Three

46 3 0
                                    

"Oh, ayan na." Sabi ni Pat, tinuturo si Austin na kararating lang.

Kanina pang 8 a.m yong klase niya pero maglalunchtime na.

Sabay nilang pinanood si Austin na parang zombie kung lumakad, pero cool na zombie dahil naka wayfarer pa ito.

"Shot pa more!" Panunukso ni Chad nang makalapit na si Austin at mapaupo sa table nila. Nasa usual pwesto na naman sila sa labas ng caf.

Napakamot si Austin ng leeg.

"Chicks pa more!" Dagdag ni Sean nang makita ang chikinini sa leeg ni Austin.

Nagsitawanan silang apat. Hindi sila pinansin ni Austin, wala siyang pakialam sa mga panunukso nila dahil mas importante yong sakit ng ulo niya.

"Hi!" Dumating si George.

"Hi, Georgina!" Bati nila, except kay Sean na umusog para makaupo si George sa tabi niya.

"Kumain na ba kayo? May dala akong brownies oh." Inilabas ni George sa bag niya ang isang brown paper bag. "Anong nangyari diyan?" Tanong niya nang mapansin si Austin na naka-shades at nakasandal ang ulo sa mesa.

"Hang over." Sagot ni Sean, tinutulungan si George ilabas yong brownies sa paper bag. "Magkasama sila ni Ardi kagabi, double date daw eh."

"Si Ardi? Okay naman si Ardi ah, eh bakit si Austin napurohan?"

"One bottle lang yong nainom ko kagabi. Eh siya kasi ang daming inaatupag, kaliwa't kanan." Kwento ni Ardi. "Bote sa kabila, babae sa isa."

"May naloko na naman sa angas mo?" Tanong ni George, binibigyan sila ng tig-isang brownie. Pinakita ni Chad yong leeg ni Austin kay George. "Ew!"

Biglang nagising si Austin. "Anong ew? Si Ardi nga diyan kagabi?"

Napatingin naman sila kay Ardi.

"Anong ako?" Angal ni Ardi. "Hoy, umuwi ako. Hinatid ko pa nga yong Dana na yon, baka ano pang sabihin. Babae pa din yon kahit papanu."

"Maganda ba?" Tanong naman ni Chad, kinakain na yong share niya ng brownie.

Ardi shrugged at kinuha na din yong brownie niya. "Ewan, siguro para sa iba. Hindi ko kasi type yong mga ganun."

"Ooy, ngayon ko lang narinig sa'yo yan ah." Tukso ni Pat. "Bakit? Ano ba yong type mong babae?"

"Yong simple lang syempre, mabait. Dapat nababagay din sa 'kin." Sagot ni Ardi.

"What the---?" Biglang sabi ni Austin, inaatupag na ngayon ang phone niya. "Ardi? Anong nangyari kagabi?" Tinanong niya ang kaibigan, very confused.

Nagtataka naman si Ardi. "Nalasing ka? Sabay tayong umalis nung Shots pero umuwi ako kasi malapit na curfew, ewan ko sa inyo nung Monice mo."

"Yeah, yeah. Tapos? Anong sinabi mo kay Dana? She's freaking out."

Sandaling nagisip si Ardi. "Ahh.." Tapos tumawa. "Wala yon, wala yon."

"Bakit mo sinabi yon? Ang kadiri!" Naiinis na sabi ni Austin.

Napatingin naman sila kay Ardi, wondering kung ano ba yong tinutukoy ni Austin. "Wala, kasi tanong ng tanong kung meron daw tayong girlfriend. Parang gutom lang. Sabi ko sa kanya bi ako, tapos yong mga kaibigan ko meron nangdalawang anak, callboy tapos yong isa mamamatay tao." Kwento sa kanila ni Ardi. "Para tumigil na."

Nagsitawanan naman sila maliban kay Austin. "Its not funny!" Sabi nito.

