Sixteen

29 2 2
                                    

Pumasok si Austin kinabukasan with positive energy. Hindi siya sure pero nararamdaman niyang today is a new day, kaya pinaghandaan niya ng mabuti, he came to school extra gwapo and extra early.

Instead na dumiretso ng building nila, dun siya pumunta ng building nina Billy. Alam niyang hindi naman siya kakausapin nito, pero gusto lang niyang makita si Billy kung okay na ito.

Napadaan siya sa classroom ni Stacey. Humaba ang leeg nito nang makita siyang dumaan. He wondered kung anong ginagawa ni Stacey sa building nina Chad, and then naalala niya ang sinabi ni Ardi na nagshift ng course si Stacey. But he doesn't care about Stacey, all he cares about was this cute girl he met accidentally. At nasira niya ang phone accidentally.

Nakarating na siya ng department building nina Billy at napadaan pa siya sa classroom ni Sean. He waved at his friend, na nagtataka naman kung anong ginagawa niya dun.

Hinanap niya si Billy sa lahat ng classroom dun sa ground floor, hanggang second floor. Everytime na sisilip siya sa classroom na madadaanan niya, napapatingin sa kanya ang mga estudyante sa loob lalong lalo na ang mga girls. But of course, hindi sila ang punta ni Austin dun.

And finally, nakarating na siya ng third floor. Sumilip siya sa unang classroom na madadaanan niya. He smiled nang makita niyang nandun si Billy sa loob and luckily wala pa ang instructor nila dun...at si pretty boy Johan.

Pumunta na siya ng pintuan to get a better look at Billy. Tamang tama din na napalingon ito sa direction niya at nakita siyang nakatayo dun. Austin smiled at her kaya tumayo si Billy at nilapitan siya. Hinanda na niya ang sarili niya sa daily nagging ni Billy.

"Hi." Sabi ni Billy, medyo naghehesitate pa.

Austin looked at her, surprised dahil first time siyang batiin ni Billy ng ganito. "...hi? Are you okay?"

Tumango si Billy bilang sagot. "Oo. Okay lang ako."

"Cool." He said softly. "Are you still mad at me?" Sunod na tanong ni Austin.

"Hindi na." Tahimik na sagot ni Billy.

Austin smiled and sighed in relief. "Cool." Napahinga siya ng malalim, hindi siya makapaniwalang his having a conversation with Billy na walang sigawan na nagaganap.

"...may kailangan ka ba? Hindi pa dumadating si Bogs eh."

"Oohh, no, no. I just came here to see you...since hindi ka okay kahapon and everything that happened."

Namula si Billy, hindi ni Austin alam kung bakit. "Ganun ba. Okay na ako." Yon lang ang nasabi niya.

Ngumiti ulit si Austin. "Wow, this is really weird. Ahmmm... i've got to get to class, gusto ko lang naman malaman kung okay ka na...and to see you of course."

"Okay."

"Okay, bye. See you around." Austin waved at her. Hindi pa malayo si Austin sa classroom nang makasalubong niya si Bogs. "Bogs!" Niyakap niya si Bogs sa sobrang saya. "Good morning!"

"Good morning." Natutuwang sagot ni Bogs kahit hindi niya alam kung bakit naging ganun si Austin.

"I've got to go, baka ma-late pa ako. Bye!" Tuwangtuwa na sabi ni Austin at umalis na patungo sa klase niya.

            ***

Bumalik na si Billy sa upuan niya. Pinagtitinginan siya ng iba niyang mga kaklase, ang iba kasi sa kanila updated sa mga nangyayari sa campus.

Minabuti na lang niya na magreview ng notes ya.

"Hi Billy." Bati ni Bogs na karatating lang.

"Hello." Ngiti ni Billy sa kanya.

Umupo na si Bogs sa tabi ni Billy. "Nakasalubong ko si Austin dun."

"Ah...oo, kinamusta lang ako." Sagot ni Billy sa kanya habang nagbabasa.

"Kinausap mo naman ng mahinahon?"

She looked up at Bogs. "Oo, ng mahinahon."

Nung una hindi pa umimik si Bogs, untiunti na lang itong napangiti. "Ahh...kaya pala. Anong nakain mo at naisipan mo yon?"

Alam ni Billy na tatanungin siya ni Bogs kung bakit biglaan siyang magiging mabait kay Austin, kaya pinagisipan na niya ang sasabihin. "Hindi naman siguro masama kung kakaibiganin ko siya di ba? At para tumigil na din sa pangungulit."

Binigyan siya ni Bogs ng malisyosong ngiti. "Mukhang mabait naman si Austin eh."

"Maka-Austin ka talaga noh?"

"Syempre naman, balang araw magiging boyfriend mo yon."

Hindi na nakapagpatuloy si Bogs dahil dumating na din ang instructor nila, buti na lang.

            ***

Lumabas na si Ardi ng classroom niya. Magisa lang siya ngayon dahil hindi pumasok si Pat sa second subject nila.

"Ardi!" Bigla siyang niyakap ni Austin. "You won't believe what happened."

Ardi jerked away, pero parang tuko kung kumapit si Austin sa kanya. "Pwede ba, baka ano isipin ng mga tao."

Bumitaw na din si Austin sa kakayakap at napansing magisa lang si Ardi. "Nasaan si Pat?"

"Lumabas, kumuha nung perang pinadala sa kanya ng mama niya. Malapit na kasi exams at wala na kasi siyang bakanteng oras mamaya." Kwento ni Ardi, inaayos ang uniform niyang nagusot ng kunti. "Ano bang nangyari at parang ang ganda ng mood mo?"

Hindi pa nga naikwento ni Austin sa kanya, pero ang ngiti niya umaabot na hanggang tenga. "Kinausap na niya ako. I mean, yong hindi galit. She answered my questions without nagging."

Even Ardi was surprised sa sudden change. "Eh di mabuti. Hindi ka na makakatikim ng death threats niyan. Congrats! Ano kaya nakain nun?"

He shrugged. "I don't know. Well, I hope na palaging ganun na lang mood niya para walang problema. That's why I came to see you."

"Ha? Ano na naman kailangan mo sa akin?" Ardi wondered.

"I'm wondering kung anong gagawin ko para mamaintain na lang ng ganun. Ayokong masira."

"So ako pa talaga naisipan mong tanungin tungkol diyan." Sabi ni Ardi, hindi ma gets kung anong iniisip ni Austin at sa kanya pa lumapit. "Ako na walang experience sa ganyan, dun ka kay Sean."

Inakbayan siya ni Austin. "Malay mo yong suggestion mo pa lang yong magwowork this time."

"Pumalpak yong kay Chad?"

Austin felt embarrassed about what happened. He was not expecting that one from Billy. So he decided not to tell his friends, and keep it between him and Billy. "Hindi eh." Matipid na sagot ni Austin. "So anong masasuggest mo? Natatakot kasi ako baka bumalik ulit yong dating pakikitungo niya sa akin."

Nagisip din si Ardi para sa kaibigan. "Hmmm...subukan mong maging thoughtful sa kanya. Actually, ewan ko. Hindi ko alam. Kung ako sa lugar mo, kung ano ako yon ipapakita ko. Just be yourself." He tapped Austin's shoulder at napatingin sa relo niya. "Mauna na ako. Kita na lang tayo mamaya." Paalam ni Ardi sa kanya at umalis na.

END OF CHAPTER SIXTEEN.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon