When He Fell
Kabanata 19
Hinayaan ko ang sarili ko na magpadala sa aking kapatid. I'm tired of everything as of now. Tao rin ako at napapagod.
Hanggang kailan ba ako aasa sa buhay na paulit ulit nalang? Pagod na pagod na akong maghintay sa wala. Gustuhin ko mang sumuko ngunit isang ngiti lang niya ay bumibilis muli ang tibok ng rebeldeng puso na ito.
Kahit noon ay wala akong naramdamang pagod para kay Sandro. I was happy even if I'm just one of the girls in the crowd.
Pero nang nagsimula siyang magparamdam ay masyado nang umabuso ang aking puso at naghahangad pa ng higit pa roon.
Sino ba ang mali sa'ming dalawa? Ako ba dahil ba dahil umaasa ako o siya na ayos lang kahit hindi niya ako balikan dahil alam niyang hindi ako aalis.
And that's wrong. I'm always waiting and I'm always believing. Dapat ay malinaw na sa akin yon dati pa lang! Hindi niya ako mamahalin at pagsasawaan niya lang ako.
"Ate, we're here.."Tinapik ni Kier ang aking balikat.
Napatingin ako sa aming bahay na halos patay na ang lahat ng ilaw sa loob. Bumaba ako ng aming sasakyan at ganon rin siya.
Muntik na akong matapilok dahil hindi ko tinitignan ang mga bato batong tiles papasok ng aming bahay.
Hinawakan ni Kier ang aking braso para suportahan ako at hindi malaglag ng tuluyan.
"Did you drink? You seem tipsy..."Aniya.
Umiling ako.
"I'm perfectly fine. 'Di ko lang nakita yo'ng mga bato.."Kumbinsi ko sa aking sarili pero ang totoo ay lumilipad lang talaga ang aking utak.
Nang nakarating na kami sa loob ng bahay ay binitawan na ako ni Kier. Sumalubong ang iilang kasambahay sa aming dalawa.
Tinanggal ni Kier ang kanyang coat at kinuha naman iyon ni Nena.
Anak iyon ng mayordoma namin dito na si Manang Pearl. Mas bata sa amin si Nena ng ilang taon, siya kasi ang bunso sa pitong magkakapatid.
"Bakit gising ka pa? Madaling araw na.."Sabi ng aking kapatid, nakakunot ang noo.
Ngayon ko lang napansin. It's already 2am at may pasok pa kami bukas. Hindi nalang ako papasok. Ayaw ko'ng makita si Sandro kung tatanungin man nila ako ay sasabihin ko nalang na pagod ako.
"Hala ser! Kasi itong si Nena, ganyan talaga yan.. nagpupuyat! Doon ka na nga oy! At akin na yang coat ni ser..."Ani Nimfa, kapatid niya naman.
"Hindi ako papasok bukas kaya wag niyo na akong gisingin.."Sabi ko.
"Bakit hindi ka papasok?"Tanong naman ng aking kapatid.
"I'm tired."
Mas lalong kumunot ang noo ni Kieran.
"Papasok ako. Kung hindi pa ako bumababa by seven, wake me up.."Bilin niya sa dalawang kasambahay.
Nagsimulang umakyat ang aking kapatid. Hinayaan ko siya.
"Si Mommy and Daddy?"Tanong ko kay Nimfa.
"Kakauwi lang rin po kaninang alas dose! Mukhang LQ sila ma'am..."
Nanliit ang mga mata ko. My parents never fight.
"Si Felicite? Ano ang ginawa mag hapon?"
"Nakatutok po sa ipad niya... may ka face time ma'am..."Tumango ako sa sinabi ni Nimfa.
![](https://img.wattpad.com/cover/71616872-288-k449524.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...