"Billy, punta muna tayong shop? Ipapaphotocopy ko lang 'to." Sabi ni Bogs, turo niya sa librong hiniram niya sa classmate nila.
Ngumiti lang si Billy sa kanya. Hindi naman kasi libro sa school yon, kundi cook book.
Naglakad na silang dalawa papuntang shop. Kakatapos lang ng second period nila at meron pa silang one hour vacant.
"Pinaayos mo na yong phone mo?" Tanong ni Bogs, nagbabasa ng cook book habang naglalakad.
"Ahmm.. hindi pa eh. Wala pa kasi akong time pumunta dun." Sagot ni Billy.
Tumigil si Bogs sa pagbasa. "Hindi ba mahirap para sa'yo yon na wala kang nagagamit?"
Umiling si Billy. "Hindi naman. Okay lang, hindi naman kasi ako masyadong gumagamit ng cellphone."
Tumango lang si Bogs na para bang naiintindihan niya kung bakit. "Ayaw kang bilhan ng bago?"
Billy smiled and turned into a smirk. "Parang ganun na nga."
Bogs smiled back. "Ng mommy mo?"
Umiling ulit si Billy, nagdadalawang isip kung ikekwento nga ba kay Bogs.
Napansin naman ni Bogs yon. "Okay lang, next time mo na lang ikwento kapag close na tayo." Biro niya kay Billy.
Siniko naman ni Billy si Bogs ng pabiro.
At dun lang nila napansin yong mga flyers nung lumiko na sila sa shop. Merong nakadikit sa mga bulletin boards na nadadaanan nila at pinagkakagulohan ng mga estudyante.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Bogs, nawala na ang attention sa cook book.
Billy shrugged at sabay silang lumapit sa bulletin board, nakisali sa ibang estudyante para malaman kung ano nga bang meron dun. Namilog ang mga mata ni Billy nang mabasa na niya.
HEY GIRL, I'M SORRY ABOUT YOUR PHONE. BUT I HELPED YOU WITH YOUR COFFEE, RIGHT? MEET ME FOR LUNCH?
-AUSTIN DOMINGUEZBogs pulled Billy from the crowd. "Ikaw ba yong tinutukoy?" Bulong niya.
Hindi sumagot si Billy.
"Ikaw nga yon!" Sabi ni Bogs at tinakpan din kaagad ang bunganga.
Lumayo na silang dalawa sa bulletin board at nagpatuloy na sa shop. "Eh ano naman ngayon kung ako yon." Sabi ni Billy.
"Kikitain mo siya?" Nakangiting tanong ni Bogs sa kanya, mukhang siya pa ang naeexcite.
Tiningnan siya ni Billy. "Okay ka lang? Sa tingin mo makikipagkita ako sa kanya?"
"Niyaya ka niyang maglunch oh." Siniko siya ni Bogs, nanunukso.
Kumunot ang noo ni Billy. "Ayoko nga. Hayaan mo na siya, bahala siya. Magpapaphotocopy ka pa di ba?" Hatak niya kay Bogs papunta na ng shop.
***
"Stacey, have you seen what Austin posted?" Tanong ng kaibigan ni Stacey na si Dianne. "I wonder kung sino yong girl na yon."
Hindi sumagot si Stacey at ayaw niya sanang marinig yon. Yes, she already saw it at parang nuclear bomb kung sumabog yong galit niya kanina.
Pinagtaasan niya na lamang ng kilay si Dianne. "Yes, and thank you for reminding me Dianne." Malditang sagot nito. "Gusto ko talagang pagusapan yan!"
"I'm sorry, akala ko kasi hindi mo pa alam." Sagot ni Dianne, awkward sa harap ng iba nilang kaibigan dahil napagtaasan siya ni Stacey ng boses.
Si Stacey Sandoval, was Austin's ex-girlfriend. She is not exactly a girlfriend, on Austin's point of view. Kasi para kay Austin, Stacey was just another girl na pampalipas oras. They've been together for less than two weeks, and if Austin handled their breakup too fine...well, Stacey doesn't.
"Nevermind! Baka isa lang naman yan sa mga flavor of the week ng Austin na yon. Nothing serious." Sabi ni Stacey, calming herself down. "I'll do anything to make him mine again."
***
Nakaupo si Austin sa isang picnic table sa labas ng caf, palingonlingon at magisa. Pero may dalawang iced tea at sandwich na nandun sa table , para sa kanya at sa taong hinihintay niyang dumating.
"Hoy!" Tawag ni Chad sa kanya mula sa kabilang table. "Ayaw mo pang kumain talaga?"
Lumingon si Austin sa kanya, nandun lang kasi sila sa kabilang table, dun sa usual table nila. "May hinihintay nga kasi ako."
Umiling si Ardi. "Sigurado ka bang sisiputin ka nun? Kumain ka na lang nga kasi, mayamaya may klase ka na!"
"May hinihintay nga!" Sagot ni Austin. Medyo napikon siya sa mga kaibigan niya, pinagtatawanan kasi siya.
Hindi na lang siya pinansin ng mga ito, bumalik na sila sa kanilang usapan. Si Austin naman, naghihintay pa din. Marami naman siyang na-post na flyers aroun. campus, he's sure that she saw it already at alam naman niya sigurong siya yon. Hindi nga niya alam kung bakit niya ginawa yon. Siguro gusto lang niyang makilala yong girl, kasi siya pa lang yong unang girl na gumanon sa kanya. And of course, he wanted to make friends with her.
Kinuha na ni Austin ang iced tea niya at binuksan. Ayaw pa sana niyang inumin dahil hindi pa nga dumadating yong "ka-date" niya, eh kaso nauuhaw na siya sa kakahintay.
"Waiting for someone?"
Austin turned around to see if it was her, pero na dismaya lang nang makitang hindi. "I'm waiting for somebody else and if you're gonna throw a fit please leave." Sagot niya.
Stacey sat across from him. "Oh, come on. Parang hindi naman tayo magkakilala. Wouldn't you even ask me to eat with you?" Kinuha nito ang iced tea at akmang bubuksan.
Agad naman na kinuha ni Austin sa kanya ito at binalik ulit sa table. "That's not yours. I'm saving it for someone."
Nagiba ang tingin ni Stacey. "So may bago ka na?"
Austin rolled his eyes. "Stacey please."
Pero hindi tumigil si Stacey. "Kailan ba expiration niya? Is she one of your flavor of the week?!"
Napalingon si Austin sa mga kasama niya, alam niyang narinig nila yong pinagsasabi ni Stacey at nagkukunwaring hindi narinig. "Stacey, stop."
"Why? Are you gonna bring her to a movie? Are you gonna hold hands or are you gonna take her some place and do things like we did?!"
Austin had enough. Tumayo siya. "Stop it!" Napatigil si Stacey, nagulat siya kay Austin pero hindi nagbago ang mood niya. "I told you not to sit if gaganyan ka lang din naman."
"I hate you Austin! Bakit mo ba ako ginaganito?!" Mukhang iiyak na si Stacey pero hindi naman yon umepekto kay Austin.
"You don't give yourself that much respect, so why should I?" Sagot ni Austin sa kanya, kinuha na ang iced tea at sandwich at akmang aalis. "Oh yeah, I hate you too." Sabi pa nito at iniwan na si Stacey magisa sa table, at sumama na kina Chad sa kabila.
END OF CHAPTER FIVE.

BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Krótkie OpowiadaniaBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...