Tumigil si Ardi sa paglakad. "Alam niyo, tanga din tayo minsan eh." Sabi niya kay Chad at Pat.
"Bakit?" Tanong naman ni Pat.
"Sana tinext na lang ni Austin yong kaibigan ni Billy." Napamewang na si Ardi sa katangahan nilang tatlo.
"Oo nga noh, kanina pa tayo paikotikot dito sa campus natunaw na tuloy kinain ko." Sabi ni Chad, may kinakagat pang toothpick.
"Tara, bumalik na lang tayo dun baka tinext na ni Austin yon." Yaya ni Pat sa kanila.
Pabalik na sila ng caf nang makita ni Ardi si Bogs na naglalakad magisa.
"AYON!" Napasigaw si Ardi sa sobrang excited sabay turo pa sa kinaroroonan ni Bogs. Hindi naman ganun kalayo si Bogs sa kanila, dahil narinig niya ang sigaw ni Ardi at napatingin sa kanila.
"PSST! HOY! HALIKA NGA DITO!" Sigaw ni Chad kay Bogs, si Bogs naman natakot at mabilis na lumakad. "HOY!"
Hinabol na din nilang tatlo si Bogs, at nang maabotan na nila ay kinorner pa ni Chad. "Mammmaaaaa!" Ngawa ni Bogs.
"Ikaw si Bogs?." Sabi ni Chad.
"B-bakit?????" Natatakot na sagot ni Bogs, niyayakap pa ang bag niya. Aakalain mong hinohold up.
Inakbayan siya ni Chad ng mahigpit, sinisiguradong hindi makakatakas. "Halika nga muna, magusap tayo dun."
"....??!! o_o" Hindi maintindihan ang reaction ni Bogs nang sinabi ni Chad yon.
Siniko ni Pat si Chad. "Huwag mong takotin." Sabi niya, and to Bogs he said. "Gusto ka lang makausap ni Austin." At ngumiti pa siya ng ngiting pusa para lang mawala ang takot ni Bogs, kahit kunti man lang.
Bumalik na sila ng caf, kung saan naghihintay pa din sina Sean sa kanila.
"Upo ka diyan." Sabi ni Chad pero siya na din mismo ang nagpaupo kay Bogs.
"Huwag kang ganyan, natatakot sa'yo yan eh." Sabi ni Austin.
"Austin." Natutuwang bati ni Bogs sa kanya. "Akala ko magkasama kayo ni Billy."
Umiling lang si Austin. Seeing that hindi pa din magsasalita si Austin, si Ardi na ang nagsalita. "Bogs, medyo nagkagulo kasi kanina dito. Ardi nga pala." Pakilala pa niya sa sarili niya, ngumiti naman si Bogs at nakinig na sa sasabihin niya. "Magkasama kasi kaninang pumunta si Billy at Stacey dito, tapos may sinabi si Stacey kay Austin. Ahmmm...ang gulo kasi kanina."
Sean butted in. "Gusto lang namin malaman kung totoo nga ba yong sinabi ni Stacey tungkol sa kanila ni Billy, at kung may alam ka ba sa mga nangyayari."
Bogs looked surprised from Ardi to Sean, pagkatapos ay napatingin kay Austin. "Sinabi na ni Stacey sa'yo?"
"You mean, may alam ka nga talaga?" Tanong ni George. "Na magkapatid silang dalawa at ang tungkol dun sa plano ni Stacey?"
Tumango naman si Bogs. "Oo, sinabi yan dati ni Billy sa akin eh. Sinabi niya sa akin na magkapatid sila ni Stacey sa tatay, tapos kinwento niya din sa akin na yon ang pinapagawa ni Stacey sa kanya. Ang paglaruan si Austin." He glanced at Austin. "Sorry Austin ah. Hindi ko pinigilan si Billy dun kasi natatakot siya sa gagawin ni Stacey sa kanya kapag hindi siya sumunod."
Nagulohan si Chad. "Wait, wait, wait. Ano bang powers ng Stacey na yon at takot si Billy?"
