Twenty Six

26 3 1
                                    

"Come on in." Austin opened the door for Billy.

Pumasok naman si Billy sa bahay nina Austin, she looked around. "Nasaan ang lola mo?"

"Bumisita sa resort. Every Saturday kasi siya pumupunta dun eh." Sagot ni Austin, closing the door.

Napatingin si Billy sa kanya, hearing his words made her panic a little bit. "So...tayong dalawa lang dito?"

Austin saw her worried face and laughed a little. "No, nandun yong katulong somewhere sa likod ng bahay, probably nakikinig ng drama sa radyo or something. Wala akong gagawin sa'yo, don't worry." Biro niya. "Its up to you kung gusto mong may mangyari." Sabi niya at kumindat pa kay Billy. Nang makita niyang nakatingin lang si Billy sa kanya, binawi niya din yon. "You do know that I was joking, right?"

Pumunta na sila sa den sa taas, and he tended on Billy's scratches. He basically took care of her.

"Okay na yan, hindi mo na kailangan lagyan ng band aid." Sabi ni Billy sa kanya, magkaharap silang nakaupo sa loveseat na nasa den.

"Ayokong mascratch mo pa 'to." Sagot naman ni Austin sa kanya, nilagay na ang band aid. "Ano bang nangyari? Can you tell me? I do have my rights you know."

Billy sighed, sorting those things na pwede niyang ikwento kay Austin. "Nagalit kasi sa akin yong anak ni daddy."

"...you mean your sister?"

Tumango si Billy. "May kasalanan naman kasi ako sa kanya."

"Pero hindi niya dapat ginawa yan sa'yo."

Billy covered Austin's mouth with her hand. "Sshhh...tapos na."

Tumahimik na din si Austin, hinawakan niya ang kamay ni Billy and played her fingers. "Ayoko lang kasing may nananakit sa'yo. Now I know kung bakit nila nasasabi yong, okay na yong akong masaktan huwag lang ikaw." He paused. "She must have pretty long nails."

Napangiti tuloy si Billy sa sinabi niya. "Medyo mahaba nga, color purple pa yong nail polish."

Nakuha na din ni Austin tumawa. "Tinext ko si lola, sabi ko nandito ka. Mamaya pa daw siya makakauwi." He said, not letting go of Billy's hand. "Anong gusto mong gawin? Hmmm?"

"Kahit na ano, basta yong mageenjoy ako." Sagot naman ni Billy sa kanya.

"Do you wanna watch a movie? Or something else?"

"Sige, go ako sa movie." Sabi ni Billy.

Bumaba na din sila ni Austin sa sala para manood ng movie.

***

After nilang manood ng movie, Austin asked if ihahatid na niya pauwi si Billy pero sabi niya later na lang daw. Kaya dun na naman sila sa den tumambay and looking at some photo albums.

"Babe, sino 'to?" Tanong ni Billy kay Austin nang bumalik ito sa taas, pumunta pa kasi siya sa kusina para magrefill ng juice.

Tiningnan naman ni Austin ang picture na tinutukoy ni Billy. "Ah, si Choi. Kaibigan din namin yan, siya talaga yong naging ka-close ni Chad nung highschool." Kwento ni Austin. "Sayang nga kasi ibang university siya, dun siya pinaaral sa alma mater nung dad niya. Pero nagkikita pa din naman kami."

"Speaking of Chad, alam mo bang takot si Bogs sa kanya?"

Austin looked at her, wide eyed with amazement. "Oh? Talaga?"

Nakangiting tumango si Billy at tumingin pa ng ibang pictures. "Si Ardi ba 'to?" Turo niya sa isang picture.

Austin laughed. "Yeah, si Ardi naman yong weird awkward kid. Ang sobrang tahimik, minsan siya lang ang nakakaintindi nung ginagawa niya. Mabuti nga dumating si Pat, may partner siya."

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon