Fourteen

33 2 4
                                        

"...Billy? Okay lang ba kung may itatanong ako sa'yong medyo personal?" Bogs asked her carefully. "May problema ka ba? Nagtatanong kasi si Johan, at pati ako nagtataka din eh."

Dumating kasi si Billy the next day na namumugto ang mga mata. Nagulat si Bogs pero hindi niya tinanong kaagad si Billy kung bakit.

"...wala. Okay lang ako, Bogs." She smiled at Bogs to assure them na okay nga lang siya talaga.

Bogs guided her na mapunta sa study park ng department nila, medyo malayo kasi ang building nila sa ibang department kaya hindi matao. "Gusto mong pagusapan? Halatang problemado ka kasi. Vacant naman tayo hanggang lunch time." Bogs said, inviting Billy to sit down beside him sa bench.

Umupo si Billy and decided na ikwento kay Bogs ang sama ng loob. Wala naman kasi siyang nakakausap tungkol dito, at gusto din naman niyang may mapagkekwentuhan para mabawasan ang sama ng loob. "...di ba nasabi ko na nasa abroad daddy ko?" Tumango naman si Bogs. "...matagal na kasing namatay yong mama ko."

Bogs gave her a surprised look. "Ha? Eh di ba..." He realized na hindi niya din alam kung anong sasabihin niya. "Sinong kasama mo sa bahay?"

"Si tita Teresa, asawa yon ni daddy. Anak lang kasi ako sa labas." She paused, nakaramdam ng hiya nang sinabi niya yon. But she felt okay when Bogs gave her a light tap on her shoulder. "Nung namatay si mama, kinuha ako ni daddy at dun na tumira kasama nila. Lalo na nung nagabroad si daddy, si tita Teresa lang at yong anak niya kasama ko. Mahirap syempre, katulad na lang nung nangyari kagabi." Nagsimula na namang maluha ang mga mata niya by recalling what Teresa had said to her.

Bogs, still surprised by Billy's revelation, tried his best to comfort his friend. "Ano ba nangyari?"

"Pinagbintangan kasi ako ni tita na kumuha nawawalang earrings niya." She wiped away her tear that escaped her eye. "Sinabi niyang ako lang daw yong gagawa ng ganun, pero hindi ko naman kayang gawin yon."

Tahimik lang si Bogs at nalulungkot din sa nangyari sa kaibigan. "...sorry."

Billy laughed kahit na naluluha. "Ano ka ba, wala kang kasalanan dito. Gusto ko lang magkwento kasi wala talaga akong makausap tungkol dito. Pacensya ka na, nagdrama pa ako. Sandali lang Bogs ah, punta lang muna akong c.r."

Umalis na si Billy, kailangan niya kasing magayos dahil alam niyang namumugto na ang mga mata niya at nakakahiya na. Mabuti na lang malapit lang yong c.r sa study park.

On her way, she was surprised when someone pulled her hand and pressed her against the wall. Kinabahan siya dahil walang tao sa ganung part ng campus, pero nawala din kaagad yon nang makitang si Austin lang pala.

"ANONG PROBLEMA MO!?" Pasigaw na tanong ni Billy sa kanya, galit na galit kay Austin.

Hindi siya sinagot ni Austin, he leaned his hand against the wall to corner Billy. He moved a little bit closer hanggang sa untiunting lumapit ang mga labi nila.

Hindi gumalaw si Billy, nagkatitigan lang sila ni Austin.

Austin smiled. "I want you...and a guy like me needs a girl like you...aaarrgghh!"

Billy grabbed Austin's manhood kaya napasigaw ito. "Dudurugin ko 'tong pagkalalake mo kung hindi ka pa titigil!" Binitawan na niya ito at iniwan na si Austin.

           ***

Austin touched his crotch, wincing. Hindi niya inexpect na gawin yon ni Billy sa kanya.

But that's not his concern.

He got a very good look at Billy. He saw tears in her eyes and that bothered him.

Kaya nang iniwan siya ni Billy, hindi pa siya kaagad umalis. Hinintay niyang makabalik si Billy galing c.r.

Alam niyang its none of his business pero those tears are bothering him.

After five minutes lumabas na din ng c.r si Billy, at nagulat siya nang makitang nandun pa si Austin kung saan niya iniwan.

Agad niyang nilapitan si Billy. "Hey, Billy, i'm sorry sa ginawa ko." Austin said with a concern voice. Hindi siya pinansin ni Billy, patuloy lang siya sa paglakad. "Billy...are you okay? Have you been crying?"

"Ano ba? Hindi ka pa ba titigil? Naiinis ako sa'yo! At ano bang pakialam mo? Hindi naman tayo magkaibigan Austin, kaya pwede ba tigilan mo na ako!" Sagot ni Billy sa kanya.

Hinawakan ni Austin ang kamay niya para pigilan. "I'm very sorry."

Bumitaw si Billy at iniwan si Austin, pero hinabol pa din siya nito. Hindi niya titigilan si Billy hanggang hindi siya pinapatawad nito.

Nakita sila ni Bogs kaya sumunod na din ito sa kanilang dalawa, nagtataka kung ano na naman ba ang nangyari at bakit hinahabol na naman ni Austin si Billy.

"Billy!" Tawag ni Bogs. Nakarating na sila sa part ng campus na maraming estudyante.

"Bogs." Tumigil si Billy para maabotan siya ni Bogs. "Sorry pero hindi na muna ako papasok. Uuwi na lang ako, naiintindihan mo naman yon di ba?"

"Oo...pero...ano na namang meron.." Sabi ni Bogs, napapatingin kay Austin.

"Billy, i'm sorry." Austin said. "Hindi ako titigil kung hindi mo tinatanggap sorry ko."

Hindi pa din siya pinansin ni Billy. "Bogs, mauna na ako ah." Sabi ni Billy at akmang aalis.

Pero biglang hinawakan ni Austin ang kamay niya, at nagulat si Billy at Bogs nang lumhod ito, kitangkita ng mga estudyanteng nandun. "PLEASE! I'M SORRY. ANO PA BANG GAGAWIN KO PARA MAPATAWAD MO LANG AKO? BELINDA, I'M SORRY. PLEASE FORGIVE ME."

Nanlaki ang mga mata ni Billy, hindi makapaniwala sa eksenang ginawa ni Austin. Napatingin siya sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila. May napapangiti, meron namang nagbubulungan.

"Ay! Siya siguro yong girl na tinutukoy ni Austin na niyaya niyang maglunch!" Narinig ni Billy.

Nakaramdam na si Billy ng hiya. "Oo na, oo na. Tumayo ka na diyan, nakakahiya ka."

Agad namang tumayo si Austin with a smile on his face. "Pinapatawad mo na ako?"

"Oo na, basta huwag mo na akong sundan! Nakakainis ka. Bahala ka na nga, uuwi na ako." Sabi ni Billy at umalis na nga.

Susundan pa sana siya ni Austin nang pinigilan siya ni Bogs. "Oh, huwag mo daw siyang sundan."

Austin shrugged, smiling. "That's okay, hindi naman niya sinabi na hindi ko na siya pwedeng lapitan eh."

END OF CHAPTER FOURTEEN.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon