The next day, kakatapos lang ng klase nina Billy at pareho sila ni Bogs na nagmamadaling umuwi.
Si Bogs dahil may pupuntahan pa sila ng mama niya at si Billy naman, well...kailangan lang niyang umuwi kaagad, baka kasi hanapin pa siya ng tita Teresa niya.
Nakasalubong nilang dalawa si Austin at ang mga kaibigan nito. Diretso lang si Billy sa kakalakad.
"Hi! Belinda Dominguez." Bati ni Austin sa kanya, complete with his gummy smile and a very loud voice na pati ang mga kaibigan niya ay nagulat.
Napahinto si Billy sa kakalakad, nabangga pa si Bogs sa likuran niya dahil sa biglaan niyang paghinto. "Anong sinabi mo?" Sabi nito kay Austin.
"I said, Hi Belinda Dominguez." Sagot naman ni Austin.
Pinalo siya ni Billy sa braso, na kinagulat naman ng mga kaibigan ni Austin at napatawa sa dinatnan ng kaibigan. "Belinda Dominguez?! Anong Belinda Dominguez ang pinagsasabi mo?!"
"Ayaw mong ibigay yong apelyido mo sa akin di ba? So apelyido ko na lang yong ginamit ko, bagay noh?" He said, wiggling his eyebrows.
"Ooohhh!" Sabi nung kaibigan niyang matangkad.
"Hindi ka nakakatuwa!" Sabi ni Billy at pinalo ulit si Austin sa braso, this time may kasamang suntok na. Lalong natawa ang mga army ni Austin.
"Why are you so mad at me? Ako na nga 'tong lumalapit sa'yo eh. Me, Austin Dominguez." Sabi ni Austin, stepping a little bit forward closer to Billy.
"No me importa lo que eres. idiota!" She said and left, with Bogs on her heels na nagulat dahil ibang language na yong sinabi ng kaibigan.
Naiwan si Austin dun, nganga. "Wow."
"Naintindihan mo ba yong sinabi niya?" Siko ni Sean sa kanya.
"No, but that was so sexy." Sagot ni Austin, nakatingin pa din kay Billy sa malayo.
"Parang minura ka yata." Sabi ni Pat.
"I don't care, that is still sexy." Sagot ni Austin, napapangiti sa inasal ni Billy.
Pinitik ni Ardi yong tenga ni Austin. "Ano? Type mo na naman? Ibahin mo yon, baka mamaya niyan mageeskandalo din yon katulad ni Stacey. Nakakapagsalita pa ng ibang language, hindi mo pa naiintindihan."
"Of course iba siya kay Stacey." Mabilis na sagot ni Austin. "Siya pa lang yong unang girl na gumanon sa 'kin. And that is why i'm so attracted to her and I want to be close to her. Damn!"
Tinukso siya ng mga kaibigan niya. "Whooo!"
"Iba na 'tooo!" Hiyaw ni Chad.
"Attracted ka na kaagad?" Biro ni Sean. "Baka next time sasabihin mo nang inlove ka na."
Inirapan lang siya ni Austin. Hindi kasi siya sineseryoso ng mga kaibigan niya pagdating sa love. "Kakasabi ko nga lang di ba? Kakaibiganin ko nga lang. Hindi kayo naniniwala eh." Umalis na si Austin at iniwan sila.
"Hoy! Magtatampo pa, batukan kita gusto mo?" Sabi ni Chad, sabay akbay kay Austin.
"Eh kasi hindi kayo naniniwala sa akin eh." Reklamo ni Austin.
Sean patted Austin's shoulder. "Magdududa kami syempre kasi nga alam namin yong mga type type mong babae. Eh yong Billy na yon na sinasabi mo, sobrang layo compare sa mga babaeng naging girlfriend mo."
"Err, haven't you take a good look at her? She's pretty, and yeah, simple siya pero I think yon yong nagpapaganda sa kanya and there's something about her. Well, I don't know...natutuwa akong kulitin siya." Sabi ni Austin sa kanila, at napapangiti nga talaga kahit na iniisip lang niya si Billy. "Kaso ayaw talaga akong kausapin eh. Hindi ko alam kung bakit inis na inis yon sa 'kin."
Nagtinginan ang apat. "Tinatanong pa ba yan kung bakit?" Sabi ni Ardi sa kanya.
"Okay, okay. Kakaibiganin ko siya." Sabi niya. "But in an Austin style."
