When He Fell
Kabanata 17
Katulad ng pinangako niya kay Karmir ay doon kami kumain sa Vanilla cupcake bakery. I was silent the whole time at sila lang ang naguusap.
Hindi ko na rin binuksan ang topic tungkol sa naging paguusap namin ng kanyang best friend. As if I can't handle her.
He dropped me off outside our subdivision. I didn't want him to take me in our house, besides kukunan siya ng lisensya bago makapasok sa loob ng subdivision at student's license pa lamang ang meron siya.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, as expected ay wala na sila Mommy and Daddy. They're off to work, at sa napapansin ko ay masyado na silang nag oovertime sa kanilang trabaho these days.
"Kakain ka na, Ma'am?"Tanong sa akin ni Ate Beth, isa sa mga kasambahay namin.
"I don't want to eat yet..."
"Ate, you don't dine witn us anymore. Can you atleast accompany us this lunch time?"Rinig kong sinabi ng aking nakababatang kapatid na si Felicite.
Huminga ako ng malalim. I already ate.
"Anong ulam, manang?"Tanong ko habang naglalakad papuntang dining.
"Fish fillet at string beans... Si Mommy mo ang nagluto bago siya umalis.."Aniya.
Umupo ako sa harap ni Felicite. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng yapak pababa ng hagdan.
"Oh, sasabay ka, ate."Sarcastic na tanong ni Kier sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at nagsimula nalang na magsandok ng kanin sa hapag. Konti lang ang nilagay ko dahil naparami ang kain ko kanina.
Pinasa ko ang kanin sa aking kapatid. Kumuha ng fillet si Kieran at nilagay iyon sa aking plato. Hinayaan ko siya.
"You went to the gym?"Casual niyang tanong.
"Yeah.."
"With Allesandro?"Muli niya akong tinanong. Hindi ko iyon sinagot.
Mahinang tumawa si Kieran sa aking tabi.
"You're not answering my question. Bakit? Pinagpalit ka na ba sa iba, Ate?"
Binitawan ko ang kubyertos at hinarap ang aking kapatid na ngayo'y tuwang tuwa pa rin sa pangbwbwisit sa akin.
"Why are you asking silly questions? Hindi niya ako pinagpapalit at ano ba ang pinagsasabi mo? He's not my boyfriend.."Malakas ang aking boses.
"I'm not dumb, Ate. I know that there's a new girl."
"The new girl that you're talking about is Sandro's bestfriend from States. Masaya ka na?"Sabi ko.
"Will you please stop, the both of you? We're eating!"Sigaw naman ng aking kapatid na si Felicite na parang matanda na sinaway kami.
Halos mahulog ang aking panga.
Tinapos ko nalang ang aking pagkain na hindi ako nakikipagusap sa dalawa kong kapatid. Tahimik rin sila kagaya ko.
Ako ang unang natapos kaya ako rin ang unang umakyat sa aking kwarto. I took a bath afterwards, at nanood rin ako ng movie buong maghapon.
Hindi nagtext si Sandro dahil mukhang busy. Besides, we don't do texting that much. Lumalabas lang kami at iyon na yon.
Natapos ang sabado ng hindi ko siya nakakausap. We just texted each other our goodnights.
Nang nag linggo ay ganon rin ang nangyari. Simula noong nagsimba ako ng umaga ay hindi niya ako kinakausap. I don't wanna be paranoid but I feel like I need to. Ngunit kung gusto niya nag saglitan na space mula sa akin ay iyon ang ibibigay ko.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomansaMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...