"Billy..." Bulong ni Bogs kay Billy habang nasa library sila.
"Bakit?" Pabulong na tanong naman ni Billy, nagte-take down notes.
"Si Austin, kanina pa nakatingin dito." Bulong ni Bogs.
"Huwag mong pansinin." Sabi ni Billy, patuloy sa pagsusulat.
"Kanina pa nagpapapansin eh. Pansinin mo na lang kaya."
Napatingin si Billy kay Bogs, iniwasang mapatingin kay Austin. "Ayoko nga. Hayaan mo siya, hindi naman kami magkaibigan nun. Papansin lang talaga yan."
Tumango naman si Bogs at bumalik ulit sa pagbabasa at pagsusulat. Ilang sandali, kinalabit na naman nito si Billy. "Psst."
"Bakit na naman?"
"Papalapit na siya dito. Kinakabahan ako." Sabi ni Bogs.
"Bakit ka naman kakabahan---"
Austin pulled out the chair in front of her kaya hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin. "Hi." Sabi nito, nagpapa-cute kay Billy.
Tinitigan lang siya ni Billy ng masama. "Ano na namang kailangan mo?"
He shrugged and looked at her in a weird way. "I'm studying." Pinakita niya ang librong hawak nito.
Hindi naman naniwala si Billy sa kanya kahit na may props pa itong eyeglasses. Minabuti na niyang hindi pansinin si Austin, at bumalik na lang sa ginagawa niya. She was about to turn the page of the book, when she noticed that Austin was slipping a small piece of paper next to her book.
Napatingin siya sa papel at binasa ang nakasulat dito.
i'm free. go out with me?
Agad namang napatingin si Billy kay Austin at pagkatapos kay Bogs. Nagkasalubong ang mga tingin nila ni Bogs at pagkatapos ay yumuko din ito. Naiirita na si Billy kay Austin ngayon, hindi kasi ito nakatingin dahil kunwaring nagbabasa ng libro, at para bang wala siyang idea sa note.
Kinuha ni Billy ang notebook niya at hinampas sa kamay ni Austin nakapatong sa table.
"Aw!" Sabi nito, touching his hand na tinamaan ni Billy. "What was that for?" Napatingin siya sa librarian pero hindi din naman pinansin ang warning look nito.
Billy slid the piece of paper back at Austin. "Humanap ka ng ibang madidiskartehan nito ah. Hindi yan uubra sa 'kin." She turned at Bogs. "Tapos ka na ba? Aalis na tayo."
"Ha? Eh, hindi pa. Malapit na...two sentence na lang." Sagot ni Bogs, napepressure.
Austin looked at him. "Could you please write that down very slow? Para hindi kayo makaalis kaagad?"
"...ha..eh?"
Kinuha ni Billy ang ballpen kay Bogs at siya na lang ang nagtapos. "Oh, tara na." Siya na din ang nagbitbit ng librong hiniram ni Bogs.
Austin stood up as soon as Billy did, and followed her when she returned the books at hanggang sa lumabas na ng library.
"Hey!" Tawag ni Austin sa kanya.
Agad namang huminto si Billy sa kakalakad, ganun din si Bogs. "Huwag mo nga akong ma-hey hey!"
"Sorry, its because I don't know your name. Kaya nga ako lapit ng lapit sa'yo, I just want to get to know you." Austin said, brushing up his hair. "I think wala namang masama kung alamin ko yong pangalan mo di ba?"
Pero hindi sumagot si Billy, tinititigan lang niya si Austin ng pinakamasamang tingin na kaya niya. Hindi naman umepekto kay Austin yon, kasi the more na nagiging ganun si Billy, the more na nagugustohan niya ito.Out of the blue, nagsalita si Bogs. "...Billy, hindi pa ba tayo aalis?"
Napangisi si Austin, samantala si Billy naman ay pinandilatan si Bogs. "Billy. So Billy is short for what?"
"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ni Billy sa kanya at akmang hihilahin si Bogs para makaalis na sila, pero inunahan siya ni Austin. Inakbayan nito si Bogs para pigilan.
"Billy is kinda weird for someone as pretty as you." Hirit pa ni Austin, pagkatapos ay napatingin kay Bogs. "What's her name?"
Namutla si Bogs. "Ha?.."
"I won't let you go if you won't tell me her name." Sabi ni Austin at hinigpitan ang pagkaakbay nito kay Bogs para hindi makaalis.
"Billy!" Sigaw ni Bogs, natatakot. Ganyan lang kasi talaga si Bogs, napakainosente at mama's boy.
Enough is enough for Billy, sinubukan niyang alisin ang kamay ni Austin. "Pwede ba, huwag mong takutin yong kaibigan ko!"
"Ano bang ginawa ko?" Binitawan na din ni Austin si Bogs. "Okay, okay i'm sorry. Let's do this in a nice way. I'm Austin Dominguez." Sabi nito, extending his hand.
"Matagal na kitang kilala." Masungit na sagot ni Billy, hindi pinansin ang attempt ni Austin na shake hands.
Napangiti naman si Austin. "Are you serious? Are you stalking me, kaya kilala mo na ako?"
Billy glared at him, parang gusto na niyang suntukin si Austin. "Excuse me, kahit kailan hindi ko gagawin yon. At kaya lang naman kita nakilala dahil ang dami mong pinaiyak na babae sa campus, kalahati yata ng mga babae dito naging girlfriend mo na."
"Grabe naman 'to, hindi naman po lahat ng babae. Alam mo, you're making a lot of excuses para huwag ibigay yong pangalan mo. Ano bang winoworry mo?"
Nagcross arms si Billy. "Ayoko kasi ng gulo. Nakita ka namin na nakikipagsagutan kay Stacey, alam naman ng lahat na patay na patay sa'yo yon at alam din ng lahat kung ano si Stacey."
Umiling si Austin. "Please, Stacey's just being what she is. A bitch."
"Kasi sinaktan mo siya." Billy said.
"Well she broke my phone." Austin answered back. "Hinagis niya mula third floor, that wasn't nice." He then pressed his palms together. "Please, Billy? Gusto lang kitang makilala and be friends with you." He turned at Bogs. "Ikaw? Anong pangalan mo?"
"...Bogs?" Nagtatakang sagot nito.
"Do you want to be my friend Bogs?" Tanong ni Austin sa kanya. Kahit na nagugulohan si Bogs, tumango pa rin ito. "See? We're friends, I can be friendly you know. So, i'm Austin and you are?"
At dahil sa napapagod na si Billy sa kakulitan ni Austin, bumigay na din siya. "Billy." Kailangan na din nilang umalis ni Bogs.
"Billy is short for?"
"...Belinda."
Ngumiti si Austin. "Nice name, Belinda. Anong apelyido mo?"
"Ayokong ibigay, okay?" She reached out for Bogs at hinatak na. "Halika na."
"Okay, Belinda. Kung yan ang gusto mo." Austin called out at them grinning.
END OF CHAPTER SEVEN.

BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Historia CortaBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...