The next day maagang nagising si Billy. She did her chores at nagluto ng almusal.
"Oh, nagluto ka pa ng almusal." Sabi ni Stacey nang pumasok siya ng kusina para uminom ng tubig.
"Ang aga mong nagising." Napatingin si Billy kay Stacey, nakaayos ito. "May pupuntahan ka? Ang aga naman."
"Aalis kami ni mommy, dun kami sa bahay ng lola ko magsespend ng christmas. We are leaving this morning kasi merong family brunch." Binigay niya kay Billy ang basong ginamit niya. "Too bad you can't come with us, you're not part of the family kasi." She said with fake sympathy at umalis na.
She set the glass down the sink and sighed. Kung may pupuntahan silang brunch, eh di sayang lang yong niluto niyang breakfast. Sana sinabi man lang sa kanya kagabi para hindi na siya nakapaghanda for three persons na pagkain, how hard can it be?
Pinigilan niya ang sarili niya na huwag magpadala sa galit. Tahimik niyang hinugasan ang pinaglutuan niya.
"Belinda..." Napatigil si tita Teresa niya, nakita siguro na naghanda pa siya ng breakfast. "Oh, obviously you didn't know na aalis kami ni Stacey. We'll be away until new year, okay? Iiwan ko ang bahay sa'yo and everything, and I don't want any trouble while i'm not around." Sabi ni Teresa sa kanya, at nakasunod naman si Stacey. Hindi man lang nakuhang magadvance merry christmas sa kanya yong dalawa.
"Ano? Hindi man lang pinaalam sa'yo na aalis sila? Wow naman, iisang bahay lang kayo." Sabi ni Bogs sa kabilang linya.
Tinawagan kasi siya ni Billy after lunch at nakipagkwentuhan, at para mahingi na din ang cellphone number ni Bogs.
"Wala na akong magawa, tapos na yon. At least hindi na ako magluluto ng hapunan ko, pang isang araw ko nang ulam 'to." Sabi ni Billy, playing the telephone's cord.
"So ibig sabihin ikaw lang magisa diyan hanggang new year? Magisa kang magpapasko diyan?"
Billy sighed. "Parang ganun na nga, wala naman akong pupuntahan eh."
Bogs sighed too. "Sayang, pupunta din kasi kami sa probinsya. Umuwi kasi yong kapatid ni mama." He suddenly gasped. "Sumama ka na lang kaya sa amin?"
"Bogs okay ka lang? Family time niyo yon, ayoko namang makiextra dun noh. Okay lang ako." Sabi ni Billy, assuring her friend that everything's okay kahit na medyo nalulungkot siya dahil magisa lang siya.
Tahimik lang si Bogs sa kabilang linya. "Nandiyan naman si Austin eh. Pwede naman kayo magkita nun, ngayon pa na binigyan ka niya ng cellphone. Ooyy!" Nanukso pa si Bogs. "Nagtetext ba?"
"Alam mo, hindi nga eh. Akala ko nga mangungulit yon pero hindi naman nagpaparamdam. Nagtext lang kahapon kung nakauwi na ako, pero yon lang. Ewan ko kung anong nangyari dun." Sabi ni Billy while exploring her new phone. She discovered last night na inayos na pala ni Austin yong phone para sa kanya. He installed some useful apps for her,he downloaded some songs, he saved his own number and even took a few selfies. Napangiti si Billy habang tinitingnan yong mga pictures ni Austin.
"Huweeeh! Hinahanap na niya." Panunukso ni Bogs sa kanya.
"Ikaw talaga." Billy blushed, mabuti na lang hindi sila magkasama ni Bogs ngayon at hindi niya makikita na nagbablush ito. "Syempre nga di ba, binigyan ako ng cellphone expected na na mangungulit yon pero hindi naman nagtetext or tawag."
"Oo na, oo na, masyado kang defensive diyan. Wala naman akong sinasabi." Sabi ni Bogs. "Ahem. Mabuti na lang pala umalis ako kahapon."
"Sinadya mo yon noh?" Alam naman niyang hindi siya makikita ni Bogs pero automatic nang pinandilatan niya ito.

BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Cerita PendekBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...