Kabanata 18

145 6 0
                                    

When He Fell

Kabanata 18


As expected, nanalo pa rin ang aming varsity team kahit na wala doon si Sandro. Ang paaralan namin ay ang nag champion kaya naisipan nilang mag celebrate.

Napagdesisyunan nila na doon mag celebrate sa bahay nila Lincoln. They invited me but I don't want to go.

Ang gusto lang na gawin ng katawan ko ngayon ay ang magpahinga. Masyado akong maraming iniisip. I want a break. Life's been too harsh on me these days.

"You're not going, Ate?"Tanong sa akin ni Kier na ngayon ay kasama pa rin ang kanyang girlfriend.

"Nope. I'm going home..."

Nilapitan agad ako ni Sierra. Hindi matanggal sakanyang labi ang pagkasaya marahil proud siya sa kanyang boyfriend dahil si Link ang may pinakamaraming puntos sa laro kanina.

"Hindi ka sasama?"

Tumango ako sakanya at ngumiti.

"Hindi na. I'm kinda tired.."

"Oh, akala ko ay may lakad kayo ni Sandro.."Nagkibit balikat si Sierra, "Ano na raw ang nangyari doon sa kaibigan niya?"

"Nasa ospital sila.."Maikli kong sagot.

I did not tell her what happened earlier. I don't want to make things complicated as it is. Besides, it's not a big of a deal. Natural lang naman na magkalabuan sa isang relasyon hindi ba?

Masyado kaming nagiging masaya sa mga nakaraang panahon na magkasama kami. Pakiramdam ko ay binibigyan lang ako ng malaking pagsubok ngayon. Alam kong maglalaho rin 'to.

"I'll go now."Muli kong pagpapaalam.

"I'll drop you off. Magcocommute ka ba?"Sabat naman ni Link sa akin.

Umiling ako.

"Nandito ang driver. Isabay mo muna si Kier.."

"Alright, cousin. You take care..."

Paalis na ako ng hilahin ako ni Sierra. Nagtataka ang mga mata nito na para bang bakas na bakas sa akin ang pagkalungkot.

We know each other for so long. Kabisadong kabisado ko na siya kaya sigurado akong ganon rin siya sa akin.

Pero ayoko lang talagang sabihin ang mga nangyayari ngayon. I don't want them mad at ayaw kong pagbuntungan nila si Allesandro sa lahat ng ito.

"Are you fine?"Mahinahon niyang tanong.

I fake a smile.

"I'm fine. Pagod lang siguro dahil mainit.."

Ngumiti si Sierra na para bang okay sakanya ang naging sagot ko.

"Good to hear! At sana naman ay hindi mo nakalimutan ang fashion show ko bukas! I'll give you the invitation tomorrow. Isama mo si Sandro.."

Tumango ako. "Okay..."

Nang pinakawalan niya ako ay umalis na ako ka agad. Good thing occupied ako bukas at mababawasan ng kahit konti ang aking mga iniisip.

And about the fashion show, It will be held at Vivere Hotel somewhere here in Alabang. Ang kanyang mommy ay nagsimula ng clothing line at ilang mga designs niya ay kasama doon.

Umuwi ako ng tahimik ang bahay. Wala kang maririnig doon kung hindi ang agos lamang ng tubig mula sa aming swimming pool dahil sa lumalangoy na si Felicite at ng kanyang mga kaklase.

Umakyat agad ako sa kwarto at nagkulong.

Napansin ko ang aking cellphone na umilaw. It was a message from Allseandro asking me if I went home safe.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon