Kabanata 26

158 6 0
                                    

When He Fell

Kabanata 26


Nakatayo kami ni Mommy sa veranda ng aking kwarto habang tinitignan ang mga bituin sa madilim na kalangitan. Ang ulo ko ay nakapatong sakanyang balikat. Nilalaro niya ang aking buhok katulad ng madalas niyang ginagawa noon.

Something suddenly touched my heart.

Now I realized how much I have drifted apart from my mother. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang aking ina.

I looked at her.

"What, little girl?"Sinabi niya habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

"When you first saw Dad, what did you felt?"Wala sa hulog kong tanong sakanya.

I heard her chuckle.

"I was really annoyed. May kahati na ako sa oras ng bestfriend ko... I hated him before I loved him... Isn't it ironic?"

Kumunot ang aking noo. Inalala ko ngayon kung paano ko unang nakilala si Allesandro and I still clearly remember how I hated his guts so much.

"Mahangin kasi ang Daddy mo at kahit kailan hindi kami nagkasundo.."

"Pero kayo pa rin ang nagkatuluyan..."I stated.

Kahit noon pa man ay naniniwala na talaga ako sa sinasabi nilang tadhana. Minsan talaga ang makakatuluyan mo ay 'yong hindi mo pa inaasahan. I wonder kung sino ba talaga ang makakatadhana ko?

Is it Sandro? We're young... pero umaasa pa rin ako na kami talaga sa huli... like mom and dad.. They were highschool sweethearts... tapos sa simbahan rin ang bagsak.

"That's because I love him. Kahit na minsan ay hindi kami nagkakasundo ay pinagpilitan ko pa rin dahil alam ko na siya lang ang gusto kong makasama... And probably because I really believe that when love is real, it will find a way..."

Hinarap ako ni Mommy at hinawakan ng kanyang mga kamay ang aking magkabilang pisngi.

"So I know what you're feeling... I'm sorry for being insensitive with you... Anak kita at ayaw ko lang na masaktan ka...."

I smiled at her. Hinuli ko ang kanyang mga kamay at pinagmasdan ito...

"Minsan kailangan natin masaktan para matuto, hindi 'ba? I'm okay po... I'm not afraid to risk my all because I love him... I maybe young for love but this is what my heart desires... Mahal ko po siya 'My... at hindi ko po ikakasakit 'yon... Ang ikakasakit ko ang pagtututol niyo sa pagmamahal ko para sakanya..."Dahan dahan kong sinabi ang sinisigaw ng aking puso. Bahala na.

"I know that the world is against us... pero hanggang lumalaban pa siya para sa aming dalawa ay hinding hindi ko po kayang bumitaw..."

Tumango ang aking Mommy at muling hinaplos ang aking pisngi.

"Starting from now on, I will support you on this... Parehas nating hihintayin si Sandro para maging maayos kayo... If that is what you want I'll give it to you... I will give you my support as your mother..."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tinatanggap na kami ni Mommy. Tinatanggap niya na ang nararamdaman ko.

"Thank you, Mommy..."

"My little girl grew up a strong woman... I'm so proud of you..."

She hugged me. Ginantihan ko siya ng mas mahigpit na yakap. I missed her hug. I missed my mother's love.

God, Thank you for this.

Isang araw na naging dalawa hanggang naging linggo. Days have passed at wala pa rin akong balita tungkol kay Sandro. Kahit na gusto kong hanapin siya ay alam kong wala akong mapapala.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon