Kabanata 6

230 6 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 6


Two years have passed. Ngayon ay Grade 10 na kami. Just like the past years, I kept doing my thing, I kept supporting Allesandro kahit na wala pa rin siyang pakielam sa akin. Nagkaka girlfriend siya pero hindi ko na iyon pinapakielaman.

I've learned my lesson. I shouldn't be possesive specially to those I do not own.

"Look at her, busy sa paggagawa ng posters."Kinalabit ako ni Sierra at tinuro si Charlese Lattore na abala sa pag gugupit ng mga colored papers.

Nanliit ang mga mata ko habang tinititigan ang ginagawa niya. It's a poster for Sandro. Hindi ito bago sa akin dahil marami nang gumagawa niyan at winawagayway nila tuwing may game.

She's just different. Maganda kasi si Charlese at nakaka insecure, she's also kind and there's nothing to hate about her kaya ako naiinis.

"Weird. Bakit ngayon lang siya naging vocal sa pagiging fan?"Nagtataka kong tanong. Matagal ko na siyang nakikitang umaaligid sa school pero this days ko lang nalaman na sinusuportahan niya si Allesandro at gusto niya rin ito.

I saw her rooting for Sandro, noong last game na nadaluhan ko. She's with her cousins.

"I don't know. Baka nakita niya na rin kung ano ang nakita mo kay Sandro. Both of you are so weird."Ani Sierra na ngayon ay iniinom na ang kanyang chocolate shake.

"I'm not weird. Hindi ako gumagawa ng posters katulad niya.."Sabi ko.

Bigla akong natauhan. Totoo nga, kahit kailan ay hindi pa ako gumawa ng ganon para sakanya. Binibilan ko lang siya ng pagkain tuwing game at binibigay yon sa driver nila. Pero ang effort na ganyan ay hindi ko pa nagawa.

And that gave me an idea.

"Gusto ko ring gumawa ng ganon, Sierra."Wala sa hulog kong sinabi.

Binato ni Sierra ang kanyang tissue sa akin.

"What the heck, girl? Are you serious?"Nanliit ang kanyang mga mata.

Pilya akong ngumiti at tumango.

"Bukas pa naman ang game, hindi ba?"

"Nagpapakatanga ka nanaman eh! Bahala ka, Em! Lagot ka nanaman kay Link!"

"Bakit ko narinig ang pangalan ko?"

Sabay kaming lumingon ni Sierra sa likod at nakita namin si Link. Ang dalawa niyang kamay ay nakapasok sa bulsa. Naka puting t shirt dahil tinanggal niya ang kanyang uniform.

Umupo siya sa tabi ni Sierra.

"Etong pinsan mo, babe. Gagawan ng poster si Sandro!"Sumbong ni Sierra sa kanyang boyfriend.

Yes, boyfriend. Sa dalawang taon na lumipas ay wala silang ginawa kung hindi magligawan. And then there's me, the most fabulous third wheel.

"Oh talaga? Ano naman ang nakalagay?"Nagtatakang tanong sa akin ni Lincoln.

Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko pa alam eh. Ano ba ang magandang ilagay?"

"Yung unique.."Ani Lincoln.

Pinalo ni Sierra ang kanyang braso kaya maarteng umaray si Link.

"You're okay with it? I mean, hindi ba dati ay ayaw mo si Sandro para sakanya?"

Naningkit ang mga mata ng aking pinsan.

"There's nothing I could do but to support her. This past few months, nagiging mabuti naman siya at iwas na rin sa gulo. Wala naman na akong nakikitang mali."Ngumuso si Lincoln habang sinasabi iyon.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon