Kabanata 8

184 6 0
                                    

When He Fell  

Kabanata 8


Pinarada ni Lincoln ang sasakyan sa harap ng aming bahay. Namumula ang aking katawan ngunit wala akong maramdaman na sakit. Mas dama ko pa ata ang pagkawasak ng puso ko.

"Lie for me, Link. Don't tell Kier, ayaw kong magalit siya kay Sandro. And besides, hindi ko alam na crabs yung kinain ko.."Sabi ko sa aking pinsan.

Umigting ang aking panga.

"Do you like him that much? To the point na ayos lang sayo lahat ng sakit?"

"I told you, it's no ones fault!"Sigaw ko sakanya.

"I don't give a flying fuck, Madeline! You're with him and you're his responsibility. If anything happens, the blame is on him!"Ginulo niya ang kanyang buhok at lumabas na ng sasakyan.

Hinawakan ko ang balikat ni Sierra.

"Please talk to him..."

"I'll talk to him don't worry.. frustrated lang yon.."Nginitian ako ni Sierra at sabay na kaming lumabas ng sasakyan.

Nang nakalabas na kami ay pinatunog muli ni Link ang kanyang sasakyan para ma lock ang kotse.

Kahit na inaatake ako ng allergy ay nagawa ko pang maglakad. Hinila ni Lincoln ang braso ko at dahan dahang dinala patungong bahay.

Nasa garden pa lang kami ay sinalubong na agad ako ng iilan naming kasambahay.

"Naku, Madeline! Uminom ka na ng gamot! Dios kong bata'ng ito talaga!"Hiyaw ni Manang Pearl. Matagal na siyang naninilbihan sa amin. Pitong taong gulang pa lang ako.

Siya na ang nakahawak sa aking braso at dinala ako sa loob ng bahay. Sinalubong agad ako ni mommy na may hawak na tasa sa kanyang kamay.

"Oh God! What happened?"Ani Mommy, hinawakan niya ang mga braso ko at chineck ito..

"Hindi ko po napansin na may crabs doon sa kinain ko.."Totoo kong sinabi.

But I also needed to lie, of course..

"Kumain po kasi kami nila Link.."Tinignan ko ang aking pinsan na umigting lang ang panga.

May sasabihin sana siya ngunit hinawakan ni Sierra ang kanyang mga braso. Okay, I'm so evil. I shouldn't use his weakness next time.

"Wala pa po si Kier, Mommy?"I asked.

Umiling si mommy. "Wala, may date ata yon.."

Lumapit si Manang Pearl na may dala dalang tray na may baso at mga gamot doon. Binigay ni mommy sa akin ang gamot at inabot rin ang baso.

"You should change and take a bath.. Gumagana naman ang heater mo sa bathroom hindi ba?"

Tumango ako.

"No worries, mom.."Binalik ko ang baso sa tray..

Muling chineck ni Mommy ang aking balat. Nakatingin lang ako kay Lincoln na mukhang iritado pa rin hanggang ngayon.

Hinawakan ko ang kanyang mga braso.

"You can eat here before you go, magpapahanda nalang ako ng merienda.. Sierra ayos lang ba na?"Sabi ko sakanilang dalawa.

Umiling si Lincoln. "No, we're going now. We have plans.."

"Oo, Em. Pagaling ka nalang. Conference call mamaya ah?"Ani Sierra.

Tumango ako sakanilang dalawa at sinamahan sila sa paglabas ng aming main door. Nang tuluyan na silang nakalabas ng bahay at muli akong nilingon ng dalawa.

When He Fell (Innocent Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon