Kabanata 28

186 8 0
                                    

When He Fell

Kabanata 28


Sinubukan kong hindi umiyak habang hinahatid namin sila NAIA. Hindi naging madali ang paghihiwalay namin sa aking mga kapatid at kay Daddy. Ang kapatid kong si Felicite ay halos hindi na rin sumama dahil ayaw niyang mawalay kay Mommy.

Ilang taon pa kaya ang lilipas bago ko sila makita ulit? Grade eleven pa lang ako. It will be hard to find a decent job. Kailangan ko munang tapusin ang Senior High School bago makatrabaho at para makabayad ako ng tuition sa College.

Nakakapanibago. I had plans before pero ngayon ay hindi na matutuloy ang lahat ng yon. Pangarap ko dating mag aral sa Enderun Colleges na ngayon ay imposible na para sa amin.

Wala na kaming pera at tanggap ko na kumakapit nalang kami sa dulo ng bangin para mabuhay. This will be a hard start for us lalong lalo na sa aking Mommy na simula pagkabata ay namuhay sa luho.

When my grand parents died ay hindi nila binigyan ng kahit singkong duling si Mommy. Ang pagkaalam ko ay ayaw nila kay Daddy kaya nagtanan nalang sila ni Mommy. Sa huli ay wala rin siyang nakuha.

Ang mga tito at tita ko naman ay sa ibang bansa na nanirahan. Si Mommy lang ang hindi umalis sa Pilipinas sakanilang magkakapatid.

Nang tuluyan nang pumasok sa Airport ang mga kapatid ko ay doon na kumawala ang aking luha. I will miss them so bad. Sana maging mabuti sila doon. Mas okay na nandoon sila kaysa maghirap sila dito.

"Let's go, Madeline.."Marahang tawag sa akin ni Mommy habang hawak niya ang pintuan ng taxi na ngayon ay sasakyan namin.

"Nandyan na po.."

Pumasok na ako sa loob ng taxi at sumunod naman siya sa akin.

Magtataxi kami ngayon dahil masyado pa kaming pagod para maghanap ng matutuluyan. It will make more convenient for us lalo na kailangan namin ng pagkain at internet.

"Saan po kayo ma'am?"Tanong noong taxi driver.

"Red Planet Hotel..."Sagot naman ni Mommy.

That's the cheapest hotel we could find noong nag search kami sa bahay. Maayos naman 'yong hotel na napili namin at malapit rin sa NAIA kaya hindi matagal ang byahe patungo doon.

Wala pang isang oras nakarating na agad kami sa Hotel na tutuluyan namin ngayong araw. Hindi pa nagigising ang araw kaya madilim pa ang kalangitan.

Ilang convenient store ang nakapalibot dito kaya hindi rin kami mahihirapan maghanap ng pagkain.

Nagbayad si Mommy sa driver at kinuha na ang mga maleta namin sa compartment. Tumulong ako doon at sabay na kaming naglakad papunta sa loob ng hotel.

Pagkapasok namin doon ay tinulungan kami agad sa mga dala naming bagahe.

"What do you need ma'am?"Tanong noong concierge.

"I've already reserved a room under Joseph Guerrero.."Sabi ni Mommy.

Tumingin iyong babae sa computer at binalingan ulit si Mommy.

"Opo, meron na po. May kailangan pa po ba kayo? Breakfast?"

"Breakfast for two... pakidala nalang doon sa room.."

Binigay kay Mommy ang susi ng kwarto at may tumulong pa samin para makapunta doon. Sumakay kami sa elevator para makaayat sa 4th floor ng building.

Nang makarating kami sa kwarto ay gusto ko na agad tumalon at humiga sa kama pero bigla akong nagutom kaya napagdesisyunan ko na hintayin muna nag pagkain.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon