When He Fell
Kabanata 29
Its been eight years. Its been eight years since we lost Dad. Walang taon na pero sariwa pa rin ang lahat para sa amin ni Mommy. Naging mahirap ang buhay. Mom and I were devastated. Namatay ang Daddy na hindi man lang namin nakita ang bangkay niya. Binilin sa amin ni Tito na 'wag aalis nang bansa dahil baka kami naman ang hulihin. He just ordered someone to take care of Dad's remains.
It hurts like hell looking at my mom crying. Wala akong magawa kung hindi damayan siya sa araw araw na sakit. Simula nang nangyari iyon ay pinangako ko na maghihiganti ako sa mga taong may gawa nito sa aming pamilya.
They want us gone. And we were.
But I cursed to come back.
Nawala si Daddy at tuluyan na kaming naghirap. Dumadaan ang panahon na wala kaming makain. Minsan awa nalang ang dahilan kung bakit hindi kami pinapalayas ni Manang Kira sa apartment. Lagi niyang sinasabi na parang pamilya niya na raw kami sa tagal ba naman naming naninirahan sakanila.
Pinagpatuloy ko ang Grade 12 kung saan rin nag aaral si Christine. It was hard to adjust but its still bearable. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Christine pati ang mga kaibigan niya. Hayok lang sila sa pagbabanda habang ako ay pursigido sa pagaaral.
I graduated Senior High School and fortunately went to College. Hindi ekslusibong paaralan iyon pero pwede na dahil iyon lang naman ang makakaya namin. I took business management and finance as my major.
I graduated college as a summa cum laude. My mom was so proud of me dahil nakatapos ako. She surely didn't expect that I'll graduate using the money we earned by selling barbeques and the likes.
I tried to apply for companies pero walang tumanggap sa akin dahil hindi ako galing sa kilalang unibersidad at nagtataka naman ako sa iba na hindi naman deserve ang pwesto pero nakukuha nila ang trabaho marahil dahil galing sa mga exclusive schools. Damn these discriminations.
Natanggap naman ako bilang call center agent. Halos isang taon rin ako doon nang tumigil na ako dahil sa pagod ko. Ang mga naipon ko ay pinadala ko kay Felicite dahil kailangan sa pagaaral sa Japan.
Walong taon na at ang pangako naming babalikan ang mga kapatid ko sa Japan ay hindi na rin natupad. Hindi kami nagkaron ng sapat na ipon. Palaging kulang ang pera kaya hindi kami natutuloy.
Minsan tumatawag si Kier sa amin pero madalas ay hindi. Nagtratrabaho na rin kasi siya doon at palaging busy. Simula noong nakagraduate siya ay humiwalay na siya kay Tito Peter. He rented an apartment para doon na sila ni Felicite. Si Felicite naman na ngayon ay gragraduate na ng Grade 12. Our baby girl is eighteen now. Time flies so fast.
Palaging 'ganon ang buhay namin. Minsan meron, madalas wala. At ngayon ay walang wala na talaga. Ang tanging bumubuhay sa amin ni Mommy ay ang perang na pinagkakakitaan ko mula sa pagkanta sa banda.
Kulang na kulang 'yon para sa gamot pa lang ni Mommy ay kapos na. She's suffering from one of a kind heart disease. My mom's heart is weak. Nahihirapan ang kanyang puso sa pagtanggap ng dugo. She's taking aspirins for years now. Hindi namin alam kung kailan titigil.
"Em, why are you so late?"Puna ni Mommy na ngayon ay naghihintay sa tapat lang ng gate ng apartment.
Nagmano ako sakanya. Kinuha niya sa akin ang plastic na dala ko kung nasaan ang mga pagkain namin at gamot niya.
"Wala po kasing masakyan kaya nahirapan akong umuwi.."Sagot ko kay mommy habang naglalakad na kami papasok ng apartment.
Sinara ko ang gate habang pumunta naman si Mommy sa loob para ihanda ang pagkain na dala ko. This has been a routine for us.
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...