"Binasa mo ba kagabi yong isang chapter?" Tanong ni Bogs kay Billy the next morning.
Naglalakad sila ngayon papunta sa next period nila. "Hindi ko nga natapos eh, inaantok na kasi ako kagabi, pagod ako."
Bogs glanced at her. "Pagod? Akala ko umuwi kayo kaagad kahapon? Billy ah! Anong ginawa niyo?"
"Bogs ano ka ba,wala." Inirapan niya si Bogs. "Oo, umuwi kami kaagad. Eh kaso pagdating ko ng bahay inutusan ako kaagad ni prinsesa Stacey. Nilabhan ko pa yong mga damit niya."
Na shock si Bogs. "Seryoso? Anong tingin sa'yo nun? Katulong lang? Napaka ano naman ng kapatid mo na yon. Grabe."
"Kung meron lang talaga akong matutuluyan matagal na akong umalis diyan, kaso wala eh. Wala naman kasi akong kilalang kamaganak na mapupuntahan." Sabi ni Billy, pinipilit na ngumiti. "Pagtitiisan ko na lang dun."
Tahimik lang si Bogs at pilit ding ngumiti, naaawa sa kaibigan niya. Nakarating na sila ng second floor at papasok na sana ng classroom nila, nang mapalingon pa si Bogs at nakita si Austin na papalapit sa kanila, kaya pinigilan niya si Billy.
"Boyfriend mo." Sabi ni Bogs, nakangisi. "Sige, pasok na ako. Buti wala pa si ma'am."
Napatingin naman si Billy, nandun nga si Austin at may dalang something para sa kanya. Hindi siya makapagsalita, nahiya sa nang magkaharap na sila ni Austin at pinakita sa kanya ang flowers na dala nito.
"Hindi pa kasi ako pwedeng pumunta sa bahay niyo eh, dito ko na lang muna ibibigay sa'yo sa campus." Sabi ni Austin, holding out the flowers. "Sorry, dadalhin mo 'to pauwi."
Tinanggap na ni Billy ang flowers. "Okay lang." She stared at the flowers and smiled. "Thank you, ang ganda naman nito."
Austin smiled. "Well...not as pretty as someone. Like my girlfriend, perhaps." Nagblush si Billy. Napatingin si Austin sa loob ng classroom nina Billy, napapatingin yong ibang classmates niya tapos yong iba nagkukunwaring deadma lang. "Alis na ako. Susunduin kita mamaya?"
Tumango si Billy. "Sige."
"Bye." Paalam ni Austin at umalis na.
Nang pumasok na si Billy sa loob, nagingay ang iba niyang classmate na nangosyoso.
"Ang haba ng hair ni Belinda!"
"Seryoso bes? Kayo na ni Austin Dominguez?! Oh my..."
"How to be you po?!"
Nginitian lang sila ni Billy at umupo na katabi ni Bogs at Johan.
"Inggit lang ang mga yan. Huwag kong pansinin" Bulong ni Johan sa kanya.
Bogs smirked at tiningnan ang binigay ni Austin na flowers. "Ano? Kinikilig ka na naman?"
Tumawa si Billy. "Oo, sweet kaya ng boyfriend ko."
***
Kinagabihan, inaayos ni Billy ang mga damit niya nang biglang pumasok si Stacey sa kwarto niya.
"Stacey, may kailangan ka ba?" Tanong ni Billy.
Hindi siya sinagot ni Stacey, nakatingin ito sa flowers ni Billy na nasa table niya. "So, totoo pala. He did gave you flowers." Lumapit na si Stacey sa table at kinuha ang flowers. "Everything's okay between you and Austin I suppose. Madalas ko kayong nakikitang magkasama and he's very happy. I'm so proud of you sis, and now I think its time to break his heart. Gusto ko iparamdam mo sa kanya ang mga pinanggagawa niya."
"Stacey...huwag na lang kaya natin ituloy? Naiipit kasi ako eh."
Stacey glared at her. "Don't tell me nahuhulog ka kay Austin. Sinasabi ko sa'yo Billy kapag nalaman kong pinapakialaman mo si Austin, sisiguradohin kong pagsisisihan mo yon." Tinapon niya sa basurahan ni Billy ang flowers at lumabas na.
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...
![AUSTIN [BOYS BE SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/72931353-64-k118692.jpg)