"May I ask kung bakit ka nagiisa ngayong araw?" Tanong ni Austin , sipping on his iced americano.
Nagtatalo na naman ngayon ang isipan ni Billy kung anong sasabihin niya kay Austin. Magsisinungaling ba siya or magsasabi ng totoo, but then she decided to let Austin know a little bit more about her.
"Umalis kasi sila kaninang umaga para magbakasyon, may family brunch pa kasi kanina. Pagkatapos sa new year na sila uuwi." Sagot niya, stirring her caramel macchiato.
Si Austin naman nagtataka kung bakit ganun, nakatitig lang ito kay Billy. "Bakit hindi ka sumama?" He asked.
Billy smiled a little. "Hindi naman kasi ako part ng family na yon."
Nakatingin pa din si Austin sa kanya. He got the idea pero nahihiya siyang magtanong kay Billy. "Okay...so yong sinasabi mong kasama mo sa bahay is..."
"Legal family ng daddy." Billy filled in. "Dun na kasi ako pinatira ni daddy nung namatay ang mama."
He set his coffee down on the table. "So...okay naman sila sa'yo?"
"Panapanahon." Sabi ni Billy, trying to deliver it as a joke. "Nagkakaproblema din paminsanminsan, alam mo na. Wala naman kasi akong mapupuntahan eh, kami lang talaga ni mama ang magkasama eversince."
Austin's not sure if he should smile to make her okay, parang ang off naman kasi ng ganun sa pinaguusapan nila. "I'm sorry." He managed to say. Billy smiled back at him. "So you mean, ikaw lang magisa sa christmas?"
Tumango si Billy. "At new year."
Austin made a face, but seriously he felt sad for Billy. And it kinda hurts him nang malaman niya na ganun pala ang buhay niya. "Okay lang ba sa'yo na gugulohin kita sa christmas until new year?" He asked her.
"Gugulohin mo talaga ako?" She laughed at pabirong pinalo si Austin sa braso.
Pero seryoso si Austin sa kanyang sinabi. "I'm not joking. Every year on December twenty four, merong christmas party dun sa resort. Paparty yon ni lola sa mga nagtatrabaho sa amin, minsan pumupunta din yong mga anak ni lola kung nakaalala." Kwento ni Austin. "Pumunta ka kaya, para naman hindi ka nagiisa sa christmas."
"Resort?" Tanong ni Billy pero nagdadalawang isip na ito kung sasama ba siya.
Austin nodded. "Oo, resort yong business ni lola. So...? Wanna come?" Nakangiting tanong ni Austin kay Billy. "You'll enjoy, I promise."
***
Bumaba na si Austin ng taxi at nakasunod naman si Billy sa kanya, kararating lang nilang dalawa sa resort and its past 1 pm.
The resort has three pools, a basketball court, a playground for kids, a few rooms for guests kung magsestay for a night or so and a small bar.
"Sa inyo 'to?" Tanong ni Billy sa kanya nang pumasok na sila.
"Kay lola." Sagot ni Austin, leading her towards the area kung saan naka set ang party. Nandun na nga yong lola ni Austin at mukhang nagsisimula na yong party.
"Oh, bakit ngayon ka lang?" Sabi ng lola Juana niya nang nilapitan niya ito.
Austin gave her a peck and hugged her. "May sinundo lang po." Sabi niya, glancing at Billy. Napatingin naman ang lola niya. "This is my friend Belinda."
"Magandang hapon po." Billy greeted her, fidgeting. Pero nawala naman ng kunti yong kaba niya nung ngumiti ang lola ni Austin.
"Hello, Belinda." Lola Juana hugged her. "Mabuti nakapunta ka dito, please make yourself at home."
Billy was surprised sa warm welcome na binigay sa kanya, and it felt good. "Thank you po, okay po."
Ngumiti si lola Juana sa kanya and then she turned at Austin. "Ikaw Faustino, bakit hindi mo sinabing magdadala ka pala ng bisita dito. Sana pinaghandaan ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/72931353-288-k118692.jpg)
BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Cerita PendekBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...