"Austin style? Subukan mo kaya yong Sean style?" Suggest naman ni Sean, who doubted Austin's idea.
Austin made a face. "Ano? Friendzone?" Biro niya, pinapatamaan si Sean.
Binatukan siya nito. "Naunahan nga lang ako nung isa, at least ngayon kami na ni George."
Natawa si Chad dahil binatukan ni Sean si Austin. "Going strong tol?"
"Going strong talaga! Ako pa! Ang dami kong hate mails galing sa kampo ni Jake, pero okay lang. Laban lang! Fightiiing!" Sagot ni Sean, high na high lang at nagfist pump pa talaga. Pagkatapos hindi na mawala ang kanyang mga ngiti dahil naalala na niya si George.
"Ooy! Pucha, naalala yong girlfriend. Kinilig! Hihihihi!" Tukso ni Chad at tumawa ulit.
"Hayaan mo na, dream come true ni Sean yan." Dagdag pa ni Ardi. "Kung may medal lang diyan, siguradong nakasabit na yan."
"Ako na naman. Okay na ako, tapos na ako." Sean waved them off. "Si Austin naman yong tutukan natin ngayon, mukhang bago 'to eh. Anyway, subukan mo yong Sean-style. Be nice to her."
"Can you please be specific sa nice." Sarcastic Austin.
"Nice. Kausapin mo siya ng maayos, dapat matino ka at nasa lugar. Be sensible at huwag kang bastos." Explain ni Sean, not thinking na dinescribe na niya ang sarili niya. "Sa tingin mo ba kaya mong gawin yon?"
"I can do this dude. Piece of cake." Sabi ni Austin, umaapaw ang self confidence.
***
"Bogs! Pwede ba?"
Pinigilan na ni Bogs ang tawa niya. "Pacensya ka na Billy, natatawa lang kasi ako sa inyo ni Austin."
Si Billy na napipikon, hindi ma-gets kung ano nga bang pinagtatawanan ni Bogs kanina pa. "Bakit naman? Hindi naman nakakatawa yon Bogs eh, nakakainis. Tawagin ba naman akong Belinda Dominguez!? Dominguez! As in yong Dominguez sa Austin Dominguez!"
"Ganyan ka lang ba talaga kamanhid para hindi mapansin yon?"
"Mapansin ang alin?"
Ngumiti si Bogs sa pagkamanhid ni Billy. "Na gusto ka niya."
Nanlaki ang mga mata ni Billy nang marinig yon. "Ako? Gusto nun? Umiimbento ka Bogs ah."
"Lalake ka? Nahahalata mo?" Bara niya kay Billy. "Basta nga kasi maniwala ka sa 'kin. Gusto ka ni Austin, hahanapin ka kaya nun kung hindi. Nakow! Babaeng manhid." Tinuroturo pa si Billy.
Si Billy naman hindi pa rin naniniwala. "Babaw naman."
"Paano kung totoo nga yong mga sinasabi ko? Tapos paano kung liligawan ka ni Austin?"
Sandaling nagisip si Billy. "Hindi ko siya papansinin." At tsaka ngumiti. "Tara na nga, kailangan ko na talagang umuwi."
"Nagmamadali talaga 'to, ang aga pa naman." Sabi ni Bogs nang mapatingin sa relo niya.
Billy smiled at him apologeticaly. "Kailangan ko nga kasing umuwi kaagad, at isa pa may pupuntahan kayo ng mama mo di ba?"
"Oo, magkikita kami ng mall. Malapit lang naman yon eh."
Nakasalubong na naman nilang dalawa ang grupo nina Stacey. Diretso lang kasi yan kung lumakad at dapat ikaw mismo ang mag-give way sa kanila. Umiwas na kaagad si Billy pero si Bogs hindi, kaya nagkabanggaan sila ni Stacey.
"S-Sorry..." Sabi ni Bogs, nauutal pa.
"Ew! Lumayo ka nga! Stupid!" Reklamo ni Stacey at umalis na kasama ng army niya.
Nilapitan naman ni Billy kaagad si Bogs na namumula sa kahihiyan. "Bogs, okay ka lang?"
Tumango si Bogs. "Oo, okay lang."
"Tara na, hayaan mo na yon." Sabi ni Billy at niyaya na ang kaibigan niya na umalis.
END OF CHAPTER EIGHT.
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Kort verhaalBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...
![AUSTIN [BOYS BE SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/72931353-64-k118692.jpg)