Twenty Two

36 2 0
                                    

"Are you ready?" Tanong ni Austin, he's halfway pointing at the door bell.

"Birthday 'tong pinuntahan natin di ba?" Sabi ni Billy, mukhang natatawa sa tinanong ni Austin sa kanya.

"They're my friends. Malalaman mo din mayamaya." At nagdoor bell na siya. Walang sumagot kaya nagdoor bell siya ulit.

"SANDALI!!!!!!!" Sigaw ni Chad sa loob. Binuksan niya ang gate, and was surprised nang makitang may kasama si Austin. "Oh...pasok." Sabi niya, gesturing at them to come in.

"Si Pat? Nandito na ba?" Tanong ni Austin, pinauna si Billy pumasok and then he closed the gate behind him.

"Nandun sa pool, kasama si Ardi. Nung 27 pa sila dito natulog, at dito na sila hanggang opening." Natutuwang kwento ni Chad, leading them papunta sa likod ng bahay kung nasaan sina Pat at Ardi.

Billy walked closer beside Austin, nahihiya kasi siya kay Chad, nakakaintimidate ang dating niya. Austin smiled at her.

"Happy birthday Pat!" Sigaw ni Austin.

"Ooi! Nandito ka na!" Agad na bati ni Pat kay Austin at sinalubong ito para kunin ang dalang pizza. "...ooi." Sabi niya nang makitang magkasama sila ni Billy.

Napatingin din si Ardi sa kanila. "May bisita ka pala." Sabi niya, tumigil sa pagprepare ng barbeque.

"Ahmm..." Austin laughed a little dahil parang ang awkward at nahihiya siya, now that he realized Billy's the first girl na pinakilala niya sa mga kaibigan. "Si Billy...ahh...Belinda. Ahmm...mga kaibigan ko, si Chad, si Ardi at si Pat."

"Hi." Bati naman ni Billy sa kanila and then she reached out to shake Pat's hand. "Happy birthday."

"Thanks." Sagot naman ni Pat, amazed at hindi makapaniwalang napasama si Billy dito ngayon. "Mabuti sinama ka ni Austin dito."

Billy didn't know what to say kaya ngumiti na lang siya bilang sagot.

"Maupo ka lang diyan." Sabi naman ni Chad sa kanya. "Bisita ka namin ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay ang magenjoy."

"Okay." Nakangiting sagot ni Billy sa kanya at umupo na din siya sa isang easy chair.

"Uminom ka muna, medyo maalinsangan kasi." Ardi offered her a pink lemonade.

Tinanggap naman yon ni Billy. "Salamat." She watched them prepare the foods and all, actually, si Chad lang talaga yong busy at yong iba tumutulong lang sa kanya. She smiled when Pat jumped for joy when he opened the pizza box, yong favorite niya kasing pepperoni ang inorder ni Austin. Habang si Ardi naman ay busy sa kakaligpit ng kalat sa table.

May nagdoor bell.

"Ardi, pwede mo bang puntahan na muna sa gate?" Sabi ni Chad kay Ardi, busy na kasi sa pagluluto ng barbeque.

Wala namang reklamo si Ardi, umalis na din siya para tingnan kung sino ang nasa gate. Ilang sandali bumalik na siya at may dalang grocery bag.

"Ano yan?" Tanong ni Chad sabay nguso sa dala ni Ardi.

"Pagkain syempre, alam mo namang mga patay gutom tayo." Sagot ni Sean na kararating lang.

"Happy birthday!" Bati ni George na nakasunod kay Sean, at may dala pang birthday cake.

"Wow, thank you George." He said, very flattered. Kinuha na niya ang cake kay George at nilagay sa table, and then George gave him a hug.

"Happy birthday!" Bati naman ni Sean kay Pat, with a tough handshake and shoulder tap.

"Guys, si Belinda nga pala." Sabi ni Austin, grabbing both their attention.

Ngayon lang napansin nina George at Sean na nandun pala si Billy, and their reaction was the same as the others. "Hi." Bati ni George sa kanya, she waved at Billy. "I'm George."

"Sean." Pakilala naman ni Sean sa sarili niya.

Ngumiti si Billy sa kanilang dalawa. "Billy." Sabi niya, hawakhawak pa din yong baso niya na may lemonade.

Nagtitinginan lang sila at napapangiti, alam nila kasing tinamaan talaga si Austin kay Billy. And seeing na magkasama sila and both happy, masaya na sila para kay Austin.

"Hindi ba pupunta si Choi?" Tanong ni George, nahalata kasi niyang medyo nahihiya si Billy kasi napatahimik sila.

"Ba't bigla mong hinahanap si Choi? Dati gustong gusto mong lunurin yon." Sabi ni Chad, habang nagbabarbeque.

Inirapan siya ni George and filled her glass with lemonade, binigay niya yon kay Sean. "Parang nagtatanong lang!"

"Oo nga naman Chad, mahiya ka naman kay Sean." Sabi ni Ardi. At nagsimula na naman silang magtuksohan ngayon na nandito na ang "GeorSean" couple.

Tinabihan ni Austin si Billy to make her feel comfortable and mouthed the word "lovers". She smiled at him. "Gusto mo?" She offered him her glass of lemonade.

Austin shrugged and took the glass, both of them shared the lemonade. Nakita niyang napasulyap sina Ardi sa kanila ni Billy, pati si Geore na naglalagay ng birthday candles sa birthday cake ni Pat ay napapangiti.

"Ahhhhh...sinong gutom?" Chad asked to no one in particular, hinain na nila ni Ardi ang mga pagkain.

Simpleng barbeque party ang hinanda nila para kay Pat, of course pinagtulungang lutuin ni Chad at ni Ardi ang pork at chicken wings barbeque. Austin brought two boxes of pizza, at si Sean naman bought some drinks...and of course, George took care of the birthday cake.

"Happy birthday Pat!" George cheered and clapped. Sinabayan na din siya syempre ni Sean, at pati na din nina Ardi. Si Pat naman hindi na makita ang mga mata sa kakangiti, pati na din siya ay nakikiclap.

"Magwish ka!" Ardi said when Pat was about to blow his candles.

Pat hold out his hand to make them quiet as he closed his eyes and made a wish. Then, he blew out his candles. "Yeasss! Thank you, thank you guys! Salamat sa pagprepare." He said, clapping his hands.

"Awwww...na touch ka Pat?" Tanong ni Chad sabay gulo ng buhok ni Pat. "Hahayaan ba naming magbirthday ka na hindi tayo magkakasama? Lalasingin pa kita mamaya!"

They laughed at pinagsaluhan na ang pagkain. Austin handed her a pork barbeque at kumain na din siya, forgetting her worries.

                        ***

It's almost 5 pm, and the party's getting started.

Ang dalawang girls ay kumakain ng cake at nanonood sa limang boys magkulitan. Natawa silang pareho nang biglang binuhat ni Chad si Pat at itinapon dun sa pool, pagkatapos ay tinulak din si Ardi.

"Ang kukulit." Sabi ni Billy, natutuwang nanonood sa kanila.

"Sobra di ba? Masasanay ka din sa kanila." George said at napatingin kay Billy. "Kayo na ba ni Austin?"

"Ha? Hindi...hindi." Mabilis na sagot ni Billy.

"Ganun? Funny, ngayon ko lang kasi nakita si Austin na ganito. You should know na ikaw yong unang girl na pinakilala niya sa amin. He really likes you."

Napangiti si Billy, ganun din si George. "Magkaibigan kami ni Austin."

George rolled her eyes. "Bestfriend ko si Sean. Wala namang masama kung gusto mo si Austin eh, its not hard to fall in love with him. At isa pa, bagay naman kayong dalawa." She gave a meaningful smile at nagcontinue sa pagkain ng cake.

Si Billy naman, napapatingin kay Austin and begun wondering the real reason kung bakit siya sumama dun.

END OF CHAPTER TWENTY TWO

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon