Kabanata 23

134 5 0
                                    

When He Fell

Kabanata 23


Naging matigas si Daddy at talagang hindi na ako pinalabas. Kahit ang pagkain ko ay dinadala pa ni Kier sa kwarto. Pinipilit nila akong kumain kasabay sila pero hindi ko pa kaya. It's fine with me to be alone for a mean time.

Dalawang linggo na akong ganito. Hindi na rin ako pumapasok ng paaralan. I already texted Sandro tons of times but I received no reply. Sabi sa akin ni Kier ay hindi daw niya nakikita si Sandro sa school kaya mas lalo akong nagaalala.

Hula ko na baka mas lalo siyang hinigpitan ng kaynang ina. I don't know. Biglaang ganito ang mga nangyari. Is he grounded? I'm getting worried. Sa dalawang linggo na to ay pakiramdam ko mababaliw na ako.

"Did he already reply?"Tanong sa akin ni Kier na ngayon ay dinadala ang aking hapunan. Tingin ko ay kakadating niya palang galing school.

Umiling ako kay Kier.

"You're late today. Why?"Tanong ko. I don't want him to go just yet. Wala akong kinausap buong araw.

"I tried to search for him."Nilapag niya ang tray sa bedside table ko at umupo sa kama. "Pero wala siya sa bahay nila. Pati sa ospital. Sabi ng nurse doon last week nadischarge na si Karmir.."

Where the hell is he? Pagkatapos ng lahat ay mawawala na siya parang bula? We didn't even have a proper closure. Kung iiwan niya na talaga ako ay kailangan ko ng mga huling salita niya... well... for a reason to move on...

Masyadong marami ang problema ang dinadala ko ngayon. My family is stressed because of our business falling down. Hindi ko na alam.

Naalala ko ang sinabi ng kanyang ina. Pinadala na ba siya sa Amerika? Is that possible? Sasama kaya siya? Fuck. Malamang ay wala siyang choice kung dadalhin nga siya sa ibang bansa.

"Hanapin niyo pa... does he have another residence? baka nandon.. they're rich... hindi lang naman iisa ang bahay non... I'm sure..."I told him but more probably convincing myself.

Matibay ang tiwala ko sakanya. Alam kong hindi niya ako bibiguin ng ganon ganon lang. He promised to wait for me... I know he'll stick to that...

Nanlumo ang mga mata ng aking kapatid.

"Do you really want us to search for him?"Ani Kier.

Kumunot ang aking noo. "I thought you're going to help me.. I thought you are with me.."

"I am! but... look.. he's not just that boy.."Pinikit niya ang kanyang mga mata because of frustration.

"What do you mean, Kier?"I grabbed his arm.

Kinalas niya ang kanyang braso sa aking pagkahawak. Nagulat ako dahil ang lakas ng kapatid ko.

"Ikakasaya mo ba talaga ang makita siya? How about Mom and Dad? How about their feelings? Kung malalaman nilang pursigido ka pa ay masasaktan sila..."

Umiling ako sakanyang sinabi..

"I will make them understand..."

"You'll make them understand? Na mahal mo si Allesandro Azevado? His family is the reason why we're suffering... sa tingin mo ba ay ikatutuwa ng pamilya natin ang pagmamahal mo sa anak nang dahilan kung bakit tayo naghihirap?"

Napatigil ako sakanyang sinabi. Una pa lang ay mali na talaga ito pero walang kinalaman si Sandro sa mga nangyari! Wala kaming kinalamang dalawa! Hindi nila kami pwedeng paghiwalayin! Buo na ang desisyon ko... Kakapit ako hanggang may kinakapitan pa ako! Hanggang sa hindi siya bumibitaw... hindi ako lalayo...

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon