When He Fell
Kabanata 14
Dumaan ang dalawang linggo na sobrang busy kami para sa Junior High School Promenade. Kaming dalawa ni Sierra ay kasali sa cotillion, ka partner niya si Link habang ako naman ay yung kaklase kong nerd. Ayos lang naman pero mukhang magiging maganda kung si Sandro ang kapartner ko.
Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay nagawa ko pang magpatahi ng gown. A dark red long dress, v neck sa harap at backless naman iyong likod.
Binilhan rin ako ni mommy ng jewelries, and a five inches silver heels.
"Puma, here's my baby doll.."Pagpapakilala ni mommy sa akin sa isang baklang professional make up artist na kakilala niya.
I tried convincing her na huwag ng mag hire ng make up artist dahil gastos lang iyon. I can do my make up but she insisted to hire one. Gusto niya raw ay ako ang pinakamaganda.
Ngitian ko si Puma.
"Hello.."
"She's a beauty, Mrs. Guerrero! Mukhang siya na yata ang pinaka maganda doon!"Tawa ni Puma.
I smiled. Again.
"Thank you.."
Pumalakpak si Puma ng marahan.
"Come on, darling.. let's start the magic!"Hinablot ako ni Mommy at inupo sa aming sofa.
Nandoon ang ilang kasama ni Puma at hinahanda na ang mga make up. Kanina pa ata sila nandito at si Puma itong na late..
"Maganda sana kung light lang ang make up.. But I'll do a smokey eye.."Ani Puma, tumango lang ako sa kanyang mga sinasabi habang nagsisimula na siyang ayusan ako.
Ginalaw na rin nila ang aking buhok para ayusan ito. I told them I want an updo hairstyle, a messy one. Sumunod naman sila sa sinabi ko.
Allesandro will pick me up at six. Ngayon ay four thirty pa lang. Ang kapatid ko na si Kieran ay tamad pa ring bumangon. Ilang beses na siyang sinuway ni Mommy ngunit hindi siya nagpatinag.
Kier didn't even asked me kung sino ba ang prom date ko. Kala ko pa naman ay yayayain niya ako but I'm sure he already heard what happened two weeks ago sa court kaya di na ako tinanong.
Pero kahit na hindi ko siya prom date I want to dance with him. First dance sana, pero ayaw ko namang agawin siya sa kanyang prom date.
Halos isang oras at nila akong inayusan bago matapos iyon. Ilang puri ang mga narinig ko mula kay Mommy at sa aming mga kasambahay. Ang aking kapatid naman na si Felicite ay puro lait ang narinig ko.
"Don't be jealous, you'll experience prom soon, anak.."Tawa ni Mommy kay Fel. She's really jealous! Namumula na siya sa galit! Gusto niya na rin mag prom!
Nong bata ako ay pinangarap ko rin ito. Dumalo sa prom.
"Sige na, umakyat ka na at suotin mo na ang gown mo..."Ani Mommy.
"Isn't in too early?"
"No, it's just the right time! Go now!"
Umakyat ako habang nagmemeryenda sila sa aming dining room. Papasok na sana ako sa aking kwarto ng nakita kong nakabukas ang pintuan ng aking kapatid na si Kieran. Ayos na ayos na siya, naka-wax ang buhok at naka kulay gray na tuxedo.
Iritado siya sa kanyang bow tie na hindi niya makabit.
Kumatok ako ng dalawang beses upang makuha ang atensyon niya. Nang makita niya ako ay mukhang nabigyan ng pagasa ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...