Twenty Seven

36 3 4
                                        

Austin smiled as he opened his eyes the next morning, natutulog na Billy kaagad ang nakita niya. He stared at her admiringly.

She's pretty even when she sleeps.

Austin thought of taking her picture pero hindi naman siya makakilos, kasi nakahawak si Billy sa kamay niya at nakaulon. Instead, he wrapped his other arm around her and gently kissed her on her forehead.

Billy slowly opened her eyes and smiled, nakahawak pa din sa kamay ni Austin. Ilang sandali pinikit niya ulit ang kanyang mga mata.

Austin let her get a little more sleep, while he lay there watching her. It felt good to literally sleep with her. Yes, they just slept at walang plano si Austin to take advantage, ayaw niyang masira ang tiwala ni Billy sa kanya.

He gently pulled her closer to him and closed his eyes.

                      ***

Umuwi si Billy sa bahay nila before lunch. Tamang tama kang ang dating niya dahil wala pa si tita Teresa niya. Nadatnan niya si Stacey na nanood ng tv, pero hindi siya pinansin nito. Okay lang kay Billy yon, wala din naman siyang plano na kausapin si Stacey. Dumiretso na siya ng kwarto niya at nagmukmok pagkatapos niyang maligo.

Hapon na nung dumating si Teresa, at lumabas na naman ang pagiging best actress ni Stacey. Kung makapagsalita as if walang may nangyaring sakitan sa kanila ni Billy kahapon. Nanahimik lang si Billy, ayaw niyang makisali sa kaplastikan ni senyorita Stacey.

Kinabukasan, right before lunch time nila, kinwento ni Billy kay Bogs ang nangyaring away nila ni Stacey. Kinwento niya din na dun siya nagpalipas ng gabi sa bahay nina Austin.

"Dapat sa Stacey na yon tinutulak sa bangin, or pakainin ng maraming sili tapos huwag bigyan ng tubig." Comment ni Bogs.

Natawa si Billy sa sinabi ng kaibigan. "Grabe imagination mo, napakabrutal."

Napatawa din si Bogs "Sinabi mo na ba kay Austin?" Pagiiba niya ng topic.

"Nagdadalawang isip nga ako nun kung sasabihin ko na ba sa kanya or huwag na muna." She looked at Bogs who is glaring at her. "Bogs, ang saya saya kasi niya. Hindi ko naman magawang sabihin sa kanya kaagad." Napatingin siya sa relo niya. "Dun na lang kami magkikita ni Austin sa caf, niyaya akong maglunch kasama mga kaibigan niya. Tara, sumabay ka sa amin."

Nagbright ang mukha ni Bogs nang yayain siya ni Billy pero napasimangot din kaagad. "Next time na lang, lalabas kasi ako muna. May dadaanan ako, kasi kung mamaya pa baka close na."

"O sige, kita na lang tayo mamaya." Paalam ni Billy sa kanya, and they both went separate ways.

Malapit na si Billy nang caf nang nakasalubong niya sina Stacey at ang mga kaibigan nito. Hindi niya pinansin si Stacey pero nagulat siya nang bigla siyang nilapitan, at hinawakan sa braso ng mahigpit.

"Hindi pa ako tapos sa'yo." Bulong ni Stacey sa kanya at kinaladkad, hawakhawak pa siya nito sa kanyang braso habang nakasunod naman sa kanila ang mga alalay ni Stacey.

Lumiko sila ng caf and Billy started to realize kung anong gagawin ni Stacey. "Stacey, please, huwag mong gawin 'to." Sabi niya at nagpupumipigil, pero hindi matatalo ang lakas ng galit na Stacey. Lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak kay Billy. She winced dahil nakabaon ang mga kuko ni Stacey sa braso niya.

"Oh, Billy. Kayang kaya kong gawin 'to, wait and see." Nakangiting sabi ni Stacey, at lumakad na papunta sa table nina Austin.

                       ***

"Ang tagal nina George ah." Sabi ni Sean.

Naghihintay sila sa table nila sa labas ng caf at nakaorder na din sila ng pagkain. Sina Sean, Austin, Ardi at Pat pa lang ang nandun, at hinihintay pa nila sina Chad, George at Billy.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon