Kabanata 24

155 5 0
                                    

When He Fell

Kabanata 24


Sinuot ko ang aking itim na jacket. It's already six in the evening. Lincoln should already be here in a while.

Ngayon ko pupuntahan ang birthday party ni Sandro. Nagkataon rin na wala sila Mommy and Daddy dito sa bahay kaya madaling makatakas.

Isang mahinang katok ang narinig ko mula sa aking pintuan. I opened it at bumungad sa akin ang kapatid ko na nakajacket rin.

"Are you ready?"Tanong ni Kier sa akin.

Tinanguan ko ang aking kapatid.

"Nandito na ba sila Link? Paano ako lalabas ng bahay?"Sunod sunod kong tanong.

"Manang's busy in the kitchen. She won't see. Iyong ibang kasambahay ay nag grocery..."

"How about Felicite?"

Umiling iling si Kier. "She's with Ate Autumn. Planado na ang lahat. You can freely go outside..."

Nilagyan niya ng sumbrero ang aking ulo. Hinubad niya ang gray na jacket at inabot sa akin.

"What's with this?"

"I brought Thereze here at iyan ang suot niya. Wear that para hindi halata sa CCTV. Hindi ka makikita dahil nakasumbrero ka..."Mabilis niyang sinabi at pumasok sa loob ng kwarto ko.

Pinapanood ko siyang pumunta sa may bintana habang pinapalitan ang suot kong jacket.

"What are you doing?"Tanong ko.

"Wait a minute..."

Lumabas si Kier sa aking kwarto at ilang saglit lang ay bumalik siya kasama ang chinese niyang girlfriend.

Nang mahagip niya ang tingin ko ay ngumiti siya. I don't know if I should smile back.

Tumango nalang ako at tinignan ang kapatid ko na may hawak na lubid ngayon ay tinatali sa aking bintana.

"Thea..."Tawag niya sa kanyang girlfriend.

Tinignan ko si Thereze na nakatingin sa kawalan.

"Thereze!"Mahinang sigaw ni Kier na nagpabalik sakanya ng wisyo. "Hey, Thereze look at me, don't be scared..."

"I'm not scared..."Ani Thea.

Patuloy pa rin ang pagtali ng aking kapatid.

"Dito ka lang. don't let anyone in."Bilin ni Kier.

Tumango ang kanyang girlfriend.

"Okay.."

"I'll call you... Ibaba mo ang lubid na to pag tumawag na ako... We wont take long saglit lang to..."

"I understand, Kier... Magingat kayo.."Sabi ni Thereze habang hawak ang braso ng aking kapatid.

Ginulo ni Kier ang kanyang buhok at hinalikan ang kanyang noo.

"We'll go now.."

Damn. I feel awkward. Pakiramdam ko ay nanonood ako ng isang pelikula.

Fuck, Em! Back to your senses!

"Tara na..."Sabi sa akin ni Kier.

Nang makalabas kami ng kwarto ay sinarado na ni Kier ang pintuan. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil baka mahuli kami ni Manang.

Mabilis kaming bumaba ng hagdan. Kasing bilis ng tibok ng puso ko.

Nakarating na kami sa living room. Tahimik ang paligid at walang katao tao. Binuksan na ni Kier ang pintuan palabas ng bahay.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon