro. Just take it slow for you part.."

Huminga ako ng malalim.

"I know, Sierra. Alam ko naman ang pinasok ko.."Ngumiti ako kahit na hindi niya nakikita. Ngumiti ako dahil sa kasiyahan na nararamdaman.

I'm happy and scared at the same time. Masaya ako dahil sa kung anong meron kami ni Allesandro sa ngayon and I'm scared because I've never been this so happy in my life.

For the very first time, meron akong na-ani na alam kong pinaghirapan ko ng ilang taon. And that's him.

"Then, I'm happy for you.. Pero sana ay hindi ang pagmamahal na yan ang dahilan ng pagkasakit ng damdamin mo.. I've seen you hurt so many times.."

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon