Okay Austin. Be friends with her. Do it the "Sean" way.
Austin thought habang papasok siya ng caf. Nakita kasi niya si Billy at Bogs kaya sinundan na niya. He felt silly kasi hindi pa siya napapansin nung dalawa.
Hinintay niyang makatapos sina Billy bumili ng lunch at tsaka naman pumila para sa lunch niya. Tamang tama na din na nakaupo na sina Billy nang makatapos siya.
Pakapalan ng mukhang lumapit si Austin sa kanila, and invited himself na maupo. "Hi, guys. I hope you wouldn't mind. Wala kasi akong kasama eh."
Nakatitig lang si Billy sa kanya, nakahawak sa spoon and fork niya. Si Bogs naman parang ngingiti kay Austin na mukhang pinipigilan pa ang sarili.
"Ang dami namang bakanteng table diyan. Bakit dito mo pa naisipang maupo sa amin?" Billy said through gritted teeth.
"Hmmm?" Sabi ni Austin habang binubuksan yong bottled water niya. "Ahhmmm...nakakalungkot naman kasing kumaing magisa, am I right?" Tumango naman si Bogs sa kanya. "See? What did you get for lunch?" Tanong ni Austin sa kanilang dalawa.
Pinakita naman ni Bogs ang ulam niyang chopseuy. "Chopseuy. Gusto mo?"
"No, thanks." Ngiti ni Austin sa kanya with a friendliest smile he could manage. "I've eaten enough veggies my entire life." Napatingin naman siya ngayon kay Billy. "Sa'yo?"
Nakatingin pa din si Billy sa kanya. Pinagiisipan kung ano na naman ba ang trip ni Austin ngayong araw.
"Chicken. Fried chicken." Sabi ni Austin nang hindi sumagot si Billy. "You can have some of my food if you want." He smiled as he gestured sa binili niyang dalawang klaseng ulam.
Nagpatuloy na si Billy sa pagkain, hindi na lang niya pinapansin si Austin na nakaupo dun kasama nila ni Bogs.
"Gusto niyong coke?" Tanong ni Austin sa kanilang dalawa. Hindi sumagot si Billy. Si Bogs sasagot pa sanang gusto niya pero napansin niya ang tingin ng kaibigan niya sa kanya. Nakita naman yon ni Austin. "Its okay, my treat."
Tatayo na sana si Austin nang magsalita na si Billy. "Huwag na." Sabi nito pero suplada pa din ang dating.
"Are you sure? Okay lang talaga sa akin." Ulit ni Austin.
"Huwag na nga lang." Sabi ni Billy at sumubo na ng pagkain. Si Bogs naman pasulyapsulyap lang sa kanilang dalawa.
"Okay." Umupo na ulit si Austin at nagpatuloy na sa pagkain.
Ang tahimik nilang tatlo sa kanilang table. Hindi naman ganun si Billy katahimik, nagkataon lang kasi na nandun si Austin. Hindi naman sila close nun.
"Saan ka pupunta?" Agad na tanong ni Austin nang tumayo si Billy.
"Kukuha ng tubig." Tahimik na sagot ni Billy.
"Ako na lang kukuha." Offer ni Austin at akmang tatayo. Sean-style.
"Huwag na." Sabi ni Billy at umalis na papuntang drinking fountain para kumuha ng tubig nila ni Bogs.
Naiwan si Austin at Bogs sa table. "Beef?" Alok ni Austin kay Bogs.
"Salamat." Nahihiyang ngumiti si Bogs sa kanya at kumuha na din ng ulam ni Austin.
Since na sila lang yong nandun, Austin took the opportunity na magtanong tungkol kay Billy. "Ganun ba talaga kaibigan mo? Masungit ba talaga?"
Umiling si Bogs at nilunok ang pagkain. "Hindi, mabait si Billy."
Austin raised his eyebrows in wonder. "Bakit palagi akong sinusungitan nun?"
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
ContoBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...