When He Fell
Kabanata 13
"Wait for me, Sierra. I'll go with you."Sinabi ko sa aking bestfriend habang mabilisang nililigpit ang aking gamit at nilagay ito sa aking bag.
Today's their game. Hindi man halata pero sabik sabik na ulit akong manood ng laban. Ang tagal ko ng hindi nakapanood at ang manatiling nakaupo sa bleachers ay mukhang mahirap gawin.
Katulad ng dati ay hindi na ako nagkulong sa library. Bumalik na kami ni Sierra sa usual naming tambayan habang pinapakinggan na tumugtog ang mga lalaking kumakanta at may dala pang gitara.
Ang mga varsity naman ay abala sa kanilang training dahil nga sa game na gaganapin ngayon. Hindi ko nakita si Sandro buong araw, kaninang umaga lang.
"Sabi mo hindi ka pupunta.."Ngisi ni Sierra.
"Pupunta na ako."I smiled at her.
Sabay kaming lumabas ng classroom upang dumiretso sa aming gym kung saan gaganapin ang laro. Mabuti nalang ay kami ang homecourt at hindi na hassle ang pag byahe. Sila ang dadayo dito upang makapaglaro.
Habang naglalakad kami papunta sa gym ay hindi ko maiiwasang marinig ang mga usapan sa aming prom. It's two weeks from now. Kasama rin ako sa listahan ng magsasayaw ng cotillion. Sana lang ay matino ang aking partner.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa gymnasium ay marami ng studyante na nakaupo sa taas. Yung iba ay may banner pa. Kitang kita ko rin sila Mindy na nakasuot ng kanilang cheerleading uniform. Iniwas niya ang tingin sa akin noong nakita ako.
"Ate, doon na kayo sa bleachers.."Bulong sa akin ng aking kapatid na hindi ko namalayan na nandito pala sa likod ko.
"Yes, Kier. Doon naman talaga kami.."Nginitian ko siya.
"Can you please put these there? Diretso na ko sa court.."Nguso ni Kier at ibinigay sa akin ang kanyang gym bag at ang gatorade.
Kinuha ko iyon at pinanood siyang sumugod sa court. Agad rin kaming pumunta ni Sierra sa bleachers.
Nang nakita ni Link ang kanyang girlfriend ay agad itong lumapit. Napatingin si Allesandro sa aming direksyon at kinawayan ko siya. Umuwang ang kanyang labi nang nakita ako. Sungit talaga.
"Galingan mo, wag kang yabang yabang.."Rinig kong tukso ni Sierra sa aking pinsan.
"Huwag mo akong maliitin. I'm one of the best players.."Pikon na saad ng aking pinsan. He's really great. Kabilang siya sa mythical five.
Tumalikod ako upang ilapag ang mga gamit ng aking mga kapatid. Halos mapatalon ako ng may naramdaman akong mainit na kamay sa aking beywang. It's Sandro!
"Hey!"Ngiti ko sakanya.
He pouted his lips.. "Stay seated like I said..."
Tumango ako sa kanyang sinabi kahit na alam ko na mamaya ay magwawala nanaman ako pag naka-shoot siya.
Nanatili kaming magkatitigan.
"Sorry. Wala akong dalang gatorade para sayo..."Nguso ko.
"It's fine. I bought one, it's in my bag.."
"Do you want me to get it?"Hinanap ko ang kanyang bag sa bleacher ngunit pinigilan niya ako.
"Asan ang bag mo?"Inulit ko pa.
Hinawakan niya ang aking baba at hinarap ang aking mukha sakanya.
"I want a goodluck kiss.."He said, sweetly.
![](https://img.wattpad.com/cover/71616872-288-k449524.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Fell (Innocent Hearts #2)
RomanceMadeline Leticia Guerrero. When it comes to her feelings, remaining faithful is never an option but a priority. She's so vocal about everything, she's so confident about herself and about what she can do. Hindi siya hihinto sa kakasubok hanggang hin...