When He Fell
Kabanata 32
"Fuck! Fifty thousand! Hindi pa rin ako makapaniwala! We just fucking made fifty thousand tonight!"Paguulit ni Marvin habang masayang nagdadrive.
We're on our way home.
Hindi pa sila nakaka get over sa fifty thousand na binigay ng The Prive. Hindi ko alam kung bakit binigyan kami ng ganong kalaking pera. Ang pinakamataas na presyo na namin ay sampung libo.
But I'm not shocked with that fifty thousand. I don't feel anything at all.
"Ano guys? Should we buy a new drum set? Lumang luma na itong atin, college pa to..."Ani Marvin.
Matagal na nga talaga ang drum set na 'yan. Grade twelve noong nagsimula kaming magipon para lang sa drum set. Nahihirapan kasi kami pag laging renta. Mas mahal at hindi convenient.
Binaling ko ang tingin ko sa bintana. Nilabas ko ang kamay ko na para bang makakahuli ako ng hangin.
My work starts tomorrow.
Surely, I'm going to see him again tomorrow.
"Christine.."I called her,
"Hmm?"
"May mga damit ka bang pang secretary? Simula na ng trabaho ko bukas pero wala akong mga damit..."
Naramdaman kong gumalaw siya.
"You mean... magtratrabaho ka bukas... tapos hindi ka ready?"Tanong niya na para bang sobrang dissapointed sa akin.
I have clothes but they do not fit as a secratary's outfit. I don't even have a pencil skirt. Madalas ay jeans lang at puro simpleng mga blouse.
"Kahit noon pa man, wala naman na talaga akong mga damit diba? Binenta ko iyon noon..."I reminded her, I sold my designer clothes before. Pati 'yong kay Mommy.
Now I look really broke as hell. I don't even have any decent clothes to begin with.
"Yang heels mo, matagal na rin yan tapos sa ukay mo lang nabili... mamaya matapilok ka doon... bumili tayo.. sasamahan kita..."Pangungumbinsi niya sa akin. Habang nakatingin sa puti kong heels.
Umiling nalang ako at mas lalong binaling ang sarili sa labas.
"We should invest... para sa drum set.."
Tinapik ni Angelo ang balikat ko. Katabi lang siya ni Christine kaya hindi ako nahirapang lingunin siya.
"It's fine, Em... Sa susunod nalang yung drum set.. Tsaka... regular na tayo doon sa Prive kaya mas madali na tayong makakaipon!"Masiga niyang sinabi.
Kumunot ang noo ko.
"Regular? Bakit? Unang beses pa lang natin doon.."Sabi ko sakanya.
"Nagustuhan daw tayo ng boss nila kaya kinuha na ang banda natin... regular na... itetext sa akin nung manager kung anong schedule natin doon..."Pagpapaliwanag niya.
"See! It's fine... Baba na tayo dito at kailangan mong bumili ng mga damit..."Sabi sa akin ni Christine habang sinusuot na ang pumps niya.
Tinignan ko lang siya...
"Ayos lang-"
"Natanggap ka na sa trabaho kaya baka bihira ka nalang namin makita. Okay lang talaga sa amin na iyo na muna ito..."Nginitian naman ako ni Sean na nasa shotgun seat. May inabot siyang envelope panigurado kung nasaan ang pera.
"Masyadong malaki to! Ano ba kayo... inyo yan..."
Kinuha ni Christine ang envelope. "Marami pang mga susunod na gig, ngayon sayo muna ito, okay? Makinig ka na sa amin..."
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...