Pinaayos ng lola ni Austin ang isang kwarto sa bahay nila para kay Billy, pagkadating nila dun. Nauna nang umuwi si Bogs sa kanila.Tinulungan na din ni George si Billy na gamutin ang sugat niya.
"Kung alam ko lang...kalbo na sana ang Stacey na yon sa akin. Nakakagigiiil!" Sabi ni George habang ginagamot ang sugat ni Billy.
"A-aray!" Sabi naman ni Billy.
Nadiin kasi masyado ni George yong panglinis niya sa sugat ni Billy. "Ay...sorry Billy." Sabi niya.
Natawa ng kunti si Billy. "Naiintindihan kita."
"Baka lalong lumala yang sugat ni Billy dahil sa'yo." Sumbat ni Sean kay George.
"Hmmp! Si Austin dapat dito eh. Nasaan ba siya?" Tanong ni George, nilagyan na ng band aid ang sugat ni Billy.
"Ayon, kinakausap ng lola niya." Sagot ni Sean. "Umalis nga ako kasi ang seryoso na ni Austin."
Billy bit her lip at napayuko.
Napansin naman siya ni Sean. "Huwag kang matakot, ganyan lang talaga si Austin kapag may pinoprotektahan."
Tumabi na si George kay Billy. "Mas okay na si Austin dahil dito ka na muna magsestay sa kanila. Alam mo ba grabe yong pagalala niya sa'yo kanina nung nalaman na niya yong totoo."
"Nahihiya nga ako sa kanya eh." Sabi ni Billy. "Tinulungan pa din niya ako."
Napatigil sila sa paguusap dahil lumapit na si Austin sa kanila.
"Everything's okay?" Tanong ni Austin sa kanila.
Sabay silang tumango.
"Austin, mukhang okay naman lahat...ahmm...mauna na kami siguro ni George." Paalam ni Sean sa kanya.
"Oo nga, baka gabihin pa kami lalo." Tumayo na din si George at kinuha yong bag niya. "Billy, aalis na kami ah. Kita na lang tayo bukas sa school."
"Sige George, salamat." Sabi ni Billy sa kanya.
Umuwi na din sina Sean at George. Naiwan sina Austin at Billy sa sala. Tahimik lang silang dalawa.
"Nakahanda na siguro yong hapunan." Sabi ni Austin, breaking the silence between them. "Kumain na muna tayo, pagkatapos kakausapin natin daddy mo."
Napatingin lang si Billy sa kanya. "Austin---"
"Come on, naghihintay na siguro si lola sa atin. Don't worry, hindi siya galit."
Pumunta na din silang dalawa sa dining room at kumain na ng hapunan kasama ang lola Juana nila.
After nilang magdinner, kinontact nila ang daddy ni Billy thru skype. Austin told her to tell her dad everything and so she did.
Kinwento niya ang mga ginagawa sa kanya nina Teresa at Stacey, at nagiging mabait lang sila sa tuwing umuuwi siya from abroad. Kung paano siya ginagawang katulong, paano siya laitin, kinwento nito ang tungkol kay Austin at kung saan na ito napunta. Pati na din ang ginawang pagprenda ni Stacey sa bracelet ni Billy na bigay sa kanya ng mama niya, na yon na lang sana ang naiwan niyang remembrance.
Umiiyak si Billy habang nakikipagusap sa daddy niya. Si Austin naman ay napapayuko na lang, nasasaktan na marinig ang mga pinagdadaanan ni Billy dun sa bahay ng tita niya.
Napapaisip si Austin, paano na lang kung hindi nangyari 'to ngayon? Makakaalis kaya si Billy dun? Hanggang kailan niya kaya titiisin yong mga ginagawa sa kanya dun?
Naramdaman niya ang paghawak ni Billy sa kamay niya, agad naman siyang napatingin kay Billy.
"Gusto kang makausap ni daddy." Sabi ni Billy, namumugto ang mga mata sa kakaiyak.
