"Hey, everybody!" Hype na hype na bati ni Austin sa kanila.
Pinagtitinginan lang siya ng mga kaibigan niya nang mapaupo siya sa picnic table nila, with matching tapon pa ng libro sa ibabaw ng table.
"How's the pizza yesterday?" Tanong niya.
"...okay lang, pizza pa din." Sagot ni Ardi.
Austin grinned, waiting for them to ask him kung kumusta ang date niya kagabi. When he noticed that no one's interested, since all of his friends are busy eating their lunch, he started. "Hindi niyo ba ako tatanungin what happened last night?"
"Expected na, either dinner or movie pagkatapos drinks. Tapos diretso na kung saan niyo gusto." Sabi ni Ardi. "The usual, wala namang bago."
"Grabe kayo. I just want you guys to ask how my date was. I asked you guys about your pizza." Sabi niya, sabay kuha ng coke ni Pat at nakiinom.
"Magtira ka naman para sa akin." Sabi ni Pat, binabantayan ang paginom ni Austin.
"Sige na, sige na. Para kang bata. Kumusta lakad mo kagabi?" Tanong ni Chad sa kanya.
Austin ignored his comment, kinuha niya ang phone niya and searched for Hazel's underwear photo. "Look!" He said, showing them the photo.
"Whoa!" Sabay nilang sabi, leaning forward to get a better look and practically pinagaagawan na nila ang phone ni Austin. "Woah."
"Excuse me, i'm the owner of that phone." Sabi ni Austin, akmang binabawi ang kanyang phone.
Hindi naman siya pinapakinggan ng mga kaibigan niya. "Hayop ka Austin! Ano bang nakita nila sa'yo, puro ka gilagid!? Nakakaputang ina ka na talaga!" Pinalopalo siya ni Chad sa braso.
"Nahubad mo 'to kay Hazel???" Sabi ni Sean, hindi makapaniwala sa naging kapalaran ni Austin.
Sorry sa reaction nila, hindi lang talaga sila makapaniwala. Si Hazel ang pinakadyosa sa campus nila at pantasya ng mga kalalakihan.
"Hi!" Dumating si George. "Ano yang pinagkakagulohan niyo?" Tanong niya, naabotan pa niya kasing nakikipagsiksikan sila.
"George!" Agad namang kumalas si Sean at tumayo na para lapitan si George. "Maglalunch ka na?"
"Oo, bibili pa ako dun sa loob." Napasulyap siya kina Chad na nakatutok pa din sa phone ni Austin. "Ano yon?"
"Wala. Samahan na kita sa loob." Sabi ni Sean, pinapaiwas si George sa bagay na yon.
Hindi naman siya pinakinggan ni George. Bigla niyang kinuha ang phone ni Austin, na kinagulat naman nina Ardi. "Ano 'to?" Tanong ni George, naniningkit na ang mga mata kay Sean. "Kaninong bra't panty 'to?" Walang may lakas na loob na magsalita. "Walang sasagot??" Nanlilisik na ang mga mata ni George.
"...kay Hazel." Si Ardi na ang sumagot, kinuha na din sa hawak ni George ang phone ni Austin. Baka kasi maitapon pa niya sa sobrang pagkaimbyerna.
"Ah, ganun? Pinagkakagulohan niyo yang underwear niya? Pwes! Ibibili kita ng sarili mong bra at panty para hindi ka na maglaway diyan!" Sigaw nito kay Sean at tsaka umalis. Pumunta lang naman yon sa loob ng caf para bumili ng lunch.
"Honey!" Tawag ni Sean kay George, at hinabol na din ito.
Pinagtinginan lang nila yong dalawa at hindi naman pinansin. Kinalimutan na lang din nila yong picture dahil sa violent reaction ni George. Bumalik na sila sa pagkain.
"Psst! Tingnan mo dun, si crush mo." Sabi ni Ardi, pointing his fork.
Lumingon naman si Austin, and indeed, si Billy nga ang nakita niya, at syempre kasama si Bogs, na pumasok ng caf. "Hindi naman ako pinapansin nun."
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...