Nineteen

32 2 1
                                        

Nang makalayo na silang tatlo sa caf, nakaakbay pa din si Austin kay Billy.

Napatingin si Billy sa kanya, and then Austin realized na hindi pa siya bumibitaw. "Sorry." Sabi niya.

Hindi na lang umimik si Billy, samantala si Bogs naman ay nakangisi.

"What are you guys doing on saturday?" Tanong ni Austin sa kanila. Kahit na siya ay nagkaawkward moment sa ginawa niya.

"Nasa bahay lang ako." Sagot ni Bogs. "Ikaw Billy?"

"Nasa bahay lang din." Tahimik na sagot ni Billy.

Austin took a moment bago niya sabihin ang gusto niya. "Do you guys wanna hang out this weekend?"

Parehong napatingin sina Billy at Bogs sa kanya, pero magkaiba ang reaction nila.

"Oo ba, okay na okay sa akin yon." Sagot ni Bogs kay Austin. Excited na.

Si Billy naman nagdadalawang isip pa. "Hindi ako pwede eh. Gusto ko kasing magreview para sa exams."

Austin shrugged. "Okay, eh di next week na lang after nung exams natin. That way makapagenjoy talaga tayo." He grinned. He wanted to make sure na papayag si Billy.

Siniko ni Bogs si Billy. "Sige na, lumabas ka naman ng kweba paminsan minsan." Sabi niya.

Austin gave a short laugh. "So? Lalabas tayo next week?"

"Titingnan ko." Billy smiled, pero wala naman siyang plano na sumama talaga.

Napangiti si Austin, at least merong chance na makakasama si Billy. "Cool." Pero half of him knows na hindi mangyayari yon.

***

Naghuhugas ng plato si Billy magisa. Si tita Teresa naman niya ay nagrerelax na sa kwarto niya, at rinig na rinig ni Billy na may kausap ito sa phone.

It was the friday night before their christmas vacation at kanina lang din natapos ang kanilang exams. Thankful si Billy dahil okay naman ang naging exams niya kanina, at hindi na siya masyadong stressed sa schoolworks.

"Hmmm." Pumasok pala si Stacey ng kusina at kumuha ng tubig sa ref. Nilapitan na niya si Billy habang umiinom ng tubig. "What the hell are you doing here?"

"Naghuhugas?" Sagot ni Billy. Napatingin siya kay Stacey na bihis na bihis, lalabas naman yata kasama ang mga bitchy friends niya.

Stacey glared sa mga hinuhugasan ni Billy and sniffed, as if nadidirian siya sa ginagawa nito. "Anong update kay Austin? Wala ka bang plano?"

"Niyaya niya kami ng kaibigan kong mamasyal bukas---"

"Then go! Ano pang hinihintay mo? Just flirt with him, mahirap ba yon? Nagawa nga ng nanay mong makipaglandian sa daddy ko, imposible namang hindi kaya gawin yon ng anak niya."

Napatigil si Billy sa ginagawa niya and glared at Stacey.

Pero hindi naapektohan si Stacey dun, instead she smirked. "What? Lalaban ka? Sisihin mo yong malandi mong nanay, kasi dahil sa kanya naghihirap ka ngayon." Sabi nito at ibinigay na kay Billy ang ginamit na baso. "Think of it this way sis, binabayaran mo lang ang pagpapatira ni mommy sa'yo dito. Dapat nga mahiya ka pa sa akin eh." She said with tone full of sarcasm. Kinuha niya ang isang platong nahugasan na at binasag, iniwan na si Billy para linisin yon.

Wala nang magawa si Billy kundi linisin ang nabasag na plato, habang iniisip ang mga sinabi ni Stacey and then nagdecide na.

Nang makatapos na siya sa kanyang gawain, pumunta na siya ng telepono at dinial ang landline number ni Bogs. After three rings sinagot na din ito ng kaibigan niya.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon