"Please? Hindi mo naman kailangang sumayaw dun eh, pwede namang umupo ka lang dun tapos kausapin mo yong girl." Pagmamakaawa ni Austin kay Pat.
Nakangiting umiling si Pat. "Ayaw ko nga sabi, at isa pa pupunta ako kina Chad mamaya magsaskype kami ni mama." Sabi niya kay Austin.
Lunchtime, at nagkasabay sabay na naman silang lima.
Lumapit na naman si Austin ky Ardi na kumakain ng sandwich. "You're my last hope, please? Sumama ka na sa akin?"
Tiningnan lang siya ni Ardi.
"Ba't ang sakit mong makatingin?" Tanong ni Austin.
"Ganyan talaga tingin ko, ano ka ba." Sabi ni Ardi at kumagat pa sa sandwich niya.
"Sige na Ardi, please? Sandali lang tayo dun."
Hindi siya pinansin ni Ardi, instead sinilip niya ang loob ng sandwich niya. "Mas lalong nanipis yong palaman nito."
"Please, Ardi? Bibili kita ng burger for a week." Naging desperado na si Austin at nakuha naman ang atensyon nina Chad. Naging interesado sa ginagawang deal ni Austin.
"Ham and cheese daw, pero parang wala namang ham. Cheese lang yong nakakain ko kanina pa eh." Sabi ni Ardi, hindi pa rin pinapansin si Austin
"Ardi please? Gagawin kong cheeseburger." Tawad ni Austin ulit.
Pinipigilan ni Ardi na ngumiti. "Cheese lang yata laman nito eh." Hindi pinapansin si Austin.
"Baka nagtatago yong ham." Sabi naman ni Pat, nakikisakay na din kay Ardi.
"Cheeseburger, the works! Sumama ka lang. Hindi kasi yon magpapakita kapag hindi ako nagsama ng kaibigan." Sabi ni Austin, namumuti na yong mga mata.
Hinarap na siya ni Ardi. "Narinig niyo yon ah." Sabi niya sa mga kaibigan nilang nagtatawanan. "Isang linggo daw. Ikaw naman Austin, bakit hindi mo sinabi kaagad." Tukso niya dito.
"Pupunta ka? Sure na sure?" Tanong ni Austin, hindi pa makapaniwala sa desisyon ni Ardi.
"Oo nga sabi, ayaw mo?"
"Thank you! Thank you!" Niyakap ni Austin si Ardi, nagtinginan naman ang mga babaeng dumadaan. Nainggit. "Susunduin kita?"
"Hindi na, hindi na. Magkita na lang tayo mamaya." Inilalayo ni Ardi si Austin sa kanya. "Pwede ba? Bago pa tayo mapagkamalan."
Umupo na din si Austin. "Okay, okay. Magkita tayo mamaya sa labas ng Shots around 7pm. You don't have to worry, ako bahala sa lahat. Just show up at kausapin mo lang yong friend."
"Okay." Sagot naman ni Ardi at inubos na ang sandwich niya.
***
Austin checked the time again, hindi niya alam kung ilang beses na niyang ginawa yon.
Naghihintay na siya sa labas ng Shots at hindi pa dumadating si Ardi, ang masama pa dun kararating lang nung ka-date ni Austin pero hindi pa niya nilalapitan sa loob.
Sa wakas nakita na din niyang patawid si Ardi. "What took you so long?" Tanong niya dito. Kung naiirita man siya, hindi na niya pinakita. "You're late."
"Bakit ako late? 7:05 pa lang ah. Maaga ka lang dumating." Sagot ni Ardi.
Tiningnan siya ni Austin mula ulo hanggang paa. "Bakit yan ang suot mo?" Referring to Ardi's outfit. Naka-pantalon at simpleng tshirt lang kasi at sneaks.
Ardi gave him a blank expression. "Bakit? Ano bang dapat?"
Austin shrugged. Showing him his outfit. Black pants, brown shoes and baggy white shirt plus a few accessories. Very Austin. "Duh."
