Twenty Three

55 2 4
                                    

At around 11 pm, nagcool down na yong party. Aside kina George at Billy na one bottle lang ang ininom, ang mga boys naman nakahandusay na sa damuhan. Magkakatabing nakahiga, lahat nakatingin sa buwan.

"...best birthday---ever." Sabi ni Pat, yakap yakap ang regalo ni Chad sa kanya na sleeping bag. Naghigh five naman si Chad na nakahiga sa tabi niya.

"Mabuti na lang nagkakilala tayo." Sabi naman ni Ardi, may hawak pa na bote pero hindi na din naman umiinom.

"Totoo yan...totoo yan. Siguro kung hindi tayo naging magkaibigan...siguro nandun ako ngayon sa bahay ng lola ko...siguro tulog ako ngayon...hehe." Magisang tumawa si Pat, nakayakap na si Ardi sa kanya.

"...Pat..Pat..." Tawag naman ni Sean, na nasa tabi ni Ardi.

"Oh..?" Sagot ni Pat, nakapikit ang mga mata.

"Happy birthday...hehe." Sabi ni Sean. "Gusto ko ten years from now...tayo tayo pa din..." Turo niya sa mga kaibigan niya habang nakahiga. "...magkakasama pa din tayo. Until we die."

"Nagdadrama na." Sabi ni George, sinimulan na nila ang pagligpit ng mga empty bottles.

"Ganyan talaga kapag nakainom, nagiging sensitive at emotional bigla." Biro ni Billy, pareho silang natawa ni George.

"Sinabi mo pa, halika na, gisingin na natin ang mga yan at makapagpahinga na." Yaya ni George sa kanya. Nilapitan na nilang dalawa ang mga boys. George reached out for Sean's hand at tinulungan siyang makatayo.

"George?.. I love you." Sabi ni Sean, nakapikit ang mga mata pero nakangiti.

"Oo, I love you din, kaya magpahinga ka na." Sabi ni George, pinagpag ang tshirt ni Sean at nagpaakbay sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Sean.

"Matutulog." Napatingin si George kay Chad and gave him a thumbs up. "Congrats! Nalasing mo nga sila."

Bumangon na din si Chad at ginising si Pat na nakatulog na pala. "Birthday boy, gising. Dun ka na magpatuloy sa loob."

Agad namang bumangon si Ardi at tinulungan si Pat tumayo. "Hindi ako lasing, inaantok lang ako talaga. Tara, Pat." Pinatayo na nilang dalawa ni Chad si Pat. "Gago ka talaga, nilasing mo talaga 'to baka bukas hindi niya maalala ang mga nangyari." Sabi ni Ardi, tumawa naman si Chad at pumasok na din silang dalawa.

Si Austin na lang ang naiwang nakahiga, nilapitan siya ni Billy and squatted beside him. "Lasing ka din?"

Umupo na si Austin. "No, of course not. Bisita kita, hindi kita dapat pabayaan. If naglasing ako kanina sinong magaalaga sa'yo dito."

Umupo na din si Billy katabi ni Austin. "Kwento ni George...ako daw yong unang babae na pinakilala mo sa kanila. Anong nangyari sa iba?" Billy smiled a teasing smile.

Napangiti din si Austin, nahihiya. "Ahh...hanggang movies and bars lang sila. It never occured to me na ipakilala sila, they're my friends and I don't want them to be attached. I guess, I don't want to be stuck with any of those girls."

Napangiti si Billy. Pinakilala siya ni Austin sa mga kaibigan nito, so ang ibig sabihin... "At okay lang pagdating sa akin?"

"I don't mind being stuck on you." Sabi ni Austin, winking at Billy at humiga ulit. "Nageenjoy ako kapag kasama ka."

Pinalo siya ni Billy sa braso, pero nakangiti pa din ito. "Bumangon ka na diyan. Pumunta na tayo dun sa loob."

Bumangon na din si Austin. "Gets mo na na dito tayo magpapalipas ng gabi, right?"

"Kaninang 9 pm ko pa nagets na hindi ako makakauwi."

"Okay lang yan." Sabi ni Austin at pumasok na sila sa loob. "Billy..." Hinawakan niya ang kamay ni Billy para pigilan siya.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon