Nakaupo si Billy sa kama niya, ang sama sama ng loob niya dahil sa nangyari kanina.
Umuwi siya ng bahay nila at nagmukmok, she cried her heart out. Gusto niyang iexplain kay Austin lahat lahat pero ayaw naman siya nitong pakinggan. At ang isang dahilan pa ng kinakasama ng loob niya ay dahil iisang bahay lang sila nung taong kinagagalit niya. Gusto ni Billy na umalis na dun sa bahay na yon, kaso wala siyang mapuntahan. Hindi naman siya tinatrato ng tama dun at pinapahirapan lang niya ang sarili niya.
"Belinda!" Tawag ni Teresa sa kanya.
Napatigil si Billy sa pagkuha ng mga gamit niya at lumabas na ng kwarto. Pumunta siya ng sala kung saan nagrerelax si Teresa sa couch.
"Bakit po?"
"Kuha mo nga akong tubig." Utos sa kanya ng tita niya.
Pumunta na din si Billy ng kusina at kumuha ng tubig para kay Teresa. "Tita." Binigay na niya ang tubig.
"Bakit hindi ka pa nagluluto ng hapunan?" Kinuha na ni Teresa ang tubig niya kay Billy. "Anopang hinihintay mo, anong oras tayo kakain."
Hindi na nagsalita si Billy, bumalik na siya ng kusina at nagsimula nang magprepare ng hapunan nila.
Aalis na talaga ako dito. Aalis na talaga ako dito. Bahala na.
Nabitawan niya ang bowl at nabasag ito.
"Anong nangyayari diyan?" Agad na tanong ni Teresa nang marinig yon. Pinuntahan na niya si Billy sa kusina. "Belinda, ano ba yan. Nung isang araw nakabasag ka ng plato tapos ngayon ito naman, uubosin mo ba lahat ng gamit ko dito?!"
Hindi siya sinagot ni Billy, kumuha ito ng walis at dustpan para linisin na.
"Gusto mo sisingilin ko sa'yo ang mga binasag mo?" Sabi pa ni Teresa, pero hindi pa din siya kinikibo ni Billy. "Oh bakit hindi ka sumasagot, kinakausap kita."
Pumasok naman ngayon si Stacey sa kusina. "Mommy, nakita ko na yong nawawala mong earrings!"
Napatingin si Teresa sa kanya, pati na din si Billy. "Saan mo nakita?"
Stacey smiled a knowing smile. "Dun sa kwarto ni Billy, nakita ko din dun yong nawawala kong wrist watch." Pinakita niya ito.
"Sinungaling ka." Sabi ni Billy sa kanya.
Teresa glared at Billy. "You took my earrings? And you took Stacey's watch?"
"Hindi totoo yan, gumagawa lang si Stacey ng kwento." Billy defended herself.
"Gumagawa ako ng kwento? Or baka ikaw ang gumagawa ng kwento para takpan yong ginawa mo. Bakit hindi mo sabihin kay mommy kung anong ginagawa mo sa kwarto niya nung wala siya." Sabi pa ni Stacey.
"Wait, anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ni Teresa kay Billy.
Stacey crossed her arms. "Ewan ko, nakita ko lang siya pumasok sa kwarto mo nung gabi looking at your stuffs."
"Anong pinagsasabi mo? Alam mong hindi ako umuwi---"
"Oh really Billy? Alam naman natin na natural kang magnanakaw." Sabi pa ni Stacey. Lumalabas na ang sungay. "Ninakaw mo ang earrings ni mommy, ninakaw mo ang relo ko...oh, and yeah, pati boyfriend ko!"
"What?! Wait, is this true? Matapos kitang palamunin at patirahin sa bahay ko yan ang igaganti mo!?" Sigaw ni Teresa, tinuroturo pa si Billy. "At hindi ka pa nakuntento, inagaw mo pa ang boyfriend ni Stacey. Ang kapal ng mukha ko. Kaya ko nga tinanong si Antonio kung bakit ka pa dinala dito sa pamamahay ko!"
"Oo nga, sana hindi na lang niya ako dinala dito dahil wala na akong ibang gusto kundi ang makaalis na sa imoyernong bahay na 'to." Sagot ni Billy sa kanya. "Hindi ko kinuha ang alahas mo, tanungin mo yang anak mong sinungaling." At tinapi ang kamay ni Teresa.
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...
![AUSTIN [BOYS BE SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/72931353-64-k118692.jpg)