"Nakita mo na ba ako ganyan manamit?" Hindi pinansin ni Ardi ang porma ni Austin.
"Well, tara na sa loob. Nandun na sina Monice eh." Hatak niya kay Ardi.
Ardi winced nang makapasok na sila sa loob ni Austin, even on a school night matao ang lugar. Nilapitan ni Austin ang dalawang babae na nasa bar.
"Hey!" Bati ni Austin with his pa-cool moves. "Like what you see?" At dun pa lang sa sinabi niya, lumabas na ang mga hangin nito.
Pero hindi naman nagpakita ng pagkairita yong babae, mukhang nagustohan pa nga. "Hi!" Pa-cute nito. "This is my friend Dana." Pakilala niya sa kaibigan niyang kanina pang ngiti ng ngiti.
"Hi! And this is Ardi." Sabi naman ni Austin, gesturing at Ardi pero si Ardi straight face lang. Nakita yon ni Austin pero hindi na pinansin. "Why don't we buy you a drink? And find a nice place to get to know eachother?" Nilalakasan ni Austin ang boses niya dahil maingay nga sa loob.
Tumango naman ang babae at hinayaang akbayan siya ni Austin, at naghanap ng magandang pwesto. Habang si Dana naman ay naghihintay na akbayan din ni Ardi, pero ang dalawang kamay ni Ardi ay nasa loob ng bulsa niya. Napasimangot si Dana.
Umorder si Austin ng drinks nila kaagad nang makahanap na sila ng pwesto. Magkatabi sila ni Monice, pagkatapos si Ardi naman ay nakaupo sa pinakadulo ng couch at minamata ni Dana. Wala namang pakialam si Austin dahil busy siya sa pagfeflirt kay Monice, na masyadong close na sa pagkakaupo at mukhang may sariling mundo na.
"Anong course mo?" Napatanong na si Dana kay Ardi.
"Ah, ano...advertising." Sagot naman nung isa.
"I see, may girlfriend ka na ba?" Tanong ulit ni Dana at nagpa-cute pa ng kunti.
"Wala."
Parang nakakita ng gold si Dana at napangiti. "Oh? Bakit wala pa? You're so cute kaya!" Hindi pa talaga nakuntento at lumapit pa kay Ardi, parang gusto na niyang kainin.
Ngumiti si Ardi, pero hindi dahil dun. "Bi kasi ako."
Nagulat si Dana pero hindi pa rin siya nagpaapekto sa sinabi ni Ardi. "Okay lang, friendship pa din tayo Eh yong iba niyong friends? May girlfriend na ba sila? " Hindi pa din tumitigil.
Ardi sighed. "Yong isa dalawa na yong anak, magkaiba yong nanay. Yong isa call boy, tapos yong isa mamamatay tao."
Napatingin lang si Dana sa kanya.
After a few drinks.
"Hey, hey, Ardi?" Sabi ni Austin, kinukuha ang atensyon ni Ardi na mukhang naging busy sa kuko niya.
"Oh?" Napatingin si Ardi, at nagulat na makitang halos kainin ni Monice si Austin.
"Order ka lang diyan. Ako bahala!" Sabi ni Austin at binaling ulit ang atensyon kay Monice.
Nandidiri siya habang minamasdan yong dalawa. Umiling na lang din siya at kinuha ang menu card. "Anong gusto mo?" Tanong niya kay Dana sa tabi niya, na ngayon ay hindi na siya kinukulit. Kaya mabait na si Ardi sa kanya.
"Ewan ko." Nakasimangot si Dana, napapatingin kay Ardi at nanghihinayang.
"Gusto mong kumain?" Naghanap si Ardi ng masarap kainin sa menu. "Gusto mo pizza?"
"Ardi, Ardi." Sumingit na naman si Austin, magulo na ang buhok.
"Ano?"
"Order mo pa akong isa--" Hindi na nakatapos si Austin sa sasabihin niya dahil hinila na naman siya ni Monice at tuluyang nalunod sa pakikipaghalikan.
END OF CHAPTER TWO.

BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...