"Bogs, tara na." Tawag ni Billy sa bago niyang kaibigan.
Lumapit naman kaagad si Bogs sa kanya na umiinom ng gatorade, habang naghihintay sa kanya. "Kilala mo yon?" Tanong niya.
"Sino? Yong kausap kong lalake dun?" Tanong ni Billy, tumango naman si Bogs. "Sino bang hindi nakakakilala sa kanya dito?"
Ngumiti si Bogs. "Kung sa bagay. Sikat nga talaga yon dito sa campus."
"Fan ka?" Biro ni Billy da kanya.
"Hindi!" Mabilis na sagot ni Bogs, defensive. Umiilingiling pa.
Natawa lang si Billy. "Fan ka eh." Tukso niya sa kaibigan. "Aminin."
Ngumiti na din si Bogs, namumula pa. "Kasi di ba parang ang cool niya. Ang ganda niyang manamit, mayaman, ang puti niya tapos habulin siya ng babae. Artistahin kasi eh. Tapos pati yong mga kaibigan niya ang aastig, lalo na yong naka-motor. Ang angas! Gustong gusto ko talagang maging katulad nila."
Hindi alam ni Billy kung matutuwa siya sa mga sinabi ni Bogs or malulungkot. Nakakatuwa kasi parang bata si Bogs, on the other hand nakakalungkot kasing pakinggan kapag nasasabi yon ng tao. Wishing to be someone else. "Di bale, next time hihingi ako ng autograph." Biniro na lang siya ni Billy.
Napangiti naman si Bogs. "Ay, oo nga pala. Pinaayos mo na ba yong cellphone mo?"
"Hindi pa eh. Okay lang ako, ano ka ba." Sabi ni Billy.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Bogs. "Nakakabadtrip naman kasi nung bumangga sa'yo. Hindi nagiingat. Kapag nakita ko yon sisitahin ko yon, at pagbabayarin ko siya."
Tumango si Billy pero hindi na niya sinabi kay Bogs kung sino ang bumangga sa kanya.
Nakita niya ang isang grupo ng babae na madadaanan nila. "Bogs, dito na tayo dumaan." Yaya niya.
"Ha? Bakit? Mas malapit yong gate dito."
"Dito na lang. May dadaanan kasi ako dito." Billy reasoned out. Wala na rin sinabi si Bogs at sumunod na lang kay Billy. Ang totoo kasi gusto lang niyang iwasan ang mga babaeng yon.
***
Nang makauwi si Billy, dumiretso siya ng kwarto niya. Nagpahinga muna ito sandali pagkatapos ay nagbihis, at bumaba na din kaagad para magprepare ng hapunan.
"Belinda?"
"Bakit po tita?" Sagot ni Billy sa kararating lang na si Teresa.
"Oh good, you're home early. Are you preparing dinner?" Tanong nito nang makapasok na sa kusina.
"Opo." Sagot ni Billy habang naghihiwa ng sibuyas.
"Hmmm.." Teresa observed. "Well then, pagkatapos mo diyan pumunta ka ng kwarto ko. My feet are killing me." Sabi ni Teresa at umalis na.
Nagpatuloy na lamang si Billy sa pagluluto.
Nang mamatay ang mommy ni Billy, agad siyang kinuha ng daddy niya at pinatira kasama ang legal family niya. It took a lot of effort para kay Billy na magadjust sa kanila. Her dad's working abroad kaya naiiwan siya kasama si Teresa at ang anak nito.
Nang matapos si Billy ay agad siyang umakyat sa kwarto ng tita Teresa niya. "Tita?" Katok ni Billy sa pintuan at agad pumasok.
"I really need a good massage Belinda." Sabi ni Teresa, nagrerelax sa kama niya. Lumapit naman si Billy sa kanya at dahandahang nagumpisa sa pagmamasahe. "What would I do without you. I've been calling you kanina pero hindi kita ma-contact."
Ngumiti si Billy sa kanya, patuloy lang sa pagmamasahe. "Ahmm...nasira po kasi yong phone ko tita."
"Belinda, you know I can't afford to buy you a new phone." Teresa snapped, kahit na hindi naman humihingi si Billy sa kanya.
"Okay lang po, may kakilala naman po akong marunong magayos nun."
"Well, that's good news." Sabi nito at nagpapaantok na. "That's enough. Bring me some red wine, I need a drink." Utos ni Teresa sa kanya.
Tumango naman si Billy at bumaba na.
***
Diretsong naglakad si Austin nang makapasok na ito ng bahay nila. Hoping na hindi siya mapansin ng lola niya.
"Faustino." Tawag sa kanya.
Umiling si Austin not because na nakita siya ng lola Juana nya, kundi sa pangalan niya. "Lola, Austin po. Matagal ko na pong kinalimutan na Faustino yong pangalan ko." Sagot nito.
Pero hindi naman yon pinansin ng lola niya. "Are you okay apo? Mukhang matamlay ka. Ganyan ka ba ka-busy sa studies mo at napupuyat ka na?"
"No, lola. Pagod lang po ako, magpapahinga na po muna ako." Sagot ni Austin, inaayos ang kwelyo ng uniform niya. Baka kasi makita pa ng lola niya ang tinatago niya.
"Sige, sige. Magpahinga ka muna, ipapatawag kita kung maghahapunan na o gusto mong ipahatid ko na lang sa kwarto mo para hindi ka na bumaba?"
Austin smiled at his lola. Masyadong kabisado na siya nito "Nah, its okay. Bababa na lang ako for dinner." Sabi nito at umakyat na sa kwarto niya.
Agad naman siyang humiga nang makarating na siya ng kwarto niya, not bothering to take off his shoes. He closed his eyes dahil parang masusuka siya.
Stupid hang over!
He thought as he turned sideways.
He tried to think of something else para mawala ang isip niya sa feeling na masusuka siya. He thought about what happened that day sa school. Actually, wala naman siyang gaanong memory ngayong araw kasi halos hindi na siya pumasok sa mga classes niya. Nakatambay lang siya sa caf at pinupuntahan ng mga kaibigan niya.
All he could remember was George's brownie and that she and Sean are finally official. Sa mga pinagdaanan nilang dalawa, ewan na lang kung hindi pa sila nagkatuluyan. Kinwento nilang dalawa na nung sembreak sila naging
couple, hindi din naman nagulat ang mga kaibigan nila. Expected na daw kasi.And a certain girl crossed Austin's mind. Yong girl sa vending machine kanina. Yong masungit na girl. At napapaisip na naman ngayon si Austin kung saan ba niya nakita yong girl, she's really familiar but he can't place it where he saw her.
Like I said, stupid hang over. I can't think straight!
And then he suddenly opened his eyes, naaalala na niya kung saan niya nakita yon.
That was the girl yesterday! Yong girl na nabangga niya at nagalit dahil nahulog yong phone, at hindi pa nakuntento inapakan pa yong paa niya.
Austin closed his eyes again, but with a smile on his face. There's something about that girl but he can't say why for now.
END OF CHAPTER FOUR.
![](https://img.wattpad.com/cover/72931353-288-k118692.jpg)
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Historia CortaBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...