Kinabahan si Austin, umupo na siya sa harap ng laptop niya para magkaharap na sila ng daddy ni Billy. Nanginginig ang tuhod niyang nagpakilala at sinagot ang bawat tanong ng daddy ni Billy. Pumayag itong dun na muna magstay si Billy sa kanila hanggang sa makahanap na siya ng malilipatang apartment. He thanked Austin for being there at binantaan pa na huwag saktan si Billy, like most fathers do.
***
Nakahiga si Billy sa kama niya, hindi makatulog. Iniisip niya si Austin sa kabilang kwarto. Hindi pa kasi sila nakapagusap ng mabuti simula nung dumating sila ng bahay. Kahit na sabihin ni Austin na okay lang siya, hindi pa rin mapanatag si Billy.
Bumangon na siya at dahan dahang lumabas ng kwarto niya, papunta sa kwarto ni Austin. Binuksan na niya ang pinto, alam niyang hindi naglalock si Austin ng pintuan kapag natutulog.
Pero wala naman si Austin dun sa kwarto niya.
Billy immediately got out of Austin's room, and as she turned around she came face to face with him.
"May kailangan ka ba sa akin?" Tanong ni Austin sa kanya.
"...gusto lang kasi kitang makausap."
"About what?"
Hindi nakapagsalita si Billy. Hindi din kasi niya alam kung paano magsisimula sa dami ng gusto niyang ihingi ng sorry kay Austin. "Austin...i'm sorry sa mga ginawa ko sa'yo. Sorry sa lahat ng panloloko ko sa'yo. Sorry dahil nasaktan kita, sorry dahil nagsinungaling ako sa'yo. Sorry dahil...sorry dahil..." She bit her lip to keep it from trembling. "Hindi ka nagbago sa 'kin, bakit?"
Nilapitan na siya ni Austin and touched her cheek. "Because I love you so much na hindi madaling mawala. Do you still love me after all of these? Do you really love me?"
Tumango si Billy, tumulo na ang luha niya. "Oo naman."
"Then stop saying you're sorry." He leaned in and pressed his lips on Billy's forehead. Patay na ang mga ilaw, at dun na lang nanggagaling sa labas yong ilaw kaya kitang kita pa din ni Austin na umiiyak si Billy. "And stop crying, tapos na yon, we're okay. Tayo pa rin, nandito pa ako. Okay?"
"Okay." Sabi ni Billy pero hindi pa din tumitigil sa pagiyak. She was relieved na malaman at manggaling kay Austin yon.
Niyakap na siya ni Austin. "I'm sorry kung hindi kita pinakinggan nung una. Nabigla lang ako. And i'm sorry if masyado akong stiff kanina, stressed lang ako." Sabi ni Austin habang yakap yakap pa si Billy. "And i'm sorry if na late ako ng kunti kanina."
Napangiti na si Billy. "Tamang tama lang ang dating mo."
Austin let go of her and gently kissed her on her forehead. "I love you so much babe."
"I love you too." Billy answered him, he then kissed her on her lips. "Matulog na tayo? May pasok pa tayo bukas eh. Goodnight?"
"Goodnight." Sagot ni Austin sa kanya. Paalis na sana si Billy nang pigilan siya ni Austin. "Sleep with me?"
Nakangiting umiling si Billy. "Baka magalit si lola."
Austin sighed at napakamot sa ulo niya. "Okay, maybe next time. Goodnight babe."
"Goodnight." Sagot ni Billy sa kanya at pumasok na sa kwarto niya.
Inayos na niya ang kanyang unan at humiga na para matulog. Nagulat siya nang biglang pumasok si Austin sa kwarto niya at humiga sa tabi niya.
"Austin?"
"I'll sleep with you." Ngiti ni Austin sa kanya. "Goodnight babe, see you in the morning." At hinalikan pa ulit sa Billy sa pisngi bago matulog. "Lola wouldn't know."
END OF STORY

BINABASA MO ANG
AUSTIN [BOYS BE SERIES]
Короткий рассказBOYS BE SERIES BOOK 2 [COMPLETE] Austin Dominguez is the cherry on top. He's cool and very popular with the girls. With those pretty boy looks and irresistable charms, madali niyang nakukuha ang mga babaeng gusto niya. Until he accidentally met Bill...