Napalingon si Bogs sa kanya and explained. "Papahirapan niya si Billy. Kukunin niya yong alahas ng mommy niya at i-frame up kay Billy. Nakakaawa nga yon eh, palagi siyang inaaway dun pagkatapos ginagawa pa siyang katulong nung magnanay."
Lalo lang nasaktan si Austin nang malaman na yon ang ginagawa ni Stacey at ng mommy niya kay Billy. She doesn't deserve to be treated like that.
"So, totoong pinaglalaruan lang niya si Austin?" Tanong ni George.
Agad na umiling si Bogs at naka-pout pa. "Hindi, hindi totoo yon. Ayaw na ayaw ni Billy gawin yon, eh kaso napilitan na lang talaga siya. Yong pinagdaanan niyong dalawa, totoo yon. Totoo yong friendship na pinakita niya sa'yo, at maniwala kang mahal ka ni Billy." Sabi niya kay Austin. "Gusto na nga niyang aminin sa'yo, eh kaso natatakot kasi baka daw maging ganito reaction mo. Hinayaan ko si Billy dahil alam kong mahuhulog siya sa'yo sa huli."
After hearing those things and after everything, hindi nagbago ang naramdaman ni Austin kay Billy.
"Austin, pagusapan niyong dalawa ni Billy. Alam naman namin na mahal na mahal mo yon eh." Sabi ni Pat.
"Oo nga naman, isipin mong si Stacey pa din ang natalo dito kasi mahal ka din ni Billy eh." Dagdag ni Ardi.
Lalong naklarohan si Austin sa sinabi niya. Kung hahayaan niyang masira yong something nila ni Billy, siya ang talonan. Napaisip na din siya at kinonsider lahat ng sinabi at payo ng mga kaibigan niya, kahit yong sarili niya yon din ang sinasabi. "Nasaan na kaya yon."
"Yoowwn!" Sabay sabi ng mga kaibigan niya.
Nagulat si Bogs pero natawa na din sa kanila. "Sunduin ko siya mamaya, surpresahin mo."
***
"Hindi na siya pumasok." Sabi ni Bogs kay Austin, three hours later.
Nagworry na si Austin dahil hindi naman sinasagot ni Billy yong mga text at call niya. "Bogs, itext mo kaya siya. Tanungin mo kung nasaan siya."
"Okay, sandali itetext ko."
Nilapitan sila ni Sean na kakatapos lang din ang klase. "Wala si Billy?"
Umiling si Austin. "Hindi na daw pumasok eh." A worried look on his face.
"Talaga?" Sabi ni Sean. "Sinabi naman kung nasaan ba siya?"
"Tinext pa ni Bogs." Sagot ni Austin, patiently waiting sa reply ni Billy kay Bogs.
"Hi." Dumating na din si George, who came for Sean. "Tamang tama lang pala dating ko. Nasaan na si Billy?"
Nilapitan na ni Sean si George at inakbayan. "Hindi pumasok sabi ni Bogs."
Tahimik lang si George, hindi na siya nagcomment pa dahil hindi na naman mapakali si Austin. Ilang sandali nakatanggap na ng text message si Bogs from Billy, alert naman kaagad si Austin.
"Anong sabi? Nasaan daw siya?" Tanong niya.
"Nandun daw siya sa bahay nila." Bogs informed him.
Napaisip si Austin. "Samahan mo ako." Sabi nito kay Bogs.
"Pupuntahan natin siya sa bahay nila?" Bogs asked in surprise.
"Yeah, gusto ko siyang kausapin, I won't let go of my girl." He reahed for Bogs at hinila na paalis.
"Sandali, sasama kami!" Sabi naman ni George.
Napatingin si Sean sa kanya. "Ha? Bakit pa tayo sasama dun?"
"Kasi kakailanganin ni Austin ng kasama, feeling ko lang may mangyayari eh. Mabuti na yong handa tayo." She grabbed Sean's arm at sumunod na kina Austin at Bogs.
END OF CHAPTER TWENTY EIGHT
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Historia CortaBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...