When He Fell
Kabanata 9
"Are you going in? Sabay na tayo.."Anyaya ni Trip sa akin at nginuso ang bake shop.
"Yeah, sure.."
Pumunta kami doon at pinagbuksan pa niya ako ng pintuan. Agad agad na nairita ang tainga ko dahil sa lakas ng boses ng magpipinsan at ng mga kaibigan nila.
They stopped chatting when they saw me.
"Hi, Madeline!"Bati sa akin ni Sev. One of the Lattores.
Marami silang magpipinsan pero kilala ko, Maybe because bukang bibig sila ng mga tao sa school. Lahat sila doon nagaaral sa Beda.
"Hello."Bati ko sakanila pabalik.
"Kamusta ka na? I heard you got sick?"
Dumaan ang titig ko kay Allesandro na ngayon ay pinaglalaruan ang kanyang labi habang nakatingin sa cake na nasa harapan niya.
"I'm already fine.."
Magtatanong pa sana si Sev ng lumapit sa akin ang kapatid ko at nilahad ang kanyang palad sa aking harap.
"Wala akong cash ate."Nanliit ang mga mata niya.
Tinitigan kami ng ilang magpipinsan. I think I should introduce Felicite. It will be rude if I didn't to..
"Uh eto.."Nagmamadali akong kunin ang pera sa case ng aking cellphone..
"By the way, this is my sister Felicite.."Pagpapakilala ko sa aking kapatid na ngayon ay hindi man lang ngumiti.
Binigay ko sakanya ang one hundred at tinalikuran niya na ako.
"I'm sorry. Bratinella kasi ang isang yon.."
"It's okay. She's cute naman!"Puri ni Charlese na nginitian ko lang.
Halos tumaas ang mga balahibo ko ng naramdaman ko ang kamay ni Trip sa aking beywang kaya napatingin ako sakanya.
"What do you want? My treat.."Aniya.
"Cheese cake lang pati chocolate milkshake.."Kahit na alam kong libre niya ay inabot ko pa rin ang isang daan.
"Tsss. Sabi ko treat ko.."Pagsusungit nito at kinuha ang isang daan. Nilagay niya ito sa aking shorts na fitted.
Napalingon ako sa direksyon ni Allesandro na ngayon ay mukhang papatay na ng tao! What now? Kainis to.
Aalis na sana kaming dalawa ng magsalita si Quinn, also a part of their family tree.
"Wait.. I think I know you.."Nanliit ang mga mata ni Quinn.
Who? Me? Of course kilala niya ako.
"Ako?"Tinuro ko ang aking sarili.
"No, him.."Tinuro niya si TJ... si Trip.
Lumingon si Trip sakanila na para bang may iniisip rin na hindi maalala. What's going on now? Oh God..
"By chance, do you know Jaqueline Clavel?"Ani Quinn. Tinignan ko si Trip, who's Jaqueline Clavel? May kapatid ito pero puro lalaki sila.
"She's my uncle's daughter. Pinsan ko siya.."
"Sabi ko na nga ba! You're Francesca's cousin.."Pumalakpak si Quinn at tinuro ang mga mukha ng clueless niyang pinsan.
"Oh. Si Cesca. Matagal na iyong huli naming pagkikita."Nagkibit balikat si Trip. At bumalik nalang sa counter.
Hindi nalang pinansin nila Quinn iyon at nagbalik na rin sa paguusap. Kinalabit ako ng aking kapatid na ngayon ay may dalang tray.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomansaMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...