Kabanata 5

204 9 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 5


"Paano niyo nalaman na nandito ako?"Seryoso kong tanong kay Sandro na ngayon ay tinatanggal ang pagkatali ng matigas na lubid mula sa aking kamay.

Suminghap siya na parang hirap na hirap sa aking tinanong.

"Are you a part of this?"

Nanliit ang mga mata ni Sandro.

"I wont do this to you. You often annoy me, pero hindi ko ito magagawa sa kahit na sino, lalong lalo na hindi ko ito magagawa sayo.."Mas seryoso niyang sinabi na ngayon ay unting unti nang natatanggal ang pagkatali.

Tinignan ko ang aking papulsuhan na may iilang sugat na natamo mula sa mahigpit na pagkatali ng lubid.

"Hindi mahigpit ang pagkatali. I'm sure babae ang may gawa nito. Am I right?"Taas kilay na tanong ni Allesandro.

Tumango ako sakanya.

"Who are they?"

Tuluyan nang nakalas ni Allesandro ang lubid sa aking kamay pero nanatili pa rin ako sa malamig na tubig dahil sa aking pagkahubad. I don't want him to see me bare like this.

"Sino ang may gawa, Madeline?"Muli niyang tanong.

There's a part of me that doesn't want him to know about this. Ayaw kong sisihin niya ang sarili niya sa mga nangyari.

"Wala, Allesandro."

"Don't lie to me now! Sino ang may gawa para managot!"Napapikit ako sa lakas ng kanyang boses.

Tinignan ko siya at ngayon na ngayon ay nakakatakot ang mukha. His eyes shouts anger. I can see his hands fists.

"Si Nicole and Mindy. Sila ang may gawa."Sabi ko nang hindi siya tinitignan.

He did not reply. All I can here was his breathings. heavy breathings. I don't want him to blame himself, this is my fault. Next time sisiguraduhin kong rerespetuhin ko na ang magiging girlfriend niya.

I've learned from this. Ayaw ko nang mangyari ito ulit.

Ilang saglit lang ay dumating na si Link na may dalang itim na twalya at puting bathrobe. Hindi ko alam kung saan niya yon kinuha pero ayaw ko nang isipin.

Inalok sa akin ni Sandro ang kanyang kamay upang makaahon ako. Tinanggap ko ang kanyang mga kamay at tinulak ang sarili ko pataas, agad akong sinuotan ni Lincoln ng bathrobe.

"Damn it, Madeline! Ilang oras ka'ng nababad rito?"Nagaalala niyang tanong.

"I don't know. Maybe an hour or two.."Niyakap ko ang aking sarili. Hirap na hirap pa ring maglakad.

Kinuha ko ang aking uniform. Ang sapatos ko ay nasa pool pa rin, wala na akong balak kunin. Wala na akong pakielam kung ano man ang balak nang makakapulot nyan dito.

Nilingon ko si Sandro at Link.

"Ayaw ko nang palakihin to. Link, don't tell mom-"

"Huh? This is too much, Em! Kung hindi pa nakita ni Allesandro ang uniform mo sa basurahan ay nandito ka pa rin!"

Nanliit ang aking mga mata.

"Tinapon nila ang uniform ko?"Galit kong sinabi.

"I'm sorry, Madeline. Pero tama si Link, We should report them to the guidance.."

Umiling iling ako.

"No. My mom will be mad about this, kilala mo si Mommy, Lincoln. Pwede siyang magsampa ang kaso! At ayaw kong umabot sa ganon!"

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon