Kabanata 4

221 7 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 4


Dalawang araw na ang nakalipas noong naging partner kami ni Allesandro sa aming PE activity. We never had another interaction after that. Hindi pa rin matanggal sa isip ko yung tanong niya.

Kaya ko pa ba?

What's the meaning of that? Ako lang ba o double meaning talaga ang ibig sabihin non? Kaya ko pang ano? Magmatigas at iwanan siya? I think that's imposible now.

Hindi ko maiwasan ngayon na mag assume dahil sa mga kinikilos niya. We were never like this before. Masaya na nga ako pag dumadaan siya sa aking harapan. This drama is new to me.

Should I continue to pursue him? Should I stop slipping away?

Social studies ang subject namin ngayon, like the other subjects, nakakaantok rin ang isang to. Math is horrible, pero mas sobra talaga ang social studies.

Walang ginawa si Ma'am Arevalo kung hindi ikuwento ang talang buhay niya. Kung pano sila naghirap sa buhay, kung papano siya nagtinda ng gulaman sa train stations and such.

I don't really care, I mean, anong magagawa noon sa amin? We're not going to experience poverty anyways.

"Damn in, my eyes are starting to close.."Rinig kong reklamo sa akin ni Sierra. Katabi ko siya ngayon, nakipag palit ako sa seat mate niya.

Nilingon ko si Sierra. Hindi pala ako ang kausap niya kung hindi ang pinsan ko na nasa kabilang tabi niya.

I rolled my eyes.

"Just bear with it. Thirty minutes nalang.."Ani ko.

"Di ko na talaga kaya e.."

"You can sleep on my shoulder you know.."Malanding alok ng aking pinsan.

Seriously? In the middle of the social studies class?!

Tinapik ko nang malakas ang arm chair ni Sierra. Sa kasamaang palad ay nakuha ko ang atensyon ng lahat.

Maging ang teacher namin na nagtigil sa pagsusulat sa white board dahil sa ginawa ko.

"What is it, Miss Guerrero?"Taas kilay na tanong ng aking teacher.

Agad agad akong umiling.

"Nothing ma'am.. I just.. dropped something.."I told her.

Suminghap ang aming guro at tinuloy ang pagsusulat tungkol sa labanan nila Magelan. Di naman nagtagal nakarinig ko ang mga hagikgik mula sa aking likod.

Nilingon ko sila.

If I'm not mistaken, ang isang babae doon ay kaibigan ni Mindy Chiong.

"What?"Masungit kong tanong.

Hindi ako pinansin ng mga yon at tinignan nalang nila ang mahahabang kuko na may mga neon colored nail polish.

Halos magdikit ang mga kilay ko. Their lips are too red, the blush on is too pink, too much bracelets at nagkulot pa ang mga babaeng mga nasa likod ko.

This is not a parlor, though.

Binaling ko ulit ang aking sarili sa aking notebook at nagsimulang kopyahin kung ano ang mga nakasulat sa pisara.

Rinig ko ang paguusap ni Sierra at Lincoln mula sa aking tabi.

Hindi ako tanga, sigurado akong may namamagitan sa bestfriend ko at pinsan. It's just weird for me. Dati ay ayaw nila ang isat' isa and now they have feelings for each other.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon