Kabanata 7

197 7 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 7


Natapos ang game and as usual, their team won. Nagdiwang ang mga schoolmates ko at nagawa pang pumunta sa covered court at tumalon talon doon.

Naisipan ko na ring sumama sakanila dahil mukha akong tanga na nakaupo lang sa bleachers. Hindi ko pa rin tuluyang maintindihan kung ano nga ba talagang nangyari kanina.

Dapat lang talaga na suotin mo yan' para alam nila kung kanino ka..

Damn it, his words keeps repeating on my mind. Oo magulo ako, pero mas magulo siya. Hindi ko siya mabasa. Ang hirap.

"Congrats, ang galing niyo.."Sinabi ko sa aking kapatid na ngayon ay kasama ang mga kaibigan.

Pinasadahan niya ako ng tingin.. Oh, the jersey.

Tinanggal ko iyon sa aking katawan at sinukbit nalang sa aking braso. Tinakasan ko nalang ang seryosong tingin ni Kier at pumunta kung nasaan sila Lincoln.

Dama ko pa rin ang lakas ng pagtibok ng aking puso. Lalo na noong nakita ko si Allesandro na nakatingin. Maraming nagpapapicture sakanya.

Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking cellphone. I want to take a photo with him, too. Pero mukhang bad timing ngayon. I don't even know if I can face him.

"Aba, kita ko yong nangyari kanina ah? Tinakbuhan na kami nong mga lalaki."Inakbayan ako ni Lincoln, "Nagulat ako sa nangyari kanina. Mukhang mas magwawala pa si Allesandro kesa sa akin tuwing may pumuporma sa'yo.."

Pinindot ko ang kanyang pisngi at tinulak siya kay Sierra.

"Walang pumuporma sa akin!"Irap ko.

Ngumisi siya. "That's because you're not giving attention to other boys.."

"She's not allowed to entertain other boys, Link. Because she's only dedicated to me.."Haumarentado ang aking rebeldeng puso.

Nilingon ko si Allesandro na ngayon ay nakatayo sa aking likuran at nagpupunas ng pawis. Kinuha niya ang picture mula sa aking kamay.

"You want a picture too, right?"Nanliit ang kanyang mga mata. "Syempre gusto mo rin, kanina ka pa tingin ng tingin habang may nagpapapicture sa akin.."

Halos malaglag ang aking panga sakanyang sinabi.

"Sierra.."Binigay niya ang cellphone kay Sierra na mukhang alam na ang gagawin.

Ngumisi siya sa akin.

"Closer, Em.."Napapikit ako sa sinabi ni Sandro.

Mas lumapit ako sakanya. Nagkadikit na ang aming braso sa lapit.

"One.. two... three..."Ani Sierra. Saktong sakto na nilagay ni Allesandro ang kanyang mga braso sa aking balikat.

Sa aking gulat ay mukhang hindi pa ako nakangiti doon sa picture and I was right. I looked very shocked, si Allesandro naman ay nakangisi na nakatingin sa akin.

Very candid.

"Ate.."Tawag sa akin ni Kier.

"Yes, Kier?"Nanliit ang mga mata ko nang nilingon ko siya. Merong dalawang lalaki na nasa likod niya at may dala itong mga cellphone.

Napansin ko rin na galing sila sa kabilang team. Siguro ay mga kaibigan ito ni Kier sa aming subdivision.

"This is Earl and James.. They want a picture with you.."

Oh.

"Sure.."Hinanap ng mga mata ko si Sandro. Medyo malayo na siya sa akin dahil kinuha niya ang kanyang bag sa bleachers.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon