Kumuha na si Billy ng serving niyang pork adobo.
"Haaay, sana adobo na lang din yong binili ko." Sabi ni Bogs, staring sadly at his breaded pork chop.
"Hati tayo oh." Billy smiled, offering her food.
"Huwag na, nakakahiya at sa tingin ko kulang pa sa'yo yan." Biro ni Bogs sa kanya at kumain na lang din ng lunch niya.
Nabaling ang atensyon ni Billy sa mga estudyanteng pumasok ng caf, ang ingay kasi nila aakalain mong nagaaway pero nagbibiruan lang naman.
Si Austin at grupo lang niya pala.
Hindi siya nito nakita dahil diretso lang itong pumila sa counter kasama ang mga kaibigan niya.
"Wow! Chocolate cake!" Sabi nung kaibigan ni Austin na matangkad, yong tinutukoy ni Bogs na naka-motor.
"Wow, ngayon ka lang nakakita ng chocolate cake Chad?" Sabi naman nung isang medyo mahaba ang buhok.
Hindi naman siya sinagot ni Chad, tinitigan lang siya nito at pumili na ng pagkain, habang si Austin naman at ang dalawa pa niyang kaibigan ay pangitingiti lang.
At dun lang siya nakita ni Austin dahil napalingon ito sa direction nila ni Bogs. Saglit silang nagkatitigan, and then Austin smiled at her. She smiled back...a bit.
"Ayan na, nagsisimula lahat yan sa ngiti." Panunukso ni Bogs sa kanya habang sumusubo.
Inirapan siya ni Billy. "Weh. Walang ganyan." Sabi ni Billy at nagpatuloy na sa pagkain.
***
"Pork adobo siguro yong oorderin ko sa amin ni George at stir fried veggies. Mayamaya nandito na yon." Sabi ni Sean. Nasa caf sila ngayon at pumipili na ng lunch nila. "Anong sa'yo?" Tanong niya kay Austin sa tabi niya.
Pero hindi siya sinagot ni Austin. Nakatingin kasi ito kay Billy na kumakain. Napansin din siya ni Ardi.
"Lapitan mo. Walang mangyayari kung tititigan mo lang." Sabi ni Ardi sa kanya at pumili na din ng pagkain. "Chicken curry nga po at dalawang rice."
"Ardi share tayo diyan ah, share din tayo dito." Tawag ni Pat sa kanya, sabay turo sa ulam niyang gulay.
"Oo ba." Agree naman ni Ardi sa kanya.
"Kuha na lang din siguro akong chocolate cake para kay George." Sean said to no one in particular. Ganyan lang kasi talaga siya.
"Kukuha din akong cake." Sabi ni Chad nang makapili na siya ng ulam niya. "Kayo?" Tanong niya kay Pat at Ardi habang nilalagay ang cake sa tray niya.
Umiling si Pat. "Hindi na, hihingi na lang kami sa'yo." Sabi niya kay Chad pagkatapos ay tumawa. "Mas masarap kasi yong nakikishare lang."
Habang nagbibiruan ang mga kaibigan niya, Austin stared at the slice of cake na nasa harapan niya. Austin's not a big fan of sweets kaya he had no interests on buying.
Pero baka gusto ni Billy.
He thought.
So without second thoughts, he reached for a plate and placed it on his tray beside his chicken curry. And decided to get another one... for Bogs.
...well...he is my friend.
Napansin yon ni Ardi pero hindi na lang binanggit, instead he smiled. Alam niyang walang hilig si Austin na kumain ng cake, at may kutob siya sa kung anong gagawin ni Austin dun sa dalawang slice ng cake.
Sabay na silang umalis ng counter pero si Austin nagpaiwan muna. "Mauna na kayo sa labas. Susunod na lang ako." Sabi niya kina Sean.
"Ha?" Sabi ni Chad.
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
ContoBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...