Tumabi si Billy para padaanin yong dalawang lalakeng tumatakbo. Magisa lang siya ngayon dahil naunang umuwi si Bogs, at siya naman ay may dinaanan pa.
"Billy." Nakasalubong niya si Johan.
"Oh, Johan. Nandito ka pa pala."
"Tumatambay pa kasi kami ng mga kaibigan ko. Uuwi ka na?" Tanong ni Johan. tucking his chin length hair behind his ear.
"Oo eh, wala naman kasi akong pupuntahan." Sagot niya.
"Tara, hatid na kita sa labas." Sabi ni Johan and gestured her to walk with him papunta ng gate.
Iniiwasan naman ni Billy na mapangiti masyado, baka kasi mahalata pa ni Johan na kinikilig siya.
***
"Bakit ba nandito pa tayo sa campus?" Tanong ni Chad sa kanila, at ilang beses na din siyang tumayo at akmang aalis. "Aalis na talaga ako. Gusto ko nang magsmoke." Ilang beses na din niyang sinabi yon pero hindi din naman umaalis. Hindi niya maiwan ang mga kaibigan niya.
"Mamaya na, tumambay muna tayo dito." Pilit ni Austin. "Hindi ba kayo naawa sa dalawang 'to? Boring kaya ng buhay nila dito." Turo niya kina Ardi at Pat, pareho kasing dorm boy ang dalawa.
Tinapi naman ni Ardi ang kamay ni Austin na nakaturo sa kanila ni Pat. "Ginawa mo pa kaming excuse ni Pat!"
"Oo nga!" Agree ni Pat.
"Ang sabihin mo hinihintay mo lang mapadaan dito ni miss suplada mo. Tigilan mo ako." Sabi ni Ardi, ginagawang pamaypay na ang libro niya. "Ewan ko ba sa'yo, hindi ka pa nadala sa nangyari sa'yo nung isang araw. Baka ngayon kumukulong tubig na yong ibuhos sa'yo kapag hindi ka pa tumigil."
"Ewan ko sa inyo, uuwi na ako after ten minutes. Pupuntahan ko pa si George sa bahay nila." Sabi ni Sean sa kanila at kinuha na ang bag niya, ready to go na talaga. "Namimiss ko na yon."
Siya naman ngayon ang pinagtitinginan ng mga kaibigan niya.
"Namimiss mo talaga." Chad smirked.
"Oh, ano na naman?" Taas ni Sean ng kilay niya.
"Ang lapit lapit ng bahay niyo, namimiss mo pa si George." Dagdag ni Ardi.
Sean sighed, and explained. "Oo nga, neighbors lang kami ni George pero simula nung naging girlfriend ko siya hindi pa kami nakapagbonding ng maayos." At naalala na naman niya si George. "Kaya nga ako pupunta sa kanila kasi namimiss ko na siya. Palibhasa kasi hindi ka pa naiinlove."
"Alam mo namang hindi pa ako pwedeng pumasok sa ganun. Mas importante sa akin yong makapagtapos, kasi ako pa nga ang magpapaaral sa kapatid ko di ba." Sabi ni Ardi. Everybody knows na yon ang longterm goal ni Ardi sa buhay niya. Dalawa lang naman silang magkapatid at siya ang panganay.
"Alam mo, ang lungkot lang Chad. Ikaw yong rich kid sa atin dito eh, pwede ka namang bumili ng sa'yo." Biglang nagsalita si Pat at nabaling naman ang atensyon nila dun. Nangaambush na pala si Chad sa binili ni Pat na choco pie.
"Sorry lang, mas masarap lang kasi talaga yong nakikishare lang." Ngiti ni Chad sa kanya. Hindi na lang din nagreklamo si Pat dahil kahit anong sabihin niya, gagawin pa din yon ni Chad. No use lang talaga.
"Oh, di ba si crush mo yon." Kinalabit ni Ardi si Austin at tinuro kung nasaan si Billy.
Napatingin naman kaagad si Austin and was surprised nang makitang magkasama na naman sila ni Johan. "There! That guy, siya yong sinasabi kong umaaligid kay Billy na classmate niya."
Sinundan din naman nila ng tingin kung saan nakaturo si Austin, and there was Billy with a guy.
"Si pretty boy?" Sabi ni Sean sa kanya nang makita si Johan.
![](https://img.wattpad.com/cover/72931353-288-k118692.jpg)
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...