Eighteen

53 1 5
                                    

Nakaupo silang lima sa table nila sa labas ng caf. Hinihintay kasi ni Sean na matapos ang klase ni George kaya naisipan nilang samahan si Sean.

"Labas tayo sa sabado." Sabi ni Chad na umiinom ng coke.

"Huwag niyo muna akong isama diyan, kailangan kong magreview para next week." Inunahan na sila ni Sean.

"Eh di huwag kang sumama." Sabi ni Chad kay Sean at napagtaasan pa niya ng kilay. Siniko naman niya si Pat sa tabi niya. "Ikaw Pat? May gig ka sa sabado?"

Pat looked up from his book, nagaadvance reading na kasi ito sa isang subject niya. "Hmm? Wala, nagpaalam ako na hindi na muna ako pwede sa weekend. Medyo busy na kasi malapit na exam." Sagot niya at bumalik na ulit sa kanyang libro.

"Pass na muna tayo sa ganyan kasi mageexam na." Sabi naman ni Ardi, na kanina pa tahimik dahil kanina pang busy sa pagsesketch. "Concentrate muna tayo sa exams."

Napatingin si Sean sa ginagawa ni Ardi. "Para saan ba yan?"

"Side job. Alam mo na." Sagot ni Ardi, hindi tumitigil sa ginagawa niya.

Chad turned at Austin. "Si Austin malamang lalabas yan, di ba Austin?"

Hindi siya pinansin ni Austin dahil may lumapit sa kanyang babae, si Arra.

Matagal nang may gusto si Arra kay Austin, and he knows it, kaya madalas siyang nakikipagflirt dito.

"Hi Austin." Bati ni Arra sa kanya. "I got two tickets sa concert this saturday. Wanna come with me?" She smiled at may kasama pang flirty na wink.

Tahimik lang sina Chad, kunyari wala silang may naririnig.

"I'm not available." Sagot ni Austin sa kanya, hindi man lang nagdalawang isip.

"Okay. How about sa sunday? Pwede tayong manood ng movie if you want."

Austin smiled at her. "Arra, what I mean is hindi NA ako available."

Na gets na ni Arra ang ibig niyang sabihin kaya umalis na lang ito bigla.

"Isa na namang broken hearted girl." Sabi ni Pat, turning the page of his book.

"Pakiexplain nga kung bakit mo sinabi na hindi ka na available? At may emphasis dun sa na?" Tanong ni Sean kay Austin. Actually, alam naman niya kung ano yong ibig sabihin niya dun. Gusto lang kasi talaga ni Sean na manggaling kay Austin yon.

Austin looked at him and slightly rolled his eyes. "I like her." Nakuha na niya ngayon ang atensyon ng mga kaibigan niya. Napatigil si Ardi sa pagsesketch at si Pat naman ay binaba na yong libro niya. "Gusto ko everyday ko siya nakikita kahit na sinusungitan niya ako. Tapos ngayon na kinakausap na niya ako...aaughh...ang sarap ng feeling ko. I don't know what she did to me but I really really really want to court her. For real, no games."

Nagulat si Austin nang bigla siyang kinalabog ng mg kaibigan niya.

"Change is coming!" Sigaw nilang apat kay Austin.

***

The next day, hindi na nagaksaya ng oras si Austin.

Pagkatapos ng morning class niya, nagmadali siyang pumunta ng building nina Billy at baka hindi niya maabotan.

He's taking two steps paakyat ng hagdan papuntang second floor. When he reached the landing he saw that the hallway was filled with students, he searched for Billy immediately.

And he sort of panicked nang hindi niya mahanap si Billy.

Someone tapped him on his shoulder. Si pretty boy pala. "Ikaw yong kaibigan ni Billy di ba? Si Austin?"

AUSTIN [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon