One week nang nagstart ang classes nila at balik sa dati na naman, except kay Austin at Billy na medyo nagkakaintindihan na.
Wednesday afternoon, may natitirang klase pa sina Billy at tumatambay kang sila sa study park, naghihintay na matapos ang vacant time nila.
"Ang blooming mo." Sabi ni Johan kay Billy. "Siguro yong palaging sumusundo sa'yo kapag lunch ang dahilan." Ngiti niya, nanunukso.
"Tumpak." Nakisali na si Bogs. "Ano bang status niyong dalawa? I mean, may something ka na ba sa kanya?"
Inirapan siya ni Billy. "Ewan ko sa inyo, manunukso na naman kayo eh. Wala, friends kami nun."
Nagtinginan lang sina Bogs at Johan, at hindi na pinagpatuloy pa. "Nagugutom ako, bili tayo ng pagkain sa caf." Sabi ni Bogs.
"Natunaw na yong lunch mo?" Sabi ni Johan, pero tumayo na din para samahan si Bogs.
"Kanina pa yon, tatlong oras na nakalipas. Tara na." Tawag niya kay Billy.
"Kayo na lang, tinatamad ako eh." Sabi ni Billy.
Bogs made a face pero wala nang sinabi, umalis na lamang sila ni Johan. Naiwan na si Billy magisa dun, kasama ang bag nung dalawa. Ilang sandali, napunta si Austin dun at nang makita niyang magisa lang si Billy nilapitan na niya kaagad.
"Hey." Bati ni Austin, umupo na sa tabi niya. "Nagiisa ka."
Ngumiti si Billy nang makita si Austin. "Bumili ng pagkain si Bogs, kasama si Johan. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Tapos na klase ko at pupuntahan naman talaga kita eh." Sabi ni Austin.
"Ahh...bakit? May kailangan ka ba?"
"Wala naman. Gusto lang kitang puntahan, baka kasi may umaaligid pa sa'yo eh." Biro ni Austin sa kanya.
Tumawa si Billy. "Sa ginagawa mo, sa tingin mo ba may lalapit pa sa aking ibang lalake?"
Austin looked at her. "Kaya nga kita binabakuran kasi ayokong may makalapit pa sa'yo."
Umiwas si Billy ng tingin, nakangiti. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya, she knows that she's falling for Austin. "Sumusobra ka na ah."
"...well, i'm inlove." Bulong ni Austin sa kanya. Billy glanced at him. "...do you love me?"
Billy breathed in. Biglaan naman kasi si Austin kung magtanong, pero alam na alam naman ni Billy ang sagot niya sa tanong ni Austin. She knew about it on new years eve and it felt nice. That night, hindi niya makuha ang mga tingin niya kay Austin and realized what he meant to her. Next were those sleepless nights and days na hinahanap niya si Austin. Alam niyang iba na ang nararamdaman niya kasi seeing and hearing his voice, at kahit na maalala lang niya ang mga moments nilang dalawa, made her smile.
Nakatingin pa din si Austin sa kanya, naghihintay ng sagot niya. She can't find her voice to tell him thatshe loves him, but she managed to nod.
Austin was surprised. "What? You said yes? You mean, yes, tayo na?"
"Yes." Sabi ni Billy, natatawa dahil sa reaction ni Austin.
Austin took a deep breath and smiled from ear to ear. Natatawa si Billy dahil nagtatakip na siya ng mukha niya at namumula ang tenga. "So this means I could ask you out on a date anytime? I could hold your hand as much as I want?"
Tumango si Billy. "Parang ganun na nga."
He then reached and held Billy's hand, and rested it on his lap. "I can't believe this is for real, masisira ulo ko kung panaginip lang 'to."
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Historia CortaBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...