"Eh ayaw tumigil. The whole night tinuturo sa akin yong mga lalakeng hot daw, akala niya papatol ako." Tawa ulit ni Ardi.

"Naniwala talagang bakla ka!" Tawa din ni Chad.

Napatitig si Pat kay Chad tsaka kinalabit. "May chocolate ka sa ngipin." He informed Chad.

They all laughed because they caught a glimpse of Chad's chocolate teeth. Agad naman niyang nilinis gamit ang dila. Lahat sila ngayon, maliban kay Austin, ay nagtitinginan kung sino pa ba ang may chocolate teeth.

"Para kang engot!" Natatawang sabi ni George, nakita kasi niyang may chocolate teeth si Sean. "Parang grade one ka kumain." Sabi ni George at pinunasan na ang bibig ni Sean ng panyo niya.

"Ahem!" Chad cleared his throat.

"Kayo na ba?" Tanong ni Pat sa dalawa. "Hindi kayo umaamin eh. Nakakahalata na kami masyado."

Sean and George glanced at eachother, napapangiti.

"Oh my gawd! Ang showbiz niyo." Nakisali na naman si Austin sa usapan nila. "Just tell us already!"

"Oo na nga! Kami na!" George blurted out. "Panira ka talaga ng timing Austin."

"Sasabihin niyo din naman sa amin, bakit hindi pa ngayon." Giit ni Austin, napapasimangot dahil sa sakit ng ulo.

"Ikaw talaga, kailangan pa ba talaga naming magpa-press con?" Sabi naman ni Sean kay Austin.

"Mukha kang bata diyan." Suway ni Chad kay Austin dahil nakasimangot pa rin ito.

"Sumasakit ulo ko!" Austin whinned. Parang bata nga.

"Maghanap ka ng magandang lunas diyan." Sabi ni Chad, half taboy kay Austin.

Wala na din nagawa si Austin kundi tumayo, besides he's planning to get some coffee din naman.

Pumunta na siya ng vending machine at naabotan niyang may babae dun. Tumayo si Austin sa likuran ng babae, gumawa ng sariling pila sa vending machine.

"Tsk!" Narinig niya ang babae. "Choosy." Bulong niya sa sarili.

Napansin ni Austin na ilang beses nang papalitpalit ng five peso coin yong babae pero hindi tinatanggap ng machine. Dahil naiinip na din si Austin, kumuha siya ng tatlong five peso coin sa wallet niya at iniabot sa babae.

"Here." Sabi ni Austin.

Tiningnan lang nung babae yong coins. "Di bale na, meron akong coins dito." She refused at hinulog ulit yong barya niya, nireject pa din nung machine.

"Use mine, I insist para makatapos ka na diyan at gagamit din ako." Sabi ni Austin, inaabot pa din sa babae yong coins niya. "Don't tell me to go find another vending machine. Nasa kabilang side pa yon ng caf and I really need my coffee."

Inirapan siya ng babae pero kinuha na din yong coins.

"Thank you." Sabi ni Austin, in his most sarcastic tone.

Hindi siya pinansin nung babae, hinulog na nito ang tatlong five peso coin sa machine.

Austin came forward and leaned against the machine nang pumasok na yong coins. "Buti na lang nandito ako." He sighed. Hindi pa din siya pinansin nung babae. He lowered his sunglasses halfway and stared at her. "Have I seen you before?"

Inirapan na naman siya nung babae. "Iisang school lang tayo, malamang nakita mo na ako." Kinuha na niya yong sarili niyang coffee.

"Seryoso nga, help me out here." Sabi ni Austin, kinuha na ng tuluyan ang shades niya.

The girl handed him her three five peso coin. "Yon nga, next time tumingin ka naman sa dinadaanan mo para hindi ka makabangga ng tao." Sabi niya at umalis na.

"Hey, where's my thank you?" Austin called out pero diretso lang ang girl sa kakalakad.

END OF CHAPTER THREE.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon