Kabanata 1

429 10 0
                                    

When He Fell

Kabanata 1


Rinig na rinig ang sigaw ng mga studyante mula sa court. Tumatalon talon ako habang tumatakbo makarating lang doon sa loob. Its our intramurals today! Ito ang pinakahihintay ko sa taon taon lalo na nong nakatungtong ako ng Junior High. I am an eight grader now.

"Madeline, wag ka ngang malikot dyan."Saway sa akin ng aking bestfriend na si Sierra.

We've been friends since like forever. Grade school pa lang ay dito na talaga kami nag aaral sa San Beda. Maraming nakikipag kaibigan sa akin pero si Sierra lang ang tumagal sa ugali kong to. But it doesn't matter anymore, ginagawa lang naman nila akong human credit card.

Social climber bitches.

"Tara na, Sierra! Gusto ko doon sa bleachers!"Pagmamaktol ko pa habang hinihila siya.

Wala naman siyang magagawa kung ako ang pumipilit. Kumunot lang ang kanyang noo na para bang naaasar na sakin. Sorry Sierra, You know how much I want to watch every damn basketball game in our school.

Fangirl eh.

Nang nakarating kami sa bleachers ay agad namang tumingin sa akin ang mga lalaking pawisan na naka suot ng jersey na kulay pula.

I smiled at them, kailangan ata ang charm dito no.

"Hi! Pwedeng makiupo? Crowded na kasi doon e! Hindi ko makita!"Paawa kong sinabi sa mga lalaking nakatingin sa akin ngayon. Yung iba ay nasamid pa dahil sa tubig na iniinom niya.

Hinatak ni Sierra ang kamay niya sa pagkahawak ko.

"Nakakahiya ka talaga. Bakit pa ba ako sumasama sayo."Irap ni Sierra.

"Syempre bestfriend mo ako at hindi mo kaya na wala ako."Sabi ko sakanya. That's the truth, though. We're indivisible, no one can separate us and we cannot also live without each other. May mga bagay na hindi ko kayang gawin na nagagawa niya para sa akin, at ganon din ako sakanya.

Binalingan ko ulit ang mga pawisan na players na halos pasukan na ng langaw ang mga bibig.

"So, boys, ano?"Mas lalo kong pa-sweet na sinabi.

"Sige lang, Madeline! Dito ka na umupo sa likod namin. Pasensya ka na sa mga bag!"Sabi ng isang player, kilala ko yon. Si Marcus Lattore.

Nginitian ko si Marcus. "Ayos lang, Marcus! Thank you!"

Muli kong hinila si Sierra at dinala sa pinakamagandang pwesto sa bleachers. Mula dito ay tanaw na tanaw ko na ka agad ang court na ngayon ay maingaw dahil sa pagtakbo ng mga naglalaro.

I can't help but to smile. Lalo na nang nakita ko ang taong pinaka magaling para sa akin sa paglalaro ng basketball!

Nang naka three points siya ay mas lalo akong sumigaw with matching talon talon pa. Oh my God! Go my loves!

Habang sumisigaw ako sa court ang aking bestfriend naman ay abala sa pagbabasa ng kung anong fan fiction man iyon sa kanyang cellphone. The usual Sierra. Books is life.

"Second personal foul, Azevado number nine.."

Halos uminit ang dugo ko sa pag tawag sakanya ng referee. Kanina pa ako nanonood at puro foul yong team nila! Ang daya! Parang hindi ko naman nakikitang nafa-foul ah? Luto ang laban na to!

"You've been supporting Sandro for two years now.. Aren't you tired, Madeline?"Tanong sa akin ni Sierra habang nagbabasa pa rin sa kanyang cellphone.

"I'll never be tired shouting for him."I honestly answered.

Grade six kami nang mag transfer ang isang Allesandro Grayson Azevado sa aming school. Their family is well known because of their capability to sports, lalo na sa basketball. Every year, palaging Azevado ang most valuable player. That's how good they play.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon