Six

51 3 1
                                    

"Ano yon." Sabi ni Bogs. Napadaan kasi silang dalawa malapit sa caf, at nakita ang sagutan ni Austin at Stacey. "Si Stacey yon di ba?"

Tumango si Billy. "Halika na, dun na tayo kumain sa loob." Yaya niya kay Bogs.

Sumunod na lang din si Bogs sa kanya, na gets naman nito na ayaw ni Billy magpakita kay Austin.

Dun na sila dumaan sa kabilang side ng caf at nakasalubong naman nila sina Stacey.

Tiningnan siya ni Stacey at dumiretso na sa paglakad.

"Anong problema nun? Alam ba niya na ikaw yong tinutukoy ni Austin?" Tanong ni Bogs kay Billy nang makapasok na sila ng caf.

"Hindi, hayaan mo na lang yon. Alam mo namang nasira na yong araw niya di ba?" Biro ni Billy.

"Kung sa bagay." Pumunta na sila ng counter at pumili ng pagkain. "Lakas ng tama kay Austin eh. Nageskandalo. Tsk!" Sabi ni Bogs at kumuha na ng tray para sa kanila ni Billy.

Hindi na sumagot si Billy, ngumiti na lamang siya kay Bogs at pumili na ng pagkain.

"Billy, gusto mo?" Tanong ni Bogs, kinuha ang isang butterscotch. "Libre kita."

Ngumiti si Billy sa kanya. "Thank you."

Nang makatapos silang magbayad ay naghanap na din sila ng mauupuan.

"Billy, oh." Binigay na sa kanya ni Bogs ang butterscotch.

"Salamat, Bogs." Sabi ni Billy. "Ano ba yong pinaphotocopy mo kanina?"

"Mga recipe. Mahilig kasi si mama magluto, kaya nagpaphotocopy ako ng bagong recipes." Sumubo na si Bogs ng chicken adobo at rice. "Mommy mo ba mahilig din magluto?" Tanong niya kay Billy.

Umiling si Billy at ngumiti. "Dati."

"Eh bakit ngayon?"

Pero bago makasagot si Billy, nagulat sila dahil biglang may naglagay ng iced tea at sandwich sa mesa. Pareho silang napatingin ni Bogs.

"I assume na hindi mo ako nakita dun sa labas. I've been waiting for an hour." Sabi ni Austin, nakatitig kay Billy.

Billy was surprised. Hindi niya inexpect na makikita pa siya ni Austin dito sa loob, at umaasa siyang hindi siya makikilala nito.

"May kailangan ka?" Tanong niya kay Austin.

Austin shrugged. "I asked you for lunch remember?"

"Pumayag ba ako? At hindi mo ba nakikita? Kumakain na ako, okay na ako." Sagot niya. Naiirita kay Austin.

"Well, can I join you?" Sabi ni Austin, ignoring ang pagkairita ni Billy sa kanya. He pulled out a chair at umupo na nakangiti.

Inirapan siya ni Billy. "Sinabi ko bang umupo ka diyan? Hindi ka pwede umupo diyan." She tried to keep her voice down.

Austin turned and checked the back of his chair. "Wala ka namang pangalan dito ah."

Hindi na lang siya pinansin ni Billy. Susubo pa sana siya ng pagkain kaso nakatingin si Austin sa kanya.

"Go on, eat." Sabi ni Austin.

"Paano ako makakakain kung nakatingin ka naman." Masungit na sagot ni Billy sa kanya. "Umalis ka na nga dito."

Agad namang tumayo si Austin and raised his hands. "Alright, okay. Huwag ka lang sumabog, your beauty alone is deadly."

"Nakalimutan mo sandwich mo!" Tawag ni Billy sa kanya.

"We're suppose to have lunch together, right? It's yours." Sagot ni Austin sa kanya at umalis na. Timing naman na pumasok si Ardi at Pat, kaya sumabay na lang si Austin sa kanilang dalawa.

Napatawa si Bogs nang makaalis na si Austin. "Deadly daw beauty mo." Tukso ni Bogs, at inabot sa kanya ang sandwich at iced tea na binigay ni Austin. "Oh, para sa'yo yan."

Tinitigan lang ni Billy yon. "Kainin mo na lang Bogs."

Naningkit ang mga mata ni Bogs sa kanya. Binuksan niya ang bag ni Billy at nilagay sa loob ang sandwich at iced tea. "Para nga sa'yo yan! Huwag kang maarte."

Hindi na umangal si Billy dahil pinandilatan na siya ni Bogs at tinuro ng tinidor.

***

"Okay ka lang?" Tanong ni Ardi kay Austin nang makalabas na sila ng caf. "Kanina ka pa nakangiti diyan."

"Wala, tinanggap niya kasi yong lunch na binigay ko sa kanya." Nakangising sagot ni Austin.

"Sino? Nagkita ba kayo nung girl na ka-date mo sana?" Tanong ni Pat.

"Oo, nakita ko siya pumasok ng caf." Kwento ni Austin sa kanila. "Hindi niyo ba nakita yong kinakausap ko kanina?"

"Yong may kasamang jollibee?" Tanong naman ni Ardi. "Yong girl na hanggang dito yong buhok?" Turo naman niya sa balikat ni Pat na nasa tabi niya.

"Oo..." Tango ni Austin. "Kilala mo?"

Ardi shook his head. "Hindi sa pangalan. Pero iisang department yata sila ni Sean, madalas ko siyang nakikita sa building nila eh." Ardi informed him.

"Kilala kaya siya ni Sean?" Austin wondered.

"Ewan, tanungin mo." Sabi naman ni Ardi. "Siya pala yong ka-date mo ah. Kung sa bagay, maganda naman talaga yon."

Napagtaasan ng kilay ni Austin si Ardi. "I got dibs on her."

Natawa si Ardi sa kanya dahil biglang sumeryoso ang mukha nito. "Ano? Wala naman akong sinasabi. Ikaw talaga, ang chickboy mong lalake pero napakaseloso mo."

"I just like her because she's so feisty. I never had a girl like that, gusto ko siyang maging kaibigan."

Nagtinginan si Ardi at Pat. "Kaibigan daw. Pinilit mo kaming mangdikit ng flyers mo sa buong campus, tapos kakaibiganin mo lang? Hindi kapanipaniwala." Sabi ni Pat. "Grade one lang ang maniniwala sa sinabi mo."

"I just want to know her more kasi tinulak niya ako at inapakan pa yong paa ko, kahit na nagsorry na ako. I helped her with her coffee but she didn't even thanked me." Austin explained. "Gusto kong maging close kami, at ayaw kong magsalita ng patapos."

"Eh di kaibiganin mo." Sabi ni Pat.

"Goodluck sa'yo." Dagdag ni Ardi. "At goodluck sa kanya. Beware of Stacey."

END OF CHAPTER SIX.

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon