Fifteen

41 1 3
                                    

Hinila ni Ardi si Austin nang makasalubong niya ito sa hallway.

"Yo, wassup?" Nakangiting bati ni Austin sa kanya. "Please, magugusot yong uniform ko, man."

"Ano na namang ginawa mo? Pinaguusapan ka nung ibang estudyante." Tanong ni Ardi.

He smiled. "Oh, yeah. Yong kay Billy. Wala, humingi lang ako ng sorry. Bakit?"

Ardi was surprised sa sagot ni Austin. "Umiyak yong isa naming kaklase dahil dun. Lumuhod ka pa daw sa harap ni Billy?"

Austin nodded. "Hindi kasi ako pinapatawad eh kaya lumuhod na ako, at hindi ko pa nagagawa yon ah. That was my first." Sabi niya at mukhang proud na proud pa sa ginawa niya.

Umiling si Ardi. "Haaisst. Tigilan mo na ang pambabae at seryosohin na yan, para matapos na ang pagasa ng mga babae sa'yo!"

           ***

"Oh my gosh, Stacey!" Dalidaling lumapit ang kaibigan niyang si Jenna.

Stacey rolled her eyes, naistorbo kasi siya nito sa pagaapply ng face powder. "Tsk. What?"

"You won't believe this. Nakita ko si Austin doing some stunt over a girl." Balita ni Jenna sa kanya.

Nakuha naman niya ang atensyon ni Stacey. "What do you mean by that?"

"Lumuhod si Austin while asking for an apology. Imagine? Magagawa ni Austin yon sa public, and everybody thinks na siya yong girl na hinahanap ni Austin. Remember those flyers?"

Stacey closed her compact shut. Basta si Austin na ang pinaguusapan, hindi na mahati ang atensyon ni Stacey. "Of course, I remember about those flyers. Tell me kung sino ang kinababaliwan ni Austin ngayon." She said through gritted teeth.

"Do you know that girl na palagi nating nakikita with a chubby faced guy?" Jenna said. "I think her name's Belle...wait, no. Belinda? Belinda de la Vega, that's what they've said when I asked about her name. And get this, last time daw binuhosan niya ng tubig si Austin sa caf. OMG, what's up with them?"

"Can you please, shut up?" Stacey snapped at Jenna. Nagagalit na ito sa nalaman niya tungkol kay Austin at sa babaeng kinababaliwan nga nito.

            ***

Kakatapos lang ni Billy magsaing at magluto ng hapunan. 6 pm na at mayamaya dadating na si tita Teresa niya.

Nagpapahinga na siya ngayon sa kwarto niya. Hindi siya pumasok nang hapong yon gaya ng sinabi niya kay Bogs.

She turned on the radio and listened to an fm station.

"you used to call me on my cellphone.
late night when you need my love.
call me on my cellphone.
late night when you need my love."

Billy felt funny, kasi si Austin ang pumapasok sa isipan niya kapag nalakarinig siya ng ganitong type ng kanta.

At naalala nga niya ang nangyari kanina, and closed her eyes.

Diyos ko, bakit ko ginawa yon! Bakit ko hinawakan yon!

Napahiga siya sa kama niya at nagtakip ng unan sa mukha, nakaramdam ng hiya sa ginawa niya kay Austin kanina. Pumapasok na ngayon sa isipan niya kung paano haharapin si Austin bukas, if ever ngang magkakaharap sila.

Napaupo siya bigla nang may pumasok sa kwarto niya. "Hi! Billy."

Billy blinked, its so unusual na batiin siya ng taong ito at pinuntahan pa siya talaga sa kwarto niya. "S-Stacey... ahmmm.. may kailangan ka ba? Nakapagluto na ako ng hapunan, baka kung nagugutom ka na ipaghahanda na lang kita."

Stacey flashed a fake smile, sobrang fake na hindi na umabot sa mga mata niya. "Silly, hindi ko ba pwedeng kumustahin ang kapatid ko?" Umupo siya sa kama ni Billy. "How are you?"

Naweweirdohan si Billy sa ginagawa ni Stacey, naninindig ang mga balahibo niya nang tawagin siya ni Stacey na kapatid. Eversince na dumating si Billy sa bahay na 'to, hindi siya kinakausap ni Stacey. Pinapansin lang siya nito kung meron siyang iuutos.

Ngumiti si Billy sa kanya. "Okay lang ako." Sagot naman niya.

Umiba ang mga ngiti ni Stacey. Kitangkita na ngayon ang ngiting maldita niya. "Hmmm...you must be, sino ba naman ang hindi magiging okay after lumuhod si Austin Dominguez sa'yo di ba?"

Hindi nakapagsalita si Billy. Kinabahan siya dahil nalaman na ni Stacey yong tungkol kay Austin. Alam na alam ni Billy lahat ng pinagdaanan ni Stacey nung nagbreak sila ni Austin. Hindi niya matanggap na ginawa siya ni Austin na pampalipas oras, inlove na inlove kasi si Stacey sa kanya.

Hindi makapagsalita si Billy kaya natawa si Stacey. "Alam ko na din na ikaw pala yong pinaghahanap ni Austin, so kaya pala nasira yong phone mo. He really likes you kasi he is taking risk na magpost ng ganun sa buong campus."

"Hindi ko naman siya pinapansin eh." Sabi niy kay Stacey. Importante para sa kanya na ipaalam kay Stacey yon.

Stacey waved her off. "I'm not even asking you that. As a matter of fact, yan nga ang gusto kong gawin mo eh."

Confused about whatever Stacey's talking about, Billy asked her. "Anong ibig mong sabihin?"

Stacey smiled a sly smile. "I want you to make Austin fall inlove with you. Be friends with him, if he asks you out then go out with him pero siguradohin mong maiinlove siya sa'yo. The moment that he's insanely inlove with you...break his heart." Her eyes lit up as she speak.

Umiling si Billy. "Hindi ko gagawin yon. Naiinis ako sa kanya, hindi ko magagawa yon." She refused.

"Narinig ko yong paguusap niyo ni mommy kagabi, about sa earrings niyang nawawala. I understand her kasi sobrang expensive nun." Sabi ni Stacey, with a voice full of mockery. "Kung hindi mo susundin ang pinapagawa ko sa'yo, alam mo na ang mangyayari."

Nakatingin lang si Billy sa kanya. May kutob na siya sa pinaplano ni Stacey. "Hindi mo pwedeng gawin yon."

"Oh, I do. I can." Stacey said excitedly and spoke as if bata ang kausap niya. "Kung hindi mo ako susundin, yong earrings ni mommy would turn up here in your bedroom. At meron akong bagong wrist watch, alam mo pwede din yon mawala kung hindi mo gagawin yong gusto ko. Marami akong pwedeng gawin Billy, and between us? I doubt na maniniwala si mommy sa'yo. So? Be my slave?" Stacey smiled at her sweetly.

Huminga ng malalim si Billy para mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Wala na siyang makitang choice niya kundi ang sundin na lang si Stacey. "Okay."

Stacey clapped. "Good. But promise me one thing Billy. Promise me that you'll keep your hands off Austin."

END OF CHAPTER FIFTEEN.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon