Bumaba na si Austin ng taxi at nakita niyang kararating lang din nina Ardi at Pat sa Rendezvous, kung saan sila magkikitakita.
"Hey, guys!" Tawag ni Austin sa dalawa niyang kaibigan.
"Ooy, Austin." Pat waved at him, dala nito ang gitara niya, so Austin guessed na diretso na lang mamaya si Pat sa gig niya...4 pm kasi usapan nila. "Tara na sa loob, nandyan na siguro si Sean."
Pumasok na din silang tatlo at tama ngang nandun na si Sean, pati na si Chad. Nilapitan na nilang tatlo sa table.
"Sira ba relo ko? Nauna ka ngayon sa amin ah." Biro ni Ardi kay Chad nang mapaupo na ito. Palagi na lang kasing late si Chad.
Tumawa si Chad. "Excited lang siguro. Wala akong magawa sa bahay eh."
"Diretso ka na mamaya ng gig?" Tinanong ni Sean si Pat, napansin ang gitarang dala nito.
"Oo eh." Napatigil si Pat at napatingin sa lalakeng kakapasok lang ng Rendezvous, at napakaingay na parang siya ang may ari.
"Kapag yang gilagid mo mas mayabang kesa sa 'kin, hihiwain ko yan at ipapakain sa'yo." Sabi ni Choi as he charged towards them. Humalakhak naman ng tawa si Chad and greeted Choi with a high five, na umupo naman kaagad sa tabi ni Chad. At dun lang niya napansin na may kasama silang hindi niya kilala. "...and you must be Pat." Sabi nito sabay abot ng kamay para makipagshakehands. "I'm Choi..."
"Juancho totoong pangalan niyan." Singit ni Chad bago pa makapagsalita si Choi ng kung anuano. "Mas mapanghi pa sa pangalan ko."
"Hindi ko naman kasalanan if I was named after my lolo. Besides, nakaisip din naman ako ng cool na pangalan." Natatawang sabi ni Choi. "Hindi man lang inisip na tutuksuhin tayo ng mga classmates natin."
"Nakakainis dati nung highschool. Kapag nagroll call yong teacher ang gaganda ng pangalan nila, pang international. Pagkatapos pagdating sa atin, Bernardino, Faustino, Juancho...parang kapanahonan ni Rizal." Lalo silang nagtawanan sa sinabi ni Ardi, hanggang sa si Pat na lang ang magisang nakangiti at umiilingiling pa.
Napansin siya ni Sean. "Anong problema nito?" Turo niya kay Pat.
Tahimik na tumatawa si Pat at tinatakpan ang bunganga. "Wala, makaluma din kasi ako."
Ardi snapped his fingers and looked at Pat. "Oo nga pala, ikaw din!"
Naintriga si Choi kaya napatanong siya kay Pat. "Bakit? Ano bang totoo mong pangalan?"
"Patricio." Sagot ni Pat at natatawa pa.
Choi looked at him with a blank expression, and then burst out laughing. "Welcome to the club!"
"But look at us, pangtelenovela man mga pangalan natin pero we are drop dead hot!" Austin said, pero hindi naman pinansin ng mga kaibigan niya yon.
Inirapan lang siya ni Choi. "Lakas ng hangin noh?" Bara niya kay Austin. "Order na tayo nagugutom na kasi ako, libre ko na." Sabi ni Choi na ikinatuwa naman ng mga kaibigan niya.
"Yan talaga yong namiss namin sa'yo Choi." Biro ni Sean sa kanya at tinawag na ang pansin ng isang waiter.
"Saan tayo pagkatapos natin dito?" Tanong ni Choi sa kanila, and gestured at them na umorder lang nang makarating na ang waiter.
"Hanggang 6 pm lang ako ah." Pat reminded them.
"Bakit naman? May date ka?" Tanong sa kanya ni Choi.
"...may gig kasi ako mamayang 7 pm sa Sgt. Pepper's." Sagot ni Pat nang matapos siyang pumili ng drink niya.
"Whoa! Talaga? Eh di dun na lang tayi dumiretso." Sabi ni Choi, tuwangtuwa na malamang meron siyang kaibigang musikero. "Oh nga pala, ba't hindi niyo sinama si George?"
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
NouvellesBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...