When He Fell
Kabanata 2
Dalawang linggo na ang lumipas noong huli kong nalapitan si Sandro. Tapos na ang aming intrams kaya balik nanaman sa pag aaral. We're not in the same section, though. Nakikita ko lang siya tuwing nagtratraining sila.
I wanna see him play so bad. Nakakamiss rin.
"Link! Wag' mo ngang kopyahin ang mga sagot ko!"
Naagaw ni Sierra ang atensyon ko nang sinisigawan niya si Lincoln. My cousin. Lumingon ako sa aking likod at napagtanto kong pinalayas ni Link yung seat mate ni Sierra. Hawak niya ngayon ang kulay pink na notebook at kinokopya ang sagot sa algebra.
Napataas ako ng kilay.
"You should solve it yourself, Link. Para matuto ka at hindi ganyan!"Pangaral ko sa aking pinsan. Magkapatid ang aming mga ama.
"I don't have enough time. May game mamaya, Em."
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Seryoso ka? Saan naman! Totoo ba?"Sunod sunod kong tanong.
Nairita ang pinsan ko sa akin. I can't help but to admire him, kasi kahit iritado ang gwapo! Nagtagpo ang kanyang makakapal mga kilay nang nakatingin sa akin na para bang may mali nanaman sa sinabi ko.
"Meron. But you're not going hell no.."Umiling iling ang aking pinsan.
So totoo nga!
Mas lalo ko silang hinarap. Si Sierra naman ngayon ay hinahayaan nalang na pakopyahin si Lincoln. Kinuha ko yong notebook sakanya dahil hindi niya ko binibigyang pansin.
"Saan kayo maglalaro?"Tanong ko sakanya.
"Hindi ka pupunta.."
"Bakit naman hindi?"
"Sayang lang ang pagod mo. He won't even look at you."Mataray naman nitong sambit. Lincoln and Allessandro are in the same circle of friends. Ilang beses niya akong nireto kay Sandro pero hindi talaga ako gusto. Kaya palagi niya nalang akong pinapaiwas para hindi raw ako masaktan.
I'm not secretive. I'm really vocal to be honest. Halos lahat ata ng studyante dito ay alam na alam ang pagka humaling ko kay Allessandro.
Hindi ko lang talaga maiwasan dahil kahit anong gawin ko ay hindi mawala ag pagkakagusto ko sakanya. I know, It will never change. Kahit anong mangyari, I will always be his number one cheerleader.
"No! It's all worth it, please, Link?"Pagmamakaawa ko sa aking pinsan.
"No. Wag na. Dadalhin niya rin si Mindy doon, baka kung ano pa ang gawin sayo ng mga kaibigan non.."
"Who's Mindy?"Ani Sierra.
"Girlfriend ni Sandro duh!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lincoln. I don't give a shit about his girls. Siya lang naman ang papakielaman ko at hindi ang mga girlfriend niya.
"Lincoln! Please? I'll answer all your assignments! Just please, isama mo ako this time? Huh?"
Nanliit ang mga mata ni Link.
"Em, hindi talaga pwede-"
"Please, Link?"
Napairap ang pinsan ko sa ere. There you go!
"Bahala ka, Em. Basta kung may mangyari sayo don, banned ka na talaga sa susunod."Hinablot niya ang notebook ni Sierra sa aking kamay.
Kinurot ko ang mga pisngi niya.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...