When He Fell
Kabanata 10
Its been two weeks since our last encounter. Simula noong nalaman ko na sila na ni Charlese ay umiiwas na ako. As much as possible ay ayaw kong nakikita siya sa school. I want him to feel the respect that I'm giving. Hindi ko naman ito gagawin kung walang dahilan.
"Em, ayaw mo ba talagang sumama sa akin?"Pangungulit sa akin ni Sierra. She wants me to go with her, may game ang aming varsity.
Nakakapanghinayang pero dalawang laban na ang hindi ko napuntahan. I don't feel like going. Ano naman ang gagawin ko doon?
I'll just hurt myself. Ipapamukha lang sa akin ng tadhana na taken si Sandro at hindi ako ang girlfriend. No way in hell.
Binuklat ko ang susunod na pahina ng libro na binabasa ko. Harry Potter. I've seen the movie but never read the book.
"How many times should I tell you? Ayaw ko nga, Sierra.."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. I'm sure she's frustrated.
"Sinasamahan naman kita dati, tapos ngayon ayaw mo pumayag sa hiling ko."Nakanguso niyang sinabi.
Umirap ako.
"Don't give me that puppy face. I told you I don't wanna go.. Kung gusto mo ay ikaw nalang, nandon naman si Lincoln.."Sinarado ko na ang libro na hawak. Nawala ako sa momentum dahil sa pangungulit ng aking bestfriend.
Suminghap si Sierra at hinilot ang kanyang sintido.
"Whatever, whatever! Sumama ka nalang sa akin sa canteen kasi nagugutom ako.."
What no way!
"Ikaw-"
Hindi pa ako natapos sa aking sasabihin ngunit hinila niya na ang papulsuhan ko palabas ng library. Wala akong nagawa kaya nagpadala nalang ako sakanya.
Kinalas ko ang aking kamay ng nasa labas na kami.
"Stop being so bitter! Labas labas rin sa library! Ilang araw ka na kayang walang kain dahil nagtatago ka doon!"Mataas na boses niyang sinabi.
Naglakad siya patungo kung nasaan ang aming canteen. Tama nga siya at ginugutom ko na ang aking sarili. Hindi na ako kumakain.
Pumunta kami sa stall kung saan may nagbebenta ng french fries.
"Ate, Sour cream po na large.."Ani Sierra at inabot ang kanyang fifty peso bill.
Naglabas rin ako ng pera sa aking wallet.
"Large na cheese ang akin.."Sabi ko naman at inabot ang isang daan.
Halos mapamura ako ng makita ko ang tropa nila Sandro na papalapit kung nasaan kami. Fuck, bakit ang bagal ng french fries na to?
Umuwang ang bibig niya ng nakita ako. Iniwas ko ang aking tingin. Shit lang! Nakita ko nanaman ang gwapo niyang mukha!
"Eto na ang sour cream.."Inabot ng nagtitinda ang french fries ni Sierra, binigay rin niya ang aming sukli pero ang fries ko ay wala pa.
Gusto ko ng tumakbo. Mas lalo na silang papalapit. Fuck! How can I escape now?
"Cheese.."Ani ate na nagtitinda.
Agad agad kong kinuha ang aking binili. Tumalikod ako mula doon at nagbabalak na sanang umalis nang may humatak sa aking braso.
Napalunok ako ng dalawang beses bago hinarap kung sino yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/71616872-288-k